Chapter 20

130 11 0
                                    

Ezra's POV

Ang sakit na talaga ng pag kaka hawak niya.

Gustong kong umiyak, sa sobrang sakit.

Ang tanga ko kasi, sa dinami dami ng pwedeng gawing apelyido, bakit yung apelyido pa niya, at bakit ko ba kasi nasabing asawa ko siya.

Nakakatakot siya. Huhuhu.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pag kakahawak.

Pumasok kami, sa diko alam at halos itulak na niya ako.

Naka tingin lang ako sa paa ko habang hawak hawak ang kamay ko. Ang sakit, sobrang pula niya.

*brag!* halos mapatalon ako nung isara niya ang pinto. Baka masira yun.

Ano ba Ezra! Nasa nakakatakot kang sitwasyon! Umayos ka umayos!

Hindi pa siya nag sasalita, kaya mas natatakot ako baka, dito na matapos ang buhay ko.

Ay, angel pala ako, hehe.

Ezra! Sabing nasa nakakatakot kang sitwasyon eh. Huhuhu.

"Sino kaba talaga?" Tanong niya. Pero nakakatakot siya mag salita.

Ang lamig nang boses niya. Ayokong mag salita. Baka may mali akong masabi.

"Sasagot ka o hindi?" May pag babanta sa boses niya. Kaya bigla akong napatingin sakanya.

"Angel nga ako, bakit ba kasi ayaw mong maniwala?" Natatakot kong sagot.

"Walang angel na tanga katulad mo" sabi niya. Kaya biglang may namuong luha sa mata ko.

"Hindi ka katanggap tanggap bilang anghel, kasi makulit ka at di marunong gamitin ang pag iisip" pumatak ang mga luha ko.

Yumuko nalang ako. Kasi tama siya.

Patuloy ang pag agos ng luha ko.

"Kung anghel ka, dapat alam mong gamitin yang utak mong isip bata, malaki kana, pero yang pag iisip mo ang ikli padin" ayokong marinig niya ang pag hikbi ko.

"Paano kaba pinalaki ng magulang mo hah, wala ka kasing modo" Biglang sumakit ang puso ko sa sinabi niya.

Diko nga alam kung may magulang ako eh, tapos yan ang sasabihin niya?

Lalong bumilis ang paglabas ng sunod sunod kong luha.

"Sabihin na nating anghel ka, pero dimo ba naisip na baka ka pinapunta ng sinasabi mong san pedro dito sa lupa para bahala kana sa buhay mo kasi dika nila mahal dahil sa kitid ng pag iisip mo?"

''Hahayaan ka nilang mabuhay dito, at mag hirap kasi wala silang pake alam sayo?"

Tama na please. Ayoko ng makarinig pa.

"Asawa? Wala nabang mas ikakapal payang muka mo?" Nakikinig lang ako.

"Kahit kailan di ako mag kaka gusto sa katulad mong bobo" madiin niyang sinabi iyon.

"Tandaan mo to, ayoko ng makita yang pag mumuka mo, kasi nakakasuka kang tignan, ang please lang, nasaan ba yung utak mo? Nasa paa mo? Tinatapakan mo? Next time gamitin mo yan ah, para naman masabi nilang may utak ka"  wala ng tigil ang pag iyak ko.

Bakit nasasaktan ako sa lahat ng sinaaabi niya.

"Kung ano man yang kalokohang misyon na pinag sasabi mo, wag mo na yang isipin kasi kahit kailan di yan mag babago, pano ka makakabalik sa langit? simple lang mag pakamatay ka" sigaw niya

"Kapag kukulitin mo pa ako, sisiguraduhin kong, ipapahiya kita sa harap ng madaming tao, ayoko sa mga taong walang kwenta, walang silbi sa mundo"

"Peste ka sa buhay ko, kaya lubayan mo na ako"

Umalis na siya at sinara ng pag ka lakas lakas ang pinto.

At dun na ako humagulgul.

Tama siya *huk* wala akong kwenta *huk* ang kulit ko kasi kaya ako pinadala dito ni San Pedro.

Nakakainis. Napa upo nalang ako sa sahig.

"Bakit ang sama sama mo Shan?" *huk*

San pedro kunin niyo nalang po ako oh. *huk*

"Suko napo ako sa misyon ko, okey lang po sakin na makulong kasama ang aso *huk* siya napo mismo nag sabi diko siya mapapagbago" humagulgul na ako.

Bakit? Bakit ako umiiyak? Diba dapat pumasok sa isang tenga labas sa isa.

Ganun naman ang lagi kong ginagawa tuwing pinapagalitan nila ako sa langit ah!

Bakit ngayon dinidib dib ko! Nakaka inis. Bakit nasaaktan ako sa bawat salitang sinabi niya.

Sorry san Pedro pero diko na po gagawin ang misyon.

Trouble Maker (Ezra And Shan) Where stories live. Discover now