Chapter 75

154 13 18
                                    

Ezra's POV

Okey na kami ni husband. Pero sila nila Talon, at Amil, di parin okey, ni hindi ko rin sila nakaka usap.

Ilang araw nadin ang lumipas simula nung Senior Ball, si Jana, regular nang pumapasok, okey naman na ang lahat.

Pag pasok namin sa school, may tumawag kay husband kaya dali dali siyang nag pa alam sakin.

"May pupuntahan muna ako" sabay halik sa noo ko.

"Saan ka pupunta?" Nag aalala kong tanong, baka may emergency.

"Nasa hospital si Jana, she tried to kill her self"  at tumakbo na siya papunta sa sasakyan niya.

Wag kang mag selos! Kaka ayos niyo lang diba?

Wag kang magselos sabi!!!

Biglang may humawak sa balikat ko.

"Ay tao!" Pag lingon ko.

"Anghel" he corrected me.

"Haha, baliw, kamusta na yung ilong mo? Hmmp ikaw naman kasi nakipag suntukan ka!" Naalala ko na naman.

"Alam ko, kaya sorry for punching your husband" he smiled. Haist, ang bait niya talaga.

"Ano kaba, okey lang yun" tsk, pa humble pa.

Nag simula na kaming mag lakad papunta sa room.

"Okey lang pala, edi i'll punch him again! Haha" he joked, kaya siniko ko siya.

"Joke lang, bakit dimo kasama asawa mo?" Umiling lang ako.

"Mabuti naman" kaya tinignan ko lang siya ng masama bago hinila, baka malate na kami sa first class namin.

"Malelate pa tayo eh, sa kabagalan mo" anas ko,  pero bigla siyang tumigil kaya pati ako napatigil.

"Bagalan lang natin" ngumiti na naman siya sakin.

Darn, anong problema niya. Nuong isang araw nga siya pa humila sa akin kasi baka malate kami eh.

Pag dating namin sa classroom, naka close ang pinto at windows, ah? Anong meron?

"Anong meron?" Tanong ko.

"Diko alam" sagot niya.

Pag bukas ko ng pinto biglang sumindi ang ilaw.

"We will miss you Amil!!!!" Maingay nilang sigaw, pero ano daw?!

"Thank you classmates" anas ni Amil.

Napa tingin ako sa kanya, nginitian niya lang ako.

"Babalik kana?" Tanong ko. Kaya tumango lang siya.

"Bakit dimo sinabi!" Kainis!

"Bantay sarado sayo ang asawa mo eh" sabay tawa.

"Mamimiss ka namin Amil!!!" Sigaw ni Nicky.

Nakalimutan kong sabihin, nandito silang lahat, pati si Talon.

May pakain na ganap, ang alam ng mga ka klase namin, sa abroad na siya mag aaral pero kami, alam naming babalik na siya sa langit.

Pag katapos naming mag kulitan kasama ang isa't isa at ang mga ka klase namin.

Pumanik na kami sa schools ground, kasi walang tao.

"Ingat ka dun huh?" Pag papa alala ko.

"Baliw, ikaw ang mag ingat dito, nasa safest place ako, at ingatan mo yang sarili, pag may nangyare sayong masama, ako ang mag aalaga sa kanya hahaha" huh?

"Anong pinas sasabi mo huh! Sinong  siya?" Ang gulo?

Umiling lang siya.

"Hmm, pwede ako naman?" Napa lingon ako kay ate Dhane.

"Haha, sure, ayiii" sabay sa sundot sa kanilang tagiliran.

Nakipag kwentuhan lang ako kila Adrian at Nicky.

"Hmm Ezra?" Nilingon ko si Talon.

"S-sorry ah?" Ngumiti lang ako sa kanya, isa pa tong lalakeng ti eh, mabait.

"Wala kang ginawang mali, haha" bakit siya humihingi ng kapatawaran?

"Haha, gag* kasi yung pinsan ko eh" nanisi pa hahaha.

"Sunget ko, look oh, I think your sister is inlove" tinignan namin ang tinuro ni Nicky, nakayakap sila sa isa't isa.

Lumapit kaming lahat.

"Thank you sa inyong lahat, thank you Ezra" ngumiti lang ako.

"Bye Amil *huk*" napa tingin kaming lahat kay ate Dhane na umiiyak, bago niyakap si Amil ulit.

Kaya tumawa lang kami. Haha inlove siya eh.

Lumapit si Amil sa akin.

"Oh" ini abot niya sakin ang isang panyo na katulad nung binigay ng isang lalake sa park nuon.

"I-ikaw?" Tumango lang siya.

Nakakahiya?! Nag da drama ako at siya lang pala ang nakikinig?!

"About what i've said sa senior ball, totoo yun, wag mong wawalain yang panyo ko ah? Haha" tawa niya, at may namumuo nading luha sa mata niya.

"Wag ka nang umiyak ulit" at niyakap niya ako sabay bulong,

"Kundi aagawin kita sa kanya" seryoso niyang bulong kaya pinalo ko siya sa balikat kaya natawa kaming dalawa.

"Amil naman eh!" Hmmp.

"Haha, seryoso ako, kaya umayos siya haha sige na sige na" humiwalay na kami sa pag kakayakap.

Umatras na si Amil at biglang  lumiwanag ng sobra, one last goodbye, nawala na siya sa paningin namin.

Mamimiss ka namin Amil.

*the end*

**********

Bwhahahaha!!!!! charotsszz

Trouble Maker (Ezra And Shan) Where stories live. Discover now