Ezra's POV
Kahit masakit na, bakit di parin tayo sumusuko?
Kahit mahirap na? Bakit gusto parin natin?
Kahit nag mumuka ka nang desperada sa paningin ng iba, wala ka paring pake?
Kahit gaano mo gusto makipag hiwalay, bakit dimo magawa?
Bakit kahit parang wala ng spark, pinipilit mo parin mag stay?
Bakit mahal mo siya kahit anong kagaguhan ang ginagawa niya?
Bakit kailangan nating mag pa katanga para lang sa taong mahal natin? To the point na alam mo namang sawa na siya pero nag papaka gaga ka para lang di masira ang inaalagaan mong kayo' na ikaw nalang ata ang nakaka alala.
****
Sinundan ko si Talon, gusto kong mag sorry sa kanya, sa kagaguhan ni Shan.
Nakakasawa narin yung ganito.
Bigla siyang mang aaway ng dimo alam ang dahilan, konting bagay selos na ka agad.
Mas magulo pa siya sa sirang plaka, hindi ko maintindihan.
Sa buong pag sasama namin, halos ako lang ang nag paramdam ng salitang 'pag mamahal'.
Nakita ko si Talon naka upo sa bench kaya tumabi ako sa kanya.
"Bakit puro muka ko ang dapat sumalo ng galit ng iba? Haha kanina yung babae, ngayon naman yung asawa mo! Haha just great" litanya niya habang simpleng tumatawa.
Typical Talon hindi marunong mag seryoso, halata nangang nagagalit nagagawa pang tumawa.
"Sorry ulit ah" wala eh. Yan lang talaga ang masasabi ko ngayon.
"Do you really love him so much?" Di ako umimik.
Nasasaktan siya ngayon, at ayokong mas masaktan pa siya sa magiging sagot ko.
"Ayokong mag away pa kayo ni Shan, so please stay away from me" kaya napatingin ako ka agad sa kanya, kasabay nito ang pag patak ng kanyang lumuha at tuluyan ng umalis.
"Talon?" Bulong ko sa hangin at napa iyak nadin.
So this is his way of goodbye? Darn. It hurts.
***
Hindi ko pinapansin si Shan, at di ako pinapansin ni Talon.
****
Lunchtime, wala si Shan, nakita ko si Talon naka upo mag isa sa kabilang table, its new kasi nakikitabi siya kila Nicky dati pero ngayon hindi na.
Pag upo ko, bigla siyang tumayo at umalis.
****
Last period absent si Shan, naging kagrupo ko si Talon pero naka headset lang siya, walang pake sa ka grupo niya, and now heto, kasama ko ngayon si Adrian, Nicky at ate Dhane, biglang lumabas si Talon sa isang classroom.
"Talon!" Tawag ko. Pero tinignan niya lang ako ng malamig bago inisalpak ang headset at nilagpasan ako.
"What's the matter?" Bulalas ni Adrian.
"Are you guys okey?" Ate Dhane.
"Let's just go home" anas ni Nicky nang mapansin niyang, na estatwa ako sa kinatatayuan ko.
How could I let my friend go just like that? It hurts me, it hurts me that the person who knows my secret refuse to be my friend anymore, the person I could always lean on turns his back away from me, the person I count as my bestfriend is now stranger.
*******
Shan's POV
I know, napakadami ko ng kasalanan kay Ezra, ang tanga ko kasi pina iral ko ang galit ko kaninang umaga.
What can I do? Nag seselos ako.
****
A/N:
Hey guys!! May new upcomming story na po ulit ako :) title ay If We Fall In Love Series "THE GANGSTERS FAITH"
Promise maganda po yun! Mas astig at napaka roller coaster! Yun lang po.
Tatapusin ko na po itong TM(S&E) pero ofcourse may part 2. Abang abang nalang po.
YOU ARE READING
Trouble Maker (Ezra And Shan)
Teen FictionAng story na ito ay matatagpuan sa @HumbleRis na account..