Ezra's POV
"May kukunin lang ako sa taas" pag pa-paalam ko kay Nicky. Naiwan ko kasi yung phone ko eh.
Ang tagal kasi nila. Nakakain nadin kami. Naka nood ng ilang palabas, mag e-11 na nga eh.
Mahirap na, kapag nabagot ako sa resthouse nila ate Dhane wala akong libangan.
Pag pasok ko sa kwarto ko nakita ko ka agad yung cellphone ko, nakalapag sa kama.
Kinuha ko ito, at lumapit ako sa salamin.
Naka pantalon lang ako at tshirt na white, si Nicky naka Shorts, panigurado pati rin si ate Dhane.
Ngumiti ako sa harap ng salamin, hinaplos ang pisngi ko.. Ang ganda ko pala? Bakit parang ang pangit ko nuon? O sadyang di ko lang talaga napapansin nuon?
Napa tawa nalang ako sa harap ng salamin.
"Maganda pala ako? Haha" baliw na talaga ako. Kasi naman eh, maganda pala ako? Haha.
**beep beep**
Buti naman at nandito na sila.
"Ezra!!! Lets go!!' Sigaw ni Nicky.
Kaya dali dali akong bumaba.
Nag paalam na kami ni Nicky kila tita at tito.
"Ingat Nicky, Ezra enjoy!" Niyakap namin sila at lumabas na kami. Hinila namin ang maleta namin at tuluyan ng lumabas, first time ko to. Eksayting!!
Bumaba naman sa van si Talon para kunin ang maleta namin, nauna nang pumasok si Nicky.
Tumingin ako sa kasunod na van.
Kumaway sakin si Neil, siya ang driver, diko alam sa sunod na van.
"Akala ko ba dalawang Van?" Tanong ko kay talon.
"May kanya kanyang babae sila eh, haha" sagot niya.
"Eh ikaw?" Tanong ko naman.
"May hinihintay ako" sabi niya sabay ngiti.
"O sino naman siya? Ayiiee kilala ko?"
"Kilalang kilala, haha"
"Oh my, si Nicky ba?" Umiling lang siya.
"Ate dhane?"
"Baliw mas lalong hindi ah" sagot niya.
"E sino?"
"Ik----"
"Maglandian nalang kayo dito sa loob okey?" Sigaw ni Shan sa amin.
Hmmp! Bwisit sasabihin na ni Talon eh panira.
Pumasok nalang kami ni Talon.
Sa unang upuan naka upo si Ate Dhane, at Adrian. Kailan ba mag hihiwalay yang mag kapatid na yan?
Sunod naman ay si Nicky, Marko at isa pang babae diko kilala. Napatingin siya sakin.
"I am Kisha" kumaway siya kaya nag smile ako "Ezra" pag papakilala ko.
At sunod naman si Shan, nasa tabi ng window, siya ang katabi ko. Nice. Haha.
Sunod naman si Talon, bali nasa gitna ako at sa driver naman si Jake at isa pang babae.
Nice. Tama nga si Talon halos lahat sila may babae haha.
Tumingin ako sa katabi ko, si Husband ayun naka headset na naka pikit, tulog na kaya to? Ang bilis naman? Kanina nga binulyawan lang kami eh. Hmp.
YOU ARE READING
Trouble Maker (Ezra And Shan)
Teen FictionAng story na ito ay matatagpuan sa @HumbleRis na account..