Ezra's POV
Kumakain kami ng breakfast ngayon. Pinag dikit dikit namin ang maraming table para mag kaka harap kaming lahat.
Ang ingay nga eh. Usap usapan ang pag kabasted ni Talon. Kaya napapatingin ako sa kanya, kasi diba alam niyo na.
Pag tingin ko sakanya, ayun tumatawa lang siya pero alam ko, tawang may kasamang sakit iyon.
"Ano ba kayo, tama na kay Talon" sana ibahin nila yung topic.
"Eh anong gusto mong pag usapan namin? Kayo ni HUSBAND mo? Haha captain oh, si wife mo" tawa ni Marko sabay akbay sa babae niya si Kisha, at talagang diniinan ang salitang husband eh no?
"Wag niyo kong idamay" cold niyang sabi sabay kain aba.
Nag si tinginan lang kami ng mga players. At nag sitawanan, para lang kaming baliw sa pinag gagawa namin.
Pag katapos naming mag breakfast, bumalik muna kami nila ate Dhane at Nicky sa room namin.
Kami ang mag kaka room, kaming tatlo lang. Yung iba diko na alam.
Pag ka pasok namin sa kwarto namin ay nag palit sila sa mga pang swiming nila, mag si-swimming daw sila eh.
Si ate Dhane naka t-shirt lang pero may two piece sa loob, maybe tatanggalin niya rin mamaya, while Nicky , naka bra at shorts.
Ang sexy nila. Ako wala naka pantalon parin ako.
Tumingin sila sakin.
"Wag mong sabihin na ganyan ka maliligo?" Tanong ni ate Dhane.
"Hmm, mamayang gabi nalang ako maliligo ate, mag papahinga lang ako, tutal may pool party naman mamayang gabi eh." Tumango naman silang dalawa.
"Ikaw bahala" and umalis na sila.
Dahil wala akong magawa, lumabas ako sa room namin, at pagtingin ko sa terrace nandun si Shan. Hehe mapuntahan nga.
May terrace kasi na isa sa end ng hallway, napuntahan ko na siya kanina, at napaka ganda ng view. Kita mo yung ocean, at yung barko, na sobrang layo.
Pag ka rating ko, eh nag pipicture pala siya.
Photographer kaya siya?
"Hoy Shan!" Napalingon siya *click*
"Ay panget" sabi niya sabay tingin sa dslr niya.
"Ala patingin!" Pilit kong abutin pero mas matangkad siya sakin.
Tumingkayad na ako at lahat pero wala talaga eh.
Sumuko nalang ako at umupo.
May upuan kasi eh umupo din siya, at nag pipicture ulit sa kahit saan.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya, habang nag pipicture.
"Wala lang, wala akong kausap eh" kaswal kong sagot.
"Ok" tsk.
"Bakit kaba ganyan?" Tanong ko nakakainis na siya. Hindi ba talaga siya mag babago?
"Anong ganyan?" Nag pipicture parin siya.
"Yan! Ikaw ang sungit mo" pag amin ko.
"Eh sa eto ako eh, pake mo?" Aba ang taray na na naman niya.
"Easy easy, nag tatanong lang eh!" Ang seryoso na niya.
"Badtrip" saka siya umalis. Sinundan ko naman siya kagad.
Pumasok siya sa elevator, muntik narin akong mapag sarahan. Phew. Pag naipit ako papatayin ko talaga siya.
"Bakit ba ang sungit mo?" Tanong ko ulit habang nakatingin sakanya at tingin ulit sa harap ko.
"Bakit ang dami mong tanong?" Ano'to? Sagutan ng tanong?
"Kasi cute ako, eh ikaw bakit tinalo mo pa ako sa ka sungitan?" Tanong ko.
"Kasi gwapo ako pake mo?" sagot niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong konek?" Hmp.
"Ginaya lang kita" sabi niya kaya napangiti naman ako.
"Gaya gaya kana din Mr. Fuentes?"
"Ikaw nga nang gaya sa apelyido ko eh kapal" dina lang ako sumagot. Kunawri ay sumisipol ako.
*whoo whoo* sumisipol ako, hehe.
Tumingin siya sakin. Napatjngin din ako sa kanya. Bigla naman akong umiwas ng tingin. Naiilang ako eh. Diko alam kung bakit.
Sumusipol parin ako. Ayoko tumigil, wala pa akong naisip na pang inis sa kanya eh.
Sumulyap ako kay husband. Naka ngiti siya na parang ewan.
Sisipol pa sana ako ng nag salita siya kaya natigil ako.
"Ganyan kaba talaga? Laging may sayad sa utak? Haha" tawa niya.
"Hmp! Ang sama mo!!!" Pinag hahampas ko siya. Todo tawa na naman siya.
''May sayad haha!!"
*tun tun* bumukas bigla ang elevator.
"Ansa---"
"Hahahaha" tumatawa lang siya.
Para kaming nag stop dance lang, ay mali ako lang pala.
Naka palo lang ako sa kanya samantalang si Shan, tumatawa parin. Diba niya alam na pinapanood kami ng team mates niya?
"Ehem? Ehem" kunwari umubo ubo si Jake.
Bigla namang umayos si Shan at nauna ng lumabas, kaya nag sitawanan ang mga team mates niya bago pumasok sa elevator.
Hinabol ko siya.
"Hoy hintayin moko"
Humarap siya sakin, kaya nabangga ko siya. Ay tanga!
"Pwede ba? Lumayo layo ka sakin? Nakaka irita kana, pwede ba wag kang dikit ng dikit, buwiset" Tsaka siya umalis.
Parang sumakit bigla yung ulo ko at sumikip and dib dib ko sa sinabi niya. Umupo ako sa malapit na upuan.
Buti kaunti lang yung tao, pinahiya ako eh.
"Okey ka lang?" Tanong ni? Tumingala ako ah si Talon lang pala.
"Medyo masakit lang yung ulo ko" pag amin ko.
"Teka"
Umalis naman si Talon at bumalik na may kasamang tubig at gamot.
"Inumin mo oh" ini abot sakin ang tubig at gamot kaya ininom ko ito.
"Thank you"
"Welcome"
Haist. Sana, Talon, sana matuto na akong mag mahal ng tao, mag mahal ng totoo, kasi gusto kong mahulog sayo, pero di ko alam kung papano.
"Ang bait mo Talon" ang bait niya talaga.
"Basta para sayo, Ezra" seryosong sagot niya.
Sana, pag dating ng araw, kung matututo man akong mag mahal, sana, nandiyan ka parin para saluhin ako kung mahulog man ako.
-------
Kyahhh ang bait ni Talon! Kainis! At yang si Shan talaga!! Napa ka bipolar bwisit!! Haha
VOTE
COMMENT
SHARE mga husbands! And wives!!Xoxo don't forget to follow me!!! Thank you!!
YOU ARE READING
Trouble Maker (Ezra And Shan)
Teen FictionAng story na ito ay matatagpuan sa @HumbleRis na account..