Ezra's POVPag gising ko, naligo na ako, at nag palit sa uniform, may pasok kami ngayon noh, pinahiraman ako ni ate Sassy ng uniform, tsaka ako bumaba, at kumain, kasabay sila mama at papa tapos si Ate Sassy. Si Husband diko alam.
Walang umiimik sa amin kaya biglang nag pop out yung muka ni husband na naka titig sa katawan ko. No no no! Erase erase Ezra!
"Okey kalang ba Ezra?" Napatingin ako kay tita- este mama.
"Muka kang aligaga iha, may problema ba?" Tanong ulit niya.
"Ah w-wala po" iling ko.
"Hmm, anyways, nasaan si Shan?" Tanong ni papa.
Hehe, talagang pinapanindigan ko na talaga, eh bakit ba. Feel na feel ko eh.
Teka? S-si Shan?
Ahhh? Oh my.
"D-diko po alam tita - este mama" nauutal na naman ako. Kaya sumubo nalang ako ng pagkain.
"Baka nag reready na siguro yun, bababa nadin siguro yun, kain na Ezra, haha" saad ni ate Sassy.
Kaya kumain na ako. Baka kasi biglang bumaba yun tapos dina ako makakain.
Huhu! Eh pano nga kung bumaba!
Nakakahiya!!!!
***
Shan's POV
Kanina pa ako tapos maligo. Ayoko lang bumaba. Baka nandun na si Psycho. Tsk.
Fresh parin sakin yung nangyare kagabi.
Iling iling! Enough Shan.
"Forget about it, enough" tsk.
Bakit ako mahihiyang makita siya? Tsk. Siya nga dapat ang mahiya eh. Mag aayos ba naman ng tuwalya sa harap ko? Tsk!
Its not my intention to stare at her --- damn. Stop it Shan! Stop!
Bahala na. *ting* ma asar nga yung baliw na yun. Haha
***Fast Forward***
Ezras POV
''Bye iha, mag ingat kayo, Shan, dahan dahan sa pag da drive" paalala ni mama kay Shan at niyakap ako.
"Bye hipag, ayiee!" sinundot pa ako ni ate Sassy.
Hipag daw hehe, tumingin ako kay, Shan saktong titingin siya kaya binalik ko ang tingin kay ate Sassy.
"Haha bye din ate Sassy thank you, tita- este mama pala at papa sa pag tanggap sakin hehe" sabi sa inyo eh. Kinakarir ko na asawa na talaga ako ni Shan Fuentes!
"Son, ingatan mo si Ezra, ingat" nag man hug sila. Nag yakapan bago kami tuluyang sumakay sa sasakyan ni Shan.
Saktong bubuksan ko na yung pintuan sa likod biglang nag salita si husband.
"Sa harap kana umupo, nakatingin sila mom oh" sabi nito bago pumasok. Naglakad ako papunta sa harap, nag babye ulit ako sa kanila bago tuluyang sumakay sa sasakyan ni husband.
For the first time! Dito ako umupo. Hehe. Anong nakain netong lalakeng to?
Ay oo nga pala baka dahil nakatingin sila mama kaya ako pinaupo sa harap para mag muka siyang mabait? Tsk. Sinungaling talaga tsk.
Walang umiimik samin. Kaya napatingin ako sa bintana, medyo basa pa ang daan, dahil siguro sa malakas na ulan kagabi.
"Psycho?" Ay shootz! Ayan nag salita na. Yumuko lang ako at nilaro ang daliri ko.
YOU ARE READING
Trouble Maker (Ezra And Shan)
JugendliteraturAng story na ito ay matatagpuan sa @HumbleRis na account..