Ezra's POV
Pag uwi ko sa bahay wala parin si husband. Maybe nasa hospital parin kasama yung Jana na yun.
Gusto ko siyang tawagan para alamin kung okey lang ba si Jana.
Kahit mamatay na ako sa kakaselos sa kanya, nangingibabaw parin ang pagiging mabait ko.
Naiinis nga ako sa sarili ko dahil nag seselos ako sa maliit na bagay, lalo na pag dating sa EX niya.
Iling iling! This is not the time to think such things like that. She is on the hospital okey?
Walang bakas na nandito si husband.
Umakyat na ako sa kwarto ko, pero bago ako pumasok tinignan ko muna sa kwarto niya baka nanduon eh, pero as expected, wala.
Diko talaga mapigilan ang mag isip.
Ano kayang ginagawa nila ngayon?
"Baka naman okey na siya?"
Umupo ako sa sofa.
"O kaya? Nasa labas na sila nag de-date?" Iling iling.
Di ako mapakali, tumayo ako at nag lakad pabalik balik.
Mag gagabi na pero wala man lang siyang paramdam, kahit isang hi, hello na message wala.
"Tatawagan na ba kita?" Argh!! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko.
"Arggh!!" Napa sabunot nalang ako sa buhok ko.
Humarap ako sa salamin.
"Hays, nasaan ka na ba husband? Nag aalala na ako, baka pinag palit mo na ako, argh!" Napa sabunot na naman ako sa ulo ko.
"Umayos ka nga Ezra! Paanong di ka ipag papalit ng asawa mo eh ang pangit mo!" Pinagalitan ko ang sarili kasi ang haggard ng muka ko. SOBRA!
"Hahaha seryoso? Hahaha" huh? Sino yan!
Napalingon ako sa nag salita, naka sandal siya sa pader, tumatawa.
"H-husband?" Napakagat ako sa kuko ko. Don't tell me narinig niya ako?
Nag lakad siya palapit sakin.
Sniff, bakit ang baho?
"Wag kang lalapit" mahinahong litanya ko. Bakit ang baho niya?
Napatigil naman siya.
"Anong problema?" Pag tataka niya.
"Bakit ang baho mo?" Napa takip ako sa bunganga ko.
Anong pinag sasabi ko?
Inamoy niya ang kili kili at sarili niya sabay tingin sakin na may halong pag tataka.
"Kakaligo ko nga lang eh" sagot niya bago lumapit ulit sakin, pero umatras ako.
Habang palapit siya, lalo akong nakaka amoy ng mabaho.
"Ano bang problema hah?" Naiinis na siya, kasi patuloy akong umaatras, hanggang sa nasa paanan na pala ako ng kama ko. Doomed!
"Ang baho mo nga sabi ihh" di ba niya ako naiintindihan?
"Kakaligo ko nga lang, ano bang problema sayo? Di naman ako mabaho!" Malapit na siya.
I greeted my teeth, mabaho nga siya!
"Mabah----" bigla siyang lumapit rason para matumba ako sa kama, and he tried to catch me pero pati siya natumba sa ibabaw ko.
Napa takip ako sa ilong ko. Gosh! Ang baho niya.
YOU ARE READING
Trouble Maker (Ezra And Shan)
Подростковая литератураAng story na ito ay matatagpuan sa @HumbleRis na account..