Ezra's POV
Aray! Ansakit ng ulo ko.
Minulat ko ang mata ko.
Oh? Madilim padin? dahan dahan akong bumangon at binuksan ang ilaw.
Tulog payung dalawa si ate Dhane at Nicky.
Pumunta ako sa table, may nakita akong sticky note at may naka sulat na, 'Take this Ezra -Talon' at may gamot. Kinuha ko naman ito at ininom.
Bumalik ako sa kama ko, matutulog pa sana kaso, di talaga ako makatulog eh.
Tinignan ko kung anong oras na, ah 5:00 na ng umaga.
Makapunta na nga lang sa dagat, parang tinatawag ako eh.
Tutal, pasikat na din ang araw.
Bago ako lumabas ni-off ko muna yung ilaw at tuluyan ng pumunta sa tabing dagat.
May mga nag lilinis na din na mga crew sa kainan.
Dumiretso ako sa tabing dagat. May nakita naman akong lalakeng nakatalikod, nag gigitara.
Likod palang alam ko kung sino siya. Napangiti nalang ako bago lumapit sa kanya.
Habang palapit ako. Naririnig ko yung kinakanta niya. Ganun din yung kanta na narinig ko sa playlist niya nuong kinuha ko yung headset niya.
Pamilyar kasi, paulit ulit lang naman kasi yung pinapatugtug niya nuon eh naka repeat.
"But each place I hide, it only reminds me of you --" ang ganda ng boses niya.
"Ang ganda pala ng boses mo?" Tanong ko. Nakatalikod padin siya sakin.
"Pwede bang umalis ka? Istorbo" kahit ba umaga masungit parin siya?
"Pwede bang kahit ngayon lang? Wag kang mag sungit" nakakainis! diba siya nag sasawa na laging ganyan? Laging daig pa ang babaeng may mens?
Umupo ako sa tabi niya.
"Ang galing mo pala kumanta? Paborito mo yun? Yun din kasi ang pinapatugtog mo eh sa playlist mo eh" kalmadong tanong ko.
Ang sarap talaga sa pakiramdam ng ganito.
Walang tao, maliban samin, wala ding maingay. Mapayapa. Tanging alon ang naririnig mo, nakaka kalma ng isip.
"Bakit ba ang dami mong tanong" Di siya naiinis, di rin galit, kundi cold siya.
"Kasi wala kang sinasagot" totoo naman eh. Karamihan sa tanong ko, sinasagot niya din ng tanong.
"Wala akong dapat sagutin" hmp. Ang sungit padin niya.
"Shan, alam mo siguro kung makipag tulungan ka nalang kaya sakin na mag bago kana? Baka nga mas mapadali pa ang pag balik ko sa langit eh" pag iiba ko ng topic.
Di muna siya umimik. Baka nag iisip pa.
"Wala akong dapat baguhin" cold na nga dito, cold pa niya. Edi super cold na.
Di muna ako umimik at pinanood ang pag sikat ng araw.
"Shan, kung mag kakaroon ka ng isang hiling ano yun?" Bigla ko nalang naisip eh.
"Hiling?" Nag oo lang ako. Di muna siya nag salita ng ilang minuto.
"Siguro, sana bumalik na siya sakin" si Jana ba ang tinutukoy niya? Yung na kwento sakin ni Nicky.
Ay, naalala ko na, tama Jana pala yung nag send sakin ng friend request noon.
"S-si Jana ba?" Sana di siya magalit. Tumingin siya sakin ng masama.
YOU ARE READING
Trouble Maker (Ezra And Shan)
Teen FictionAng story na ito ay matatagpuan sa @HumbleRis na account..