Chapter 50

140 7 2
                                    

Ezra's POV.

Pumara kagad ako ng taxi. Diko alam kung saan ako pupunta.

Diko alam kung bakit ako umiiyak? Bakit!?

"Ma'am saan po ang punta niyo?" Tanong nung driver.

"Kahit saan po" tumango lang yung driver at nag simula ng mag maneho.

Patuloy parin ang pag agos ng luha ko.

*huk* *huk*

Ibig sabihin lahat ng pinakita niya?

Kasinungalingan?

Ang pag papahiram niya ng sapatos sakin?

Ang pag uusap namin sa dalampasigan noon?

Yung pagiging sweet niya sa elevator?

Yung pam bubuly niya sakin in a sweet way?

Yung pag papasabay niya sakin pag pasok?

Kasinungalingan pala  lahat ng  yun?

*huk huk*

Buti nalang nalaman ko ng mas maaga?

Baka kasi makalimutan kong anghel ako at mafall sa isang sinungaling na Shan.

At anong sabi niya? Nakakasuka tuwing tinatawag ko siya ng husband?

*huk huk*

Sunod sunod ang pag agos ng luha ko.

Ganun ba niya kagustong mawala ako sa landas niya? Diko ba talaga siya mapag babago?

Napa sapo nalang ako.

"Ang tanga ko pala?" Tawa ko nalang sa sarili ko.

Ang tanga ko kasi nasasaktan ako.

Ang tanga ko kasi akala ko totoo lahat  ng pinapakita niya.

Ang tanga ko kasi hinayaan kong sumaya ako sa pinapakita niyang kasinungalingan.

Ang tanga ko kasi nasasaktan ako ngayon!

*huk* *huk*

Talaga bang gusto na niyang  mawala ako sa landas niya?

Kung napipilitan lang siya sakin? Haha sino ako para ipag pilitan ang sarili ko saknya?

Pinunasan ko yung luha ko. Bakit ka iiyak? Bakit ako iiyak? Sino siya para iyakan ko?

*singhot*

"Ma'am saan po ba kayo bababa hating gabi napo" sabi nung driver.

"Dito nalang po manong" tsaka ko ini abot ang natitirang pera sa bulsa ko, 100.

"Ma'am kulang po--"

"Ito nalang po kunin niyo" binigay ko yung IPhone ko. Nag pasalamat naman siya. At umalis.

Alam kong sobra sobra yun para maging pamasahe pero okey lang.

Halos street light nalang ang naka bukas ngayon.

May nakita akong playground kaya umupo ako sa swing.

Sinisipa ko yung mga buhangin.

Humawak ako sa part ng puso ko.

Bakit ako nasasaktan? Di kaya? Mali mali. Imposible.

Bigla namang humangin at ramdam kong may umupo sa kabilang swing.

Dina ako nag abalang tignan kung sino siya. Kung killer man siya, hahayaan ko lang siya.

Sabi nga ni Shan, magpakamatay daw ako para makapunta sa langit?

Trouble Maker (Ezra And Shan) Where stories live. Discover now