Ezra's POV
Pag kabasa ko sa text niya bigla akong kinabahan at nasiyahan.
Alam kong nanduon si Jana, pero mas pinili niyang sunduin na ako.
Nasaktan ako kanina pero napalitan na ito ng saya, dahil mas mabilis pa sa alastres ey nandito na siya.
Ibig sabihin, iniwan niya si Jana at mas inuna ako. Sana sa huli, sa puntong naguguluhan na siya at kailangan ng mamili ay ako ang piliin niya at wag akong iwan tulad ng pang iwan niya ngayong gabi kay Jana.
Lumabas na ako sa kwarto ko. Ilang lakad pa ay narating ko na ang hagdan at sa dulo nito, nag hihintay ang isang napa ka gwapong prinsipe.
Sinimulan ko nang tahakin ang hagdan.
Naka light skyblue siyang tuxedo na mas lalong nag palitaw sa maputi niyang kulay.
Terno kami. Kyahh!!! "Aw!"
"Wife are you okey!?" Pag aalala ni Husband.
Nginitian ko lang siya ng malaki. Gusto kong maiyak kasi tinawag niya ulit ako ng 'wife'.
Diko mapigilan ang sarili ko kaya binuhat ko ang gown ko at tumakbo pababa at niyakap siya ng mahigpit.
"I miss you!" Naiiyak ako.
"Nakita mo lang ako kaninang umaga ah" anas niya at niyakap din ako.
"Namiss ko na tawagin mo ako ng wife, matagal tagal naring diko narinig yan sayo" kaya natahimik siya at humiwalay sa yakap ko.
"I love you wife" anas niya kaya mas lalo akong naluha.
"Bakit ang iyakin mo? Haha" tawa niya.
''Diko alam, basta!" At niyakap ko siya.
Ewan ko din.
Pabago bago ang mood ko, diko nga rin makontrol, minsan.
"Aww the two of you look so perfect!" sigaw ni mom sabay kuha ng dslr niya.
"Stay close, pipicturan ko kayo!" Masayang saad ni mom kaya, niyakap ko si husband ganun din siya sakin.
"Wacky!" Naka belat lang ako kay husband at naka nguso siya sakin.
"Ang cute cute!!!!" Sigaw ni mom.
"Enjoy guys, take care of our princess Shan okey?" Ask mom.
"Sure thing mama, alis na po kami" at umalis na kami.
"Bye mom" and with that umalis na kami, ang saya ko, sobra sobra! Sobra!!!!
Gusto ko sanang mag tanong tungkol sa kanina, kung bakit niya kasama si Jana, pero mas pinili kong tumahimik at ipag paliban, ayokong sirain ang gabing ito.
"You, look so damn stunning tonight wife, di na ako makapag hintay na maikasal tayong dalawa sa harap ng altar" napatingin ako sa kanya.
"I love you husband" diko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya. Masiyado itong matamis na pati asin ay lalanggamin.
"I love you too wife" and he kissed my hand. What a gentleman.
Sana masaya ito hanggang matapos ang party.
Please.
********
Hays. Napaka roller coaster talaga ng love story nila. Maya maya mag aaway tapos bati, baka next jan, away, hiwalay at patay. Hahaha Jokes!
So anyways!
Vote
Comment
Share!HumbleRis-27
Xoxo
YOU ARE READING
Trouble Maker (Ezra And Shan)
Teen FictionAng story na ito ay matatagpuan sa @HumbleRis na account..