Chapter 72

119 9 2
                                    

Ezra's POV

Pag balik ko sa table, tinignan lang ako nila ng nakakaloko.

"Umiyak kaba?" Pansin ni Nicky, kaya napa tingin lahat sila sakin.

"Ezra?" Napatingin ako kay Amil. Gusto kong mag kwento sa kanya pero natatakot ako na baka mag away sila ni Shan.

"Anong nangyare sa'yo?" Pag aalala din ni Talon.

Ngumiti lang ako, ayokong ipakita sa kanila na nasasaktan ako.

"Nadulas kasi ako haha, ang tanga ko" at eto ako ngayon naiiyak na naman, kasi ang tanga ko!

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Restroom lang ako" pag papaalam ko.

Nag pasama ako kay Nicky.

Pumasok ako sa vacant na cubicle at umihi na.

"Argh, bakit siya nandito?!" Inis na tanong  Nicky.

Ni-Flash ko muna ang toilet bago lumabas.

"I don't know?" Matamlay kong sagot, diko rin kasi alam, paano siya naka pasok.

"Di kaya? Transfery siya!!" Sigaw niya.

Nag tinginan lang kami, na parang tanga.

Nag apiran pa kami, at sabay na humarap sa salamin sabay bukas ng gripo at nag hugas ng kamay.

"Kaya sis, payo lang, bantayan mo yang asawa mo, mahirap na, ahas ang kalaban mo" tawa niya sabay irap sa salamin, kaya natawa ako at tumango.

Oo babantayan ko siya, gagawin ko ang lahat lahat, wag lang niya kunin sa akin si Shan.

"Nga pala, bakit namumugto na naman ang mata mo?" Inis na tanong ni Nicky.

Ikwekwento ko ba?

"Ahh, kasi ahh, nakita ko si Shan at Jana na nag uusap" ayan, nasabi ko na.

"Anong pinag uusapan?" Ang kanilang nakaraan, kung pwede pa bang ibalik.

"Bagay bagay, haha tara na nga" aya ko.

Pag labas namin, narinig ko ang sweet na kanta by Moira Dela Torre 'Without You'.

"O my gee! Sweet dance na tara baka may isayaw pang iba yung mokong na Adrian ko!" Eksayted na sambit ni Nicky. Hahaha

Deretso kami sa table, pero si Adrian lang ang nanduon.

Andami ng sumasayaw sa dance floor.

Dahan dahan akong umupo habang hinahanap ng mata ko ang taong gusto kong makasayaw sa gabing ito.

"Oy! Sunget ko sayaw tayo!?" Aba ang lupet?! Si Nicky pa talaga ang nag yaya hahaha.

Tumayo na sila at pumunta sa dance floor, ako? Eto muntanga mag isa eh, alam niyo yung feeling na, wala kang kasayaw kaya ka mag isa sa table?

Bigla namang may lumapit na lalake sa akin, diko siya kilala, pero nakita ko na siya.

"M-miss Ezra pwede ba kitang mai s-sayaw?" Nginitian ko lang siya at umiling.

"A-ah I see, sorry" at umalis na siya.

May lumapit na naman, diko na siya pinag salita.

"Masakit paa ko" pag alis ay may lumapit na naman.

"Di ako marunong sumayaw" at umalis na siya.

Yumuko nalang ako, bakit ganun? Nasaan ba siya? Di kaya sumayaw na siya? Kasama si Jana?

Iniisip ko palang ay nasasaktan na ako.

"Can I have this dance?" Lalo akong naiyak, kasi gusto ko na si husband ang mag tanong sakin niyan.

Bakit ba ang iyakin ko?!

"Can I have this dance with you?" Ulit ng boses.

Diba sila nakaka intindi?!

Ayokong may ibang maka sayaw bukod kay Shan Fuentes!

"Ayo---" bigla niya akong hinila patayo at niyakap.

"I know you are hurt" duon ko lang na realized na umiiyak na ako sa balikat ni Talon Fuentes.

"Can you be my first dance Ezra?" Nginitian ko siya at tumango, tumungo kami sa dance floor, at sumayaw.

Bakit ako ang napili niyang first dance?

"Bakit umiiyak ang isang Ezra?" Tanong niya sabay hawak sa bewang ko, at ako naman sa leeg niya.

"Gag* talaga yang asawa mo, tanga pa" he bitterly laugh out loud, habang naka tingin ng masama sa isang direksyon, tumingin ako sa kanila.

Nag tatawanan habang sumasayaw.

Napa ngiti nalang ako, oo gag* siya, pero mahal ko parin.

Niyakap niya ako ulit, kaya bumuhos ang luha ko pero pinigilan ko.

Nasasaktan ako.

"Just cry" he soothed my back. Ang corny, kasi sa gitna ng sweet na kanta, at maraming kumakan

Nag expect kasi ako, na ako ang una niyang isasayaw, kahit alam ko naman na may pinangako siya na si Jana lang ang gusto niyang isayaw.

Saktong pag tingin ko sa direksyon nila, nag yakapan sila, diko na napigilan ang sarili ko, kaya kumalas ako sa pag kaka yakap kay Talon at dumiretso sa table namin.

Diko kaya, diko kayang makita ang taong mahal ko, na may kayakap na iba, lalo na kung yung taong kayakap niya ay yung taong minahal niya noon, at humihingi ng pangalawang pag kakataon.

*****

Tsk!

Trouble Maker (Ezra And Shan) Where stories live. Discover now