Play -Statue by Lil-Eddie paramas feel
Recap :
"Ang cute mo naman" she smiled, sana di yan fake, at sigurado akong di yun fake, nakikita ko sa mata niyang totoo yun.
"Di naman, ikaw nga tong maganda eh" nginitian niya lang ako.
"Walang silbi ang ganda kung di naman siya babalik sakin" anas niya kaya kumunot ang noo ko.
"Babalik? B-bakit? S-sino?" Si Shan ba ang tinutukoy niya. Malamang! Sino pa ba!
"Tara na Jana, baka dumating na si Ezra ta---"
Natigil siya sa pag sasalita, at halatang nagulat sa nakita niya.
Ezra's POV
"Husband, hello!" Masiglang bati ko, eto na naman ako.
Kunwari walang alam!
Kunwari di masakit!
Kunwari okey lang!
Kunwari masaya!
"Ezra, kanina kapa ba dumating?" Kung kanina ang sakit eh triple, ngayon, bilyon bilyon na.
Tinawag niya akong Ezra. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Tinawag niya ako ng Ezra sa harapan ng EX niya bakit?! Nahihiya ba siyang tawagin ako ng 'Wife' may kahiya hiya ba duon?! O sadyang ayaw niya lang iparinig ito sa EX niya kasi mah--- Ezra! Tama na.
Gusto ko siyang batuhin ng kahit ano pero di pwede. Di pwede! Basta di pwede!
Kasi ako yung tipo na, mas gustong saktang ang sarili kesa sa taong mahal ko.
"Kadarating ko lang, bakit?" Pinilit kong maging masigla ang boses ko.
"Nga pala si Jana, Jana Ezra" nag hi lang siya sakin.
"Ihahatid ko lang si Jana, kung okey lang sayo?" pag pa paalam niya kaya nginitian ko siya.
"Ingat, bye Jana" sagot ko.
Paalis na sana sila ng biglang nag ring ang cp ni husband, kaya napatigil sila sa pag lalakad.
"Oh, ate Sassy?"
"Yah, Ezra's home"
"Surething"
"Bye, yeah right"
Binulsa na niya ang cellphone niya at lumingon sakin.
"Ezra, sabay kana deretso tayo sa bahay naiwan mo yung sandals mo" anas niya at nag simula ng nag lakad papunta sa garahe.
Sumunod nadin ako.
Bubuksan ko na sana yung pintuan sa passenger seat pero may kamay na mag bubukas din.
"Hmm, ikaw nalang diyan, sa l-likod nalang ako" binuksan ko ang pintuan at pumasok sabay sara.
"Bakit sa likod ka Ezra" heck! Pwede bang wag niya nalang akong tawagin sa pangalan kasi the more he mention my name, the harder for me to keep this tears.
"Ah, ah kasi ahmm ano--" pinutol ako ni Jana sa pag sasalita.
"If you want Shan ako nalang sa lik--" hays
"It's okey" anas niya bago nag drive.
"Hmm, matutulog lang ako, I love you husband" at pumikit na ako.
Diko siya narinig na sumagot rason para bumilis ang tibok ng puso ko, rason para malungkot ako, rason para umagos ang mga luha ko.
Binaling ko ang ulo ko sa bintana para di nila makita ang luha ko. Stop Ezra! Baka di ka lang niya marinig.
YOU ARE READING
Trouble Maker (Ezra And Shan)
Teen FictionAng story na ito ay matatagpuan sa @HumbleRis na account..