Ezra's POVPag uwi namin, inihatid ako ni Husband sa bahay nila Nicky at nandun naman sila tita tito at Nicky, nag aabang sakin.
"Iha" bati ni tita at agad akong niyakap.
Sabay sabay kaming kumain ng dinner, diko alam kung bakit parang may gusto silang sabihin pero di nila masabi sabi.
"Tita? Tito? May gusto po ba kayong sabihin? Nicky?" Umiling lang si Nicky.
"Okey" kaya kumain nalang ako. Wierd haha.
"Ikaw na kasi"
"No, ikaw nalang ayoko"
"Mag tatanong lang eh"
bulungan nila.
"Ano po iyon? Baka may maitulong ako? May problema ba?" Bakit ayaw pa nilang sabihin.
"Hmm kasi ano, ahm bessy, may gusto sanang sabihin sila tita at tito sayo, y'know tungkol sa binanggit ko sayo nung isang araw pa" hmmm ano yun?
"Ano po yun Tito? Tita?" Sabay subo ng pag kain ko.
"Ezra iha? Kasi, ang tita Eramina mo" panimula ni tito.
"At tito Herald mo" patuloy naman ni tita.
"At ako" oh si Nicky yan.
"Anong meron? B-bakit po?" Kinakabahan ako.
"Ezra iha, lahat kasi kami, nakikita namin sayo ang anak ko, si Ira, kung pwede lang sana ay pumayag ka na mag pa DNA test" naiintindihan ko yung DNA.
Diba nga, nuon? Pag gising ko nakaka intindi na ako ng english, diko alam kung paano nangyarr yun.
"Pero? Diba matagal nang patay ang anak niyo?" Imposible na ako ang anak nila.
"Iha, ang pulis lang ang nag sabing patay na ang anak namin, pero wala kaming nakitang labi kaya di kami naniniwala" pag papaliwanag ni tita.
"P-pero, paano po kung hindi ako ang anak niyo?" Baka umasa sila na ako? Pano pala pag hindi?
"Ezra, kung hindi man ikaw ang anak namin, okey lang walang mag babago, at kung ikaw man ang nawawala naming anak, edi, ayos, mabuti, Iha, sana pumayag ka wala namang mawawala eh" paliwanag ni tita.
Tama naman siya. Wala namang mawawala kasi, una palang alam ko nang magiging negative ang resulta kasi akoy isang anghel. Hays.
Sana wag silang umasa.
"S-sige po" nauutal kong sagot.
Nag pasalamat naman sila at kumain na kami, pag katapos nun ay pumanik na kami ni Nicky sa kwarto ko.
Nag tanong lang siya tungkol sa nangyare samin ni Shan sa Ilocos Sur, naligaw kami tas pumunta kami sa Ilocos Norte sa puntod ng lola at lolo niya.
Todo kantyaw nga siya sakin kasi ang sweet daw ni Shan, kasi si Jana dipa niya pinunta doon, samantalang ako?? Oo kaya kinilig din ako.
Pero maiba ako.
"Bessy, kinakabahan ako, anghel ako at malamang magiging negative ang resulta, tsaka, kamuka ko ba talaga si Ira?" Tumango lang si Nicky.
"Alam mo bessy, ano man ang maging resulta, walang mag babago, sana nga possitive, eh haha para naman may pinsan na ako" masaya netong sabi.
"Ehh, diba nga anghel ako, paano naman kung hindi ako? Edi mapapa asa lang kayo?" Totoo naman kasi.
"Besy! Ano kaba matulog ka na nga lang, maaga pa tayo bukas eh goodnight, don't stress yourself" niyakap niya ako bago nilisan ang kwarto ko.
"Goodnight din Nicky" ni-off ko na ang ilaw at natulog na.
Kinakabahan talaga ako para bukas eh.
*(*****(*
KINABUKASAN
*(*****(*Papunta na kami sa doctor na sinasabi nila Nicky, naka sakay kami sa Van ngayon, diko alam kung ano ang tunay kong nararamdaman ngayon.
Kaba, saya o takot.
Pag dating namin sa hospital ay binati kaagad kami.
Mabilis ang pangyayare. Kinuhanan ako ng dugo ganun din si tita. Nginitian muna niya ako bago nag pa kuha ng dugo.
Umuwi na kami pag ka tapos, mamayang gabi pa daw namin malalaman ang resulta, kaya kinakabahan ako.
Naging busy kami nila Nicky at Tita sa pag sho-shoping, girls bonding.
Si tito wala OP daw kaya nag trabaho nalang haha.
Bili doon, bili dito, tingin bili.
At kumain nadin kami sa wakas.
Ang bilis nang oras, pag labas namin sa mall hapon na, kaya nag pasya na kaming umuwi.
Pag uwi namin sakto namang nandito si Tito kararating lang.
"Hey hon" at hinalikan ni tito si tita. Ayieee sweet. Ang sweet nilang mag asawa. Haha
*ding dong*
Bigla namang tumunog ang dorbell kaya lumabas ang isang yaya, pag balik niya sa sala may dala siyang envelop.
"Sir, galing daw po kay Dr. Juan" tumango lang si tito at kinuha ito.
Lahat kami naka tayo, walang balak umupo. Kinakabahan ako kung ano ang resulta. Natatakot ako.
Parang nag slow motion ang pang yayare.
Nasa side ko si Nicky, naka hawak sa kamay ko, pinisil niya ito at nginitian ako.
Nasa harap naman namin si tito at tita.
Ayan na, ayan na. Binubuksan na ni tito ang envelop.
Inagaw naman ito ni tita. Gusto kong matawa kasi ang kulit nila pero mas nangingibabaw ang kaba ko.
Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Nicky. Eto na eto na.
Hawak na ni tita ang resulta, tumingin muna siya sakin bago sa resulta.
Bigla siyang lumuha at ini abot ang papel kay tito at niyakap ako.
"Ezra" sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.
Lumapit din si Nicky kay tito para tignan ang resulta.
"Ezra" hagulgol ni tita tsaka ako niyakap.
Anong ibig sabihin nito?
--------
Possitive o negative?
Uwahhh!!! Abang abang!!!
YOU ARE READING
Trouble Maker (Ezra And Shan)
Teen FictionAng story na ito ay matatagpuan sa @HumbleRis na account..