Chapter 34

130 7 0
                                    

Ezea's POV

Katatapos ko lang maligo, dali dali akong nag ayos. Baka kasi biglang dumating sila.

Inayos ko din ang kwarto, para kung sakaling bisitahin nila eh maayos, nakakahiya kasi kung makikita nilang maburara.

Tapos na!!!

Kaya lumabas na ako. Saktong pag tapak ko sa hagdan, bumukas nayung pintuan at nandum lahat ng kasambahay nakahilera.

Pumasok ang isang magandang babae, siya siguro yung tita ni Nicky.

"Welcome back ma'am" sabay sabay nilang bati. Ngumiti lang ito at napatingin sakin kaya dali dali akong bumaba at natampilok pa, buti nalang nakahawak ako sa hawakan kundi, ewan ko nalang.

Sunod naman ay isang lalake, ang gwapo niya!!! Ang ganda ng katawan kala mo model sa isang front magazine, makisig kasi, at baka siya ang tito ni Nicky.

"Welcome back sir" sabay sabay ulit sila.

Sunod si Nicky.

"Welcome back maam" ang galing talaga. Ang galing, sabay sabay sila.

Pumunta sila sa sofa.

Nakita naman ako ni Nicky na naka tayo lang dito sa baba ng hagdan.

"Ezra, come ipapakilala kita dali" tawag niya sakin.

Napahawak nalang ako sa lalay layan ng tshirt ko. Kinakabahan kasi ako.

Nag lakad ako papunta sa kanila.

Nagulat nalang ako, ng bigla akong yakapin nung tita ni Nicky.

"Please tell me you are my daughter" iyak niya.

Napalaki ang mata ko, daughter lang ang naintindihan ko.

Tumingin ako kay Nicky, ngumiti lang siya.

Tumayo naman yung asawa niya at hinaplos ang likod ng tita ni Nicky, kasi nakayakap padin siya ng mahigpit sakin.

Humiwalay na siya sa yakap at nagpunas ng luha bago umupo.

Umupo nadin ako sa tabi ni Nicky, mag kakaharap lang kami.

"Ako si Eramina, tita ni Nicky" pag papakilala nung babae at kumaway.

"And siya naman ang asawa ko, si Herald"

Ngumiti naman yung lalake.

"Please dad I want to bake a coockies" pout ng bata sa harap ng tatay niya na nag babasa nang diyaro.

"nak, you can't, baka magkamali ka" tugon nang tatay niya.

"But dad, I'll give to mom" pag pupumilit nung bata.

"And whats that litle Ira?" Pumasok ang isang babae.

"mom!!! dad doesn't want me to use the oven" pag susumbong ng bata at tumakbo sa nanay niya at binuhat naman siya.

"do you want mom to teach you?" Alok ng nanay niya.

"pretty please mom please!!!"

"Iha okey ka lang ba?"
"Ezra okey ka lang?" Sabay sabay nilang tanong.

Ang sakit ng ulo ko. Napapadalas na yun. Sino ba yung batang yun. P-pero yung babae at lalake. K-kamuka nila?

Napatingin ako sa tito at tita ni Nikcy, bakit nandun sila? Iling iling!! Imposible.

"Iha okey ka lang ba?" Tanong ulit ng tita niya, kaya tumango nalang ako.

Trouble Maker (Ezra And Shan) Where stories live. Discover now