~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Jeonghan's*"YOON!"
Agad akong napabalikwas sa aking pwesto at nilingon si S.coups.
Hayst. Nakatulog na pala ako.
At alam kong ayaw na ayaw niyang tinutulugan ko siya. Matulog na ako kahit saan wag lang sa harapan niya.
"Po?" Magalang na tanong ko.
Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatitig saakin. Bigla naman akong nakaramdam ng ilang. Baka naman mamaya may traces pa ako ng laway ko sa bibig.
Pasimple kong pinunasan ang aking bibig at ininspeksyon ang aking mukha. Wala narin naman akong mga muta.
"Sinabi ko sayong ayaw na ayaw kong may natutulog dito!" Singhal niya.
Napayuko ako.
Kakagising ko lang eh! Tsk! Badtrip!
"Sorry sir di na po mauulit" paghihingi ko ng tawad.
"Tsk! Bumaba ka't bumili ka ng kape!" Utos nito.
I stood up immediately as I went out. Nakalimutan kong manghingi ng pera. Kaya magtiid muna siya sa canned coffee.
Pumunta ako sa vendo at kukuha na sana ng dalawang kape kaso namataan kong not available na pala ito.
Ang tanging naiwan nalang ay mga carton drinks isang strawberry, vanilla, mocha, chocolate, matcha at kung ano-ano pa.
Wala akong nagawa kundi kumuha ng isang strawberry tsaka mocha flavoured na carton drink.
Dala-dala ang mga ito. Muli akong pumanhik papunta sa studio ni seungcheol.
"Ang tagal bwisit" rinig kong usal nito.
Ang ka iyang atensyon ay nasa music sheets na nasa harapan niya kaya hindi niya ako napansing papalapit sa kaniya.
Hindi pa nga ako nakaka-kinse minutos natatagalan na kaagad siya dun?!
Tsk!
Walang pasabi kong inilapag sa kaniyang lamesa yung vanilla flavoured drink.
His eyebrows furrowed even more. As he shot a look at me.
"At kelan pa naging gatas ang kape ha?" Tanong nito.
I shrugged in response.
"Wala na po kasing kape sa vendo kaya yan nalang ang binili ko. Tsaka wala naman po kayong ipinadalang pera" sabi ko.
Napapikit si S.coups sa inis. Nagkibit-balikat nalang ulit ako at umupo sa sofa'ng natulugan ko kanina.
"Clear my schedule for tomorrow" ma-awtoridad na wika niya.
BINABASA MO ANG
Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓
Fanfiction"Anong special skill mo?" "Ang MAGPANGGAP... nagawa ko ngang magpanggap na mahal kita" :-) ~~~~~~~~ Habit Series #3 Pretentious Habit ¤ Jeongcheol written by: Yuneng casts: Yoon Jeonghan Choi Seungcheol the rest of seventeen Timeline: Before Talkin...