PH(77)

1.4K 85 128
                                    

~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Jeonghan's*

4th day.

Ika-apat na araw magmula nung huli kaming mag-usap ni seungcheol at iniwan niya akong naguguluhan. Damn it.

Tigilan mo muna ang pag-iisip niyan jeonghan, mas lalo ka lang madi-distract. Quit thinking about him. Panindigan mo nalang ang desisyon mo.

Bumuntong hininga ako at mas diniinan ang pagpe-press ng spray sa mesa sabay wipe dito. Ibinuhos ko ang atensyon ko sa lamesang nililinis ko.

"Jeonghan hyung?" Kaagad kong nilingon ang taong nagtawag sakin.

Nilapitan ko si Minghao, ang baguhan sa coffee shop na ito. Kahapon lang nung mag-apply siya at kaagad rin naman siyang natanggap. And to tell you, he seems nice. Yet there's some thug aura hiding from his noodle hair.

(Yuneng: Minghao's hair in mansae ;-) )

"Pakibigay sa table 5 hyung" sabi niya at inilahad sakin ang isang tray. Tinanggap ko ito at kaagad na hinanap ang table five.

Naabutan ko ang dalawang couples na sobrang pda. Hindi naman to the point na laplapan sa mga mukha. Yung ang fluffy lang, the girl's pushing her clingy boyfriend away.

Gwapo yung guy, pero yung girl hindi ko makita kasi nakatalikod siya sakin. Ang cute lang nilang tignan, sobrang clingy kasi nung guy tas yung girl halatang ayaw sa pagiging clingy ng bf niya.

Dibale magbe-break rin naman sila.

Biro lang. :-)

I let out a fake cough kaya napatingin sakin yung lalake. Pumunta ako sa gilid nilang dalawa. Inilagay ko sa mesa yung tray at kinuha yung isang drink saka ibinigay sa lalake.

"Here's your order sir" sabi ko sabay lagay sa harapan niya nung unicorn drink niya which is specialty ng coffee shop na ito.

Sunod kong kinuha yung iced coffee nung babae at ibinigay sa kaniya. Umangat ang tingin ko at tumambad sakin ang mukha na hindi ko aakalaing makikita ko.

"Jeongha"

Nakita ko kung paano manlaki ang kaniyang mga mata ng makita niya ako. Inayos ko ang aking tayo at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa lalakeng kasama niya.

Wala akong may narinig na kung ano man tungkol sa lalakeng kasama niya ngayon.

"K-kuya" nauutal na tawag niya.

Hinawakan ko ang tray ng mahigpit at tinaasan siya ng kilay.

"Kuya? Siya ang kuya mo?" biglang singit nung lalakeng kasama niya.

Protective brother mode on.

"Oo ako nga, at sino ka? Ano ka no jeongha? Ba't ngayon lang kita nakilala? Boyfriend ka ba niya? Kaibigan? Ano? Sagot" sunod-sunod kong tanong sa lalakeng kasama ng kapatid ko.

Napakurap yung lalake at nakita kong nagtaas-baba ang kaniyang adams apple. Yoon Jeongha, kung sino man itong kasama mo, anong itim na mahika ang ginamit mo para mabigwit ang ganito ka gwapong lalake sa buong nasyon.

Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon