~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*3rd Person's*"San na ba ang mokong na yun?" Bulong ni jeonghan sa sarili habang naiinip na hinihintay si Joshua.
Sabay daw kasi silang uuwi. Hindi kasi papasok si Jeonghan sa trabaho, pinag-leave siya nung manager dahil na rin sa nangyare sa kaniya nung nakaraan. Jeonghan took the offer immediately, kasi kailangan niya ring magpahinga. Everyday, school to work lang ang routine niya which is exhausting.
*bzzt bzzt*
Kinuha ni Jeonghan ang kaniyang cellphone, nagmessage sa kanita si Joshua, telling him that he can't make it dahil sa may ginagawa siyang importante.
Jeonghan rolled his eyes before he stood up. "Sana kanina pa siya nagtext. Pinaghintay pa ako ng 45 minutes jusko" wika ni jeonghan bago siya naglakad palayo sa bench.
Nakakailang lakad pa lang siya ng biglang bumuhos ang ulan. Jeonghan gasped out loud before rushing back to the waiting shed.
He groaned, "ugh! Ba't ngayon pa" inis na saad ni Jeonghan habang hinahalungkat niya ang kaniyang backpack. Hinahanap niya yung kaniyang payong, before he remembered nailagay niya pala iyon sa kitchen island. In short, nakalimutan niyang dalhin ang kaniyang payong.
Jeonghan sighed in defeat before sitting back on the bench. Wala siyang choice kundi hintaying tumila ang ulan bago siya tuluyang makauwi.
He raised his wrist to check the time, malapit ng mag-7 ng gabi. Almost 1 hour na siyang nakatambay sa waiting shed na iyon, dahil kay Joshua na dinitch siya. Tas ngayon ay mas matatagalan pa dahil sa ulan.
Muling napabuntong hininga si Jeonghan, clutching his backpack to lessen the coldness na kaniyang nararamdaman.
Yumuko si Jeonghan at inihilig ang kaniyang ulo sa backpack, inaantok na siya, palagi siyang inaantok kapag umuulan. Lahat naman siguro tayo gustong matulog at manatili sa bahay kapag umuulan diba?
Tanging ang ingay lang ng tagaktak ng ulan ang maririnig mo sa buong lugar, pero nadagdagan ito ng may isang busina ang tumunog making jeonghan to shot his head up.
Sa pag-angat ng kaniyang ulo ay bumungad sa kaniya ang isang bentley na sasakyan. He recognized the car, it was the same car who brought him to school.
Bumaba ang bintana, only to see the guys whom jeongham least expected to see today.
Nakatingin lang si Jeonghan sa kaniya, bumaba si Seungcheol sa kotse holding an umbrella for the rain protection. He walked towards jeonghan, at di kalaunay nakatayo na sa harapan niya.
"Why are you still here?" pambungad na tanong ni Seungcheol sa kaniya.
Napakurap ng kaniyang mga mata si Jeonghan, "Joshua" tanging sambit nito dahil pinoproseso pa nito ang fact na nakatayo sa kaniyang harapan si Seungcheol at kinakausap siya.
"Where is he?" tanong nito habang lumilingon-lingon, finding joshua.
"May ginawang importante kaya hindi niya ako sinipot. Papauwi na sana ako ng biglang umulan, nakalimutan kong dalhin ang payong kaya nandito ako at nagpapatila ng ulan" sagot ni jeonghan.
BINABASA MO ANG
Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓
Fanfic"Anong special skill mo?" "Ang MAGPANGGAP... nagawa ko ngang magpanggap na mahal kita" :-) ~~~~~~~~ Habit Series #3 Pretentious Habit ¤ Jeongcheol written by: Yuneng casts: Yoon Jeonghan Choi Seungcheol the rest of seventeen Timeline: Before Talkin...