PH (115)

1.8K 87 25
                                    


~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Jeonghan's*

"Pwede ba kung maglalandian lang kayo, maghanap kayo ng ibang bahay wag dito jusko!"

Napalingon ako kay Jeongha saka sinamaan siya ng tingin, ibang klase rin ang tabas ng dila ng kapatid ko eh no?


"Yoon Jeongha" pagsaway ko sa kaniya.

She rolled her eyes, "Ano? Kailan ka magst-stay dito sa kwarto ko? Kawawa naman si Seungcheol na naghihintay sayo sa sala" sabi niya.


I sighed, pagkatapos nung biglaang pagsulpot niya sa unit ni Jeongha. Hindi ko alam kung paano niya ako natunton. May tracker ba ang mga gamit ko? Ah ewan.


"Ikaw muna ang makipag-usap sa kaniya, gusto ko munang magpahinga" sabi ko saka humiga sa kaniyang kama.


So ganun nga mga beh, kumalas kaagad ako sa yakap niya saka hindi nagpadala sa kaniyang mga pa-sweet sweet na salita. Ayoko ng magpadala sa mga ganun. Bakit?

Marupok ako eh.

Lahat tayo marupok kaya wag ako. Kung hindi lang sana nangunguna yung inis and the feeling of betrayal ngayon edi sana kinilig na ako kanina.


Pero sadyang nagtampo si baby ko kay daddy niya kaya ayaw niyang magparamdam sa kaniya.


*pouts*


"Oh ano na namang ninunguso-nguso mo diyan" usisa ni jeongha.

Umiling ako, "lumabas kana doon at kailangan ko ng matulog. Pagod ako, bawal sa buntis ang magpapagod" sabi ko sa kaniya.


Tumayo siya saka ipinagkrus ang kaniyang kamay, "Hindi ko pa rin alam kung anong kababalaghan ang nangyari at ika'y nabuntis? Ano yun nag-anuhan lang kayo tas nabuntis ka kaagad? Parang ang imposible kasi kuya"


"Walang  impossible sa fiction" sabi ko sa kaniya na siyang ikinakunot ng kaniyang noo.

"Fiction?"

"Wala-wala, i search mo bobo" sabi ko sa kaniya saka siya tinalikuran.


I heard her huffed in disbelief bago ko narinig ang malakas na pagsara ng pintuan. Pikon.


Bumuntong hininga ako saka ipinwesto ang aking sarili ng komportable sa higaan.

Tignan lang natin kung saan aabot yang pagpupursigi mo Choi Seungcheol. Pero bago yan, matutulog muna ako.


- - - - - - - - - - - - - - - -


Namulat ako sa paggalaw sa tabi ko. I fluttered my eyes open at nagulat ako sa malapit na hitsura ni Seungcheol.

Payapa siyang nakapikit at natutulog. Nakakainggit ang kaniyang eyelashes, mapapamura ka nalang talaga. Alam niyo yung feeling na nate-tempt kang galawin ang kaniyang mga mata pero natatakot ka na baka magising siya?

Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon