~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Seungcheol's*Nasa highway ako papunta kina Jeonghan ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Idagdag mo pa ang traffic!
"(Sorry the number you have dialled is ei--toot)"
"Shit!"
Naka block na ako sa cellphone ni Jeonghan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang gawin ang bagay na yun!
Kahapon lang naman ang saya-saya naming dalawa. Walang kaproble-problema. Jeonghan-ah, why?
Hindi na ako nakatiis pa sa traffic at agad akong nag-iba ng direksyon. Muntik ko pang mabangga ang sasakyang nasa likuran ko.
"ANO BA PARE!"
"PASENSYA NA!" sigaw ko pabalik at agad na umalis sa mahabang pila ng mga sasakyan.
The situation I'm stuck with isn't helping, kapag mas tumagal pa, baka wala na akong maabutan pa sa kanila. I took the shortest way papunta sa kanila, agad kong pinaharurot ang sasakyan ko.
Habang nagmamaneho ay bigla nalang pumasok sa isipan ko ang mga nangyare nung nakaraang araw, kung saan pumunta kami sa isang amusement park.
Yung mga mga ngiti niya, yung mga tawa niya. Sa likod pala nun may nakatago. Tangina.
"Of course, I have to treasure every moment with you while it lasts"
Jeonghan.
"At ikaw naman...Ikaw yung taong pinakapangit sa buong mundo pero mahal na mahal ng anghel na katulad ko"
Bakit?
"Dahil sa ating dalawa, sisiguraduhin kong ako ang mananakit sayo"
Humigpit ang kapit ko sa manibela.
Jeonghan, you didn't mean it right? Sana sabihin mong hindi ka seryoso, sana itanggi mo lahat ang mga paratang si CEO. Sana... sana wag mo akong iwan kasi hindi ko kakayanin kung pati ikaw itatakwil ako.
I'm alone... and all I have is you.
Nung makarating na ako sa harapan ng bahay nina Jeonghan. Agad akong bumaba sa sasakyan. Hindi alintana ang ulan at ang lamig sa aking katawan. Galit ako, nasasaktan, naghalo ang dalawang emosyon na yun dahilan para wala na akong ibang maramdaman.
"Sir tapos na po an--"
"SHUT UP!" sigaw ko sa guard ng apartment nila.
Tutuloy na sana ako ng bigla niya akong hawakan at marahas akong itinulak palabas ng building.
"Sir ayoko pong maging marahas pero tapos na po talaga ang visiting hours"
Nagbingi-bingihan ako at pinilit na makalagpas sa kaniya, but he pushed me once again.
"Sir wag na po kayong mapilit"
BINABASA MO ANG
Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓
Fanfic"Anong special skill mo?" "Ang MAGPANGGAP... nagawa ko ngang magpanggap na mahal kita" :-) ~~~~~~~~ Habit Series #3 Pretentious Habit ¤ Jeongcheol written by: Yuneng casts: Yoon Jeonghan Choi Seungcheol the rest of seventeen Timeline: Before Talkin...