SC (03)

1.7K 78 5
                                    

~•~~•~~•~~•~~•~

*jeonghan's*

"Beh, kalma ka lang muna okay? Coold down. Normal lang naman sa mag-asawang mag-away pero wag ka kaagad na sumuko. May pagkakamali si Seungcheol, at nandoon ka para itama iyon. Kahit na nasasaktan ka na" sabi ni Seokmin.

Napabuntong hininga ako, palagi ko naman siyang iniintindi. Sana this time ako naman yung intindihin niya. Sana kahit papano bumawi siya.

"Marriage life isn't easy. Hindi porket masaya kayong ikinasal, habang buhay na kayong masaya diba? Syempre cycle pa rin yan, may masayang part may malungkot na part"

"Hmmm"

"Tsaka hyung, ganito nalang isipin mo okay? Ginagawa ito ni seungcheol para sa inyong dalawa ni Seunghan. Ginagawa niya ito para mabigyan kayo ng buhay na nararapat sa inyo. Ginagawa niya ito dahil mahal niya kayo" sabi niya.

Alam ko yun. Alam na alam seoks.

"I know..."

Kahit na nakalimutan niya yung anniversary namin. Pwede pa rin namang maulit yun, kaya siguro sasanayin ko na sarili ko.

Muli akong napabuntong hininga, I turned my gaze towards the crowded street. Nasa isang coffee shop kami ni seokmin, naisipan kong makipag-usap sa kaniya para at least mailabas ko itong nararamdaman ko.

I'm glad he's here to help me out. Kung hindi edi siguro hindi ko alam kung saan na ako napunta.

"Hyung, nga pala"

"Hmm?"

"Diba nasa japan ngayon si Seungcheol hyung?" Tanong niya.

Tumango ako bilang sagot. Matapos yung komprontasyon namin ay nagpaalam lang siya sakin through text na pupunta siyang japan. Itinuloy niya talaga. Wala eh, trabaho niya yun.

Sana man lang isinama niya kami ni seunghan.

"Then, I guess you'll be free for tonight" sabi niya.

Tumango ako.

Anong binabalak niya?

"Ganito kasi yun. Nag-aya si Seungkwan, pupunta tayo sa isang bar mamayang gabi. Pinayagan naman ako ni jisoo, same rin with seungkwan" sabi niya.

Ohhhkay?

"Inaaya mo ako ganon?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Hehehehe. Kami nalang ang maga-ask kay seungcheol hyung. Baka hindi ka pa payagan nun. Tsaka! Minsan lang naman tayo kung mag bonding!"

"Kailangam talaga sa isang bar?" Tanong ko sa kaniya. Umaandar na naman ang mommy feelings ko.

"Eeeyyy! Sige na hyung! Di naman tayo makikipaglandian dun okay? Iinom-inom lang tas enjoy! Pramis! Wala kaming ibang isasama"

"Pero si seunghan..."

"Ganito nalang. Papapuntahin ko si Jisoo sa bahay ninyo, isama na rin si Hansol para sila-sila yung magbabantay sa mga bata. Okay ba yun sayo?" Tanong niya.

Tinitigan ko lang siya. Gosh, jeonghan. Kailangan mong mag loose up. Stressful ka these past few days, kailangan mong mag break.

Pero pano si seunghan? Ayoko siyang pabayaan. Baka sabihin ni seungcheol pabaya akong ina at asawa.

"Hindi talaga-"

"Ayts! Pumayag siya hyung!"

Nahinto ako nung biglang ipinakita sakin ni Seokmin ang message sa kaniya ni Seungcheol. Binasa ko itong maigi at oo nga. Pinayagan niya talaga ako.

Wow.

"Sige naa! Pleaaassee! Minsan lang naman ito hyung! Hehehehe! Susunduin ka namin ni seungkwan mamaya"

Napabuntong hininga ako. Hindi naman masamang magwalwal kahit isang gabi lang diba?

"Fine"

Ba't ganitooo? May feeling akong may hindi magandang mangyayari mamayang gabi?

~•~~•~~•~~•~~•~~•~

Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon