~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Jeonghan's*I squinted my eyes and fluttered it open. Saglit akong nakatingin sa ceiling habang kinokolekta ang isip ko.
Oh.
Shoot!
Yung presentation!
Dali-dali akong napaupo sa kama at hinanap yung laptop ko. Nanataan ko iyon sa study table kaya agad akong bumaba sa kama at umupo sa swivel chair. I opened my laptop, saglit akong napalingon sa orasan sa tabi ko. 7:45 palang kaya may oras 9 nagst-start yung class namin, and first subject pa naman itong presentation.
Actually hindi naman siya ganun ka hirap yung difference lang naman ng micro economics sa macro ako lang naman talaga yung nagpapahirap sa sarili ko kasi inelaborate ko pa further yung dalawang economic systems.
Binuksan ko yung presentation at tinignan yung ika 15th slide.
"E-eh?"
I scrolled down, only to see my presentation was finished and all the grammatical errors I made last night was removed and replaced. Who did this?
*tok tok tok*
Napalingon ako sa pintuan. Tumayo ako para pagbuksan kung sino man ito. Nagulat ako saglit nung makita ko ang pagmumukha ni Seungcheol. Naka-apron pa siya.
"Gigisingin na sana kita" sabi niya.
"G-Good morning? Akala ko umuwi ka kagabi" sabi ko sa kaniya.
Hinila niya ako para yakapin niya. Niyakap ko siya pabalik. Naramdaman ko yung labi niya sa ulo ko.
"Sinabi kong dito ako matutulog kagabi" sabi niya.
Ah... I must've neglected him for awhile. I pulled away and went back inside the room.
"Cheol tinapos mo ba yung presentation ko kagabi?" Tanong ko sa kaniya at pinatay na yung laptop ko. Inilagay ko ito sa sisidlan niya at itinabi sa backpack ko para hindi ko makalimutang dalhin manaya.
"Yeah, pagkabalik ko kagabi tulog na tulog kana" sabi niya at may hinalughog sa dalang backpack niya.
Nakita kong hinugot niya yung mga damit niya. Prepared na prepared talaga siya.
"Anong oras mags-start class mo?" Tanong ko sa kaniya habang sinisipat ang mga damit sa cabinet ko.
What to wear?
"9, sayo?"
"Same. Hihintayin mo ba ako mamayang hapon or ano?" Tanong ko at hinugot ko yung isang mustard colored na sweater, white shirt and white pants.
"May planning kami for project mamaya ni Jae In" sagot niya.
"Ah... ako nalang ang maghihintay sayo, ibigay mo nalangbsakin yung susi ng kotse mo para mabuksan ko yung pintuan" sabi ko sa kaniya bago ako lumakad papunta sa banyo.
BINABASA MO ANG
Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓
Fanfiction"Anong special skill mo?" "Ang MAGPANGGAP... nagawa ko ngang magpanggap na mahal kita" :-) ~~~~~~~~ Habit Series #3 Pretentious Habit ¤ Jeongcheol written by: Yuneng casts: Yoon Jeonghan Choi Seungcheol the rest of seventeen Timeline: Before Talkin...