PH(62)

1.5K 82 42
                                    

~º~~º~~º~~º~~º~~º~~º~
*Seungcheol's*

"What the hell are you doing here Nayeon?!"

Hindi siya sumagot, imbes ay lumapit siya sakin,kaya agad akong napatayo at lumayo sa kaniya.

Ba't ba siya sunod ng sunod sakin?! Ang daming ibang pagtitripan ba't ako pa?!

"I came here for you" sabi niya.

She took a step closer. "Hanggang diyan ka lang. Sabihin mo ang gusto mong sabihin at umalis ka na" I coldly retorted back.

Hindi talaga siya nadadala sa mga masasakit na salita ko sa kaniya. Ganiyan ba talaga siya ka tigas?

"Pinapatawag kayo ni CEO Han, na-pull out na kayo sa mga klase niyo. All of us must report to the company now" sabi niya na siyang ikinataas ng kilay ko.

Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon ba hindi pa rin klaro kay CEO Han na ayokong sumunod sa kaniyang plano. Ba't niya pa ako ipapa-debut kung feeling niya hindi ako magdadala ng profit sa kompanya?

Nasan ang isip niya? Nakakaya niyang lunukin yung pride niya at humingi ng tulong sa ibang kompanya. Para ano? Para mapasikat ako? What a way of promoting his artist. Kaya walang sumisikat galing sa kompanya.

Natatandaan ko yung girl group na pinalipat niya sa ibang entertainment. It caused a huge commotion in the industry, papalubog na ang kompanya because of the discriminations from that girl group's fans. Bumaba yung sales, muntikan ng ma bankrupt yung kompanya. Buti nalang at may ipina-debut silang boy group, which consists of 5 members. Kahit papano ay nadistract yung mga netizens as they completely supported that boy group. Kaya muling nanumbalik yung sigla ng kompanya. May mga investors at sponsors na ring pumapasok.

At heto na naman, gagawa na naman sila ng napakalaking commotion. Tsk! Hindi ko ikakasikat to, ikakasira lang ng pangalan ko ito. Knowing that I'm known to the public as a hidden artist of that company. Nakapag release na ako ng mga mixtapes which became a hit. Kaya nung ipinalabas last week ang pagdebut ko madami yung umaabang.

Pero bibiglain naman sila kapag matuloy yung binabalak ng CEO. Tsk.

"Cheol?"

Nilingon ko si Jeonghan. I immediately went towards him. "Han, pinapatawag tayo sa kompanya" sabi ko sa kaniya.

He removed his gaze from me at hinarap si Nayeon. "Nice seeing you here, Nayeon-ssi" bati ni Jeonghan sa kaniya.

"Likewise"

Hindi ko siya pinansin at hinila ko si Jeonghan palabas ng area'ng iyon. Nakasunod lang samin si Nayeon hanggang sa nakarating kami sa may parking lot.

"Nakatanggap ako ng text mula sa kaniya" ani ni Jeonghan at ipinakita sakin yung message ni CEO sa kaniya.

Tinanguan ko lang siya as I guided him inside the car. Papasok na sana ako sa loob nung makita ko si Nayeon na nakatayo lang sa labas. Wala siyang sundo? Tumakas ba siya? Tsk!

"Pasok" sabi ko sa kaniya.

She gave me a smile before she went inside the car. Tahimik lang siyang naka-upo sa backseat. "Hannie yah" tawag ko sa kaniya nung makita ko siyang nagsp-space out na naman.

Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon