~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Jeonghan's*"Jeonghan, paki-check naman yung wardrobe"
Napahinto ako sa paga-arrange ng mga spray net sa mesa at tinanguan si Yuki na busy sa pakikipag-usap sa cellphone niya habang naghahanap ng excuse para sa mga costumers namin. Hindi kasi namin naaasikaso yung mga costumers namin kasi nakaikot sa ngayon ang mundo naming dalawa kay Seungcheol.
Na close na yung deal, kaya everytime na may schedule si Seungcheol ay dapat present kaming dalawa ni Yuki kasi kami ang stylist niya.
Ang awkward.
Pero at the same time, sabihin na nating malandi ako kasi may mga paru-parong lumilipad sa aking tiyan everytime that our eyes meet.
Landi putcha.
Habang naglalakad papunta sa cabinet ay biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa ang kakaligo lamang na Seungcheol.
Natigilan ako nung magtama ang aming mga mata, he stared at me for a while before I noticed how the side of his lips went up forming into a smirk.
I blinked a few times before ignoring him and proceeded to my work.
That's illegal Mr. Choi.
I focused my attention on the outfits he's going to wear while having his fansign. May performance kasi siya mamaya kaya every song ay change costume.
Buti lang talaga at tatlong songs lang ang ipe-perform niya. Hindi kami mahihirapan sa pagdala ng mga damit niya pauwi. :<
Pagkatapos kong mausisa ng mabuti ang kaniyang mga damit at nasiguradong wala itong anumang giba ay bumalik na ako sa dati kong pwesto.
"Okay na yung mga damit, Yuks" I informed her.
"Lamat bes, paki-check mo naman yung inorder nating pagkain sa lobby? Kung okay lang?" Tanong niya.
Saglit na napatingin ako kay Seungcheol na prenteng nakaupo sa kaniyang upuan habang nakatingin sa kaniyang cellphone at parang busy'ing-busy siya.
Bumalik ang aking nga mata kay Yuki at tumango, "May ipapabili ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya. May malapit kasi na convenience store sa building na'to.
Umiling siya, "Wala na. Yung lunch nalang talaga natin" sabi niya.
I nodded, "I'll be back" sabi ko sa kaniya bago ko kinuha yung wallet at cellphone ko sa aking backpack at lumabas sa room.
Bumaba ako sa lobby at chineck kung may dumating na delivery, wala pa raw kaya naisipan kong lumabas muna para bumili ng banana milk.
Banana? O strawberry milk? San mas masarap bes?
:<
Lumabas ako sa building at dumeretso sa pinakamalapit na convenience store. Pagkapasok na pagkapasok ko'y dumeretso ako kaagad sa fridge at chineck kung available yung product na prefer ko.
BINABASA MO ANG
Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓
Fanfiction"Anong special skill mo?" "Ang MAGPANGGAP... nagawa ko ngang magpanggap na mahal kita" :-) ~~~~~~~~ Habit Series #3 Pretentious Habit ¤ Jeongcheol written by: Yuneng casts: Yoon Jeonghan Choi Seungcheol the rest of seventeen Timeline: Before Talkin...