~•~~•~~•~~•~~•~~•~
*Jeonghan's*"Bes, paki mop yung sahig sa table 14" mabilis na sabi ni Ren habang inaasikaso yung next tray na kaniyang ilalabas.
"Copy" sabi ko at agad na lumabas sa kusina't dumeretso sa stuff room. Kung may staffs room syempre may stuff room.
Kinuha ko yung isang bucket at pati mop, pati narin yung sign na 'slippery' bago ako lumabas at tinahak ang daan papunta sa table 14.
Marami-rami ang mga costumers ngayong araw kaya busy ang lahat. Kanina kasi may nag-held ng event dito sa cafè, isang fangathering. Basta yung isang sikat na group ngayon, panay tili nga ang naririnig namin mula sa staff room.
Pagkatapos nung event ay dumagsa naman ang mga costumers para mag merrienda, lalo na't may promo ang cafè ngayon, which is buy 1 take free choco muffin. Best seller kasi yung choco muffin dito.
"Good Evening sir, ma'am" bati ko sa dalawang costumer habang hawak-hawak nung babae yung anak nila.
"Sorry ha, malikot lang talaga tong si baby" sabi nung babae, I gave her a smile before doing my work.
Habang nagma-mop ay napatingin ako doon sa baby, ang cute niya pramis. Mga 10 months palang ata siya, its a baby boy.
"He's fond of you" sabi nung mister. Napalingon ako sa kaniya at biglang nahiya.
"A-ah... ang cute po niya" awkward na sagot ko sa kaniya.
Nagpatuloy ako sa aking ginagawa, and the last thing I did was to put the sign on the floor.
"Dumaan po kayo sa kabilang side, madulas po kasi" sabi ko sa mag-asawa.
Tumango silang pareho at binigyan ako ng tip, "Hala, wag na po" sabi ko at tinulak pabalik sa kaniya yung pera.
"It's okay, kami rin kasi ang may sala, take it. And also it's for entertaining our child" sabi nung babae.
I scratched the my nape bago ko tinanggap yung pera, "Salamat talaga ma'am, sir" sabi ko at nag-bow sa kanila.
They both gave me a smile, my eyes went down to the baby who's giggling while stretching his hands out towards me.
"He's really fond of you, Albeit we're going here more often" sabi ni ma'am.
Nginitian ko siya, "We're looking forward to that ma'am" sagot ko sa kaniya bago ko hinawakan yung kamay nung baby, may permission naman kasi ako.
As his little fingers touched my forefinger, it sent down chills on my spine. Hang on, baby boy, marami pang may mangyayari sa buhay mo.
"Jeonghan! Bes!"
Agad akong napaayos ng tayo at nilingon si Ren na tinatawag ako. Muli kong hinarap yung mag-asawa at nagpaalam na. Dala-dala ang mga gamit, naglakad ako pabalik sa stuff room at nilagay ito doon.
BINABASA MO ANG
Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓
Fanfiction"Anong special skill mo?" "Ang MAGPANGGAP... nagawa ko ngang magpanggap na mahal kita" :-) ~~~~~~~~ Habit Series #3 Pretentious Habit ¤ Jeongcheol written by: Yuneng casts: Yoon Jeonghan Choi Seungcheol the rest of seventeen Timeline: Before Talkin...