Neko's note: dedicated to Jasmae_03. Thank you for supporting mapa fb man l wattpad. Love love. 💕💕
Chapter Three
Okay. Tama ang hula n'yo. Oo andito si kuyang pogi. Pero. Isang malaking PERO! May isa pang ubod ng gwapo sa aking harapan na katabi ni kuyang pogi. Jusko mahirap mag-decide kung sino ang mas pogi sa kanilang dalawa. Napanganga yata ako habang nanlalaki ang mata. Medyo magkahawig ang dalawa pero hindi masyadong kita. Mata—mata ang pareho sa kanila. Pareho silang singkit.
"K-Kevin??" sabi ko kay kuyang pogi. Ngumiti lang s'ya ng nakakaloko.
"He's not Kevin. I am Kevin," sabi ni kuyang katabi ni kuyang pogi na si Kevin daw. What? Lost iz me. Explain n'yo please?
Teka...
Kung posibleng malaglag ang panga ko. Nalaglag na talaga. If that guy isn't Kevin. Then how the fuck did he know my name?
"Allow me to introduce you this guy. He's Keanu.. Kevin's brother—older brother," their dad said.
"Err... hi. I'm Zia." Inabot ko ang kamay ko kay Keanu. Nginitian n'ya muna ulit ako ng nakakaloko bago n'ya tanggapin iyon.
"Mare. Nagbago na isip ko. My Keanu and your Zia are perfect." Nag-decide na talaga sila para sa amin 'no? Mga gurang talaga. Tsk.
"Err.. Si Keanu po.. Sino po siya? Sorry for being rude," I said, ignoring Mrs. Fuentes said.I really thought that Kevin was only child. So he has a brother pala.
"Sa America kasi nakatira si Keanu. Ayaw n'ya sa Pilipinas. So he stayed there with our relatives." 'Yung si Mr. Fuentes 'yung sumagot.
"Oh. Okay."'Yan na lamang ang nasagot ko kasi kelangan ko pang sagutin ang misteryo kung bakit n'ya nalaman ang pangalan ko.
Pero joke lang. As if naman ma-kausap ko pa 'tong si Keanu. But Kevin. Kevin became a really handsome guy. Hindi na s'ya yung uhugin na kakilala ko dati na iyakin. Well puberty. Hindi na s'ya iyakin na nakikipaglaro ng text. I mindlessly stared at him. Damn. He really got looks. Those chinky eyes. Proud nose. and those lips. Their parents are both good looking so no wonder they're like gods from heaven too.
"Futang sh—"
Halos matuhod ko ang lamesa dahil may umapak nang sobrang sakit sa paa ko.
Parang elepante. Bwisit!
Napatingin ako sa dalawa. Kevin's serious with his food while Keanu's wearing a sly smile. So who's the culprit? BINGO! It's Keanu. I glared at Keanu. Leche s'ya. Tumingin din s'ya sa'kin.
"Don't stare at him," sabi n'ya pero walang boses. Buti na lang busy ang lahat sa paglamon kaya hindi na napapansin na malapit na akong pumatay.
Pero srysly. May something ba sa kanila kaya ayaw n'yang i-share ang kapatid n'ya? Hahahaha ay yaoi (boy x boy)? Incest? I laughed at that thought. Gosh. Pag narinig nila 'tong utak ko malamang napatay na ako ng dalawang 'to.
Nilasap ko na lang ang food na nakahain. Ayokong problemahin 'to. 'Di ko naman maka-usap si Kevin. 'Di naman kami close. I'm just his friend eight years ago. Iba yung friendship noon at ngayon.
Napatingin ako kay Keanu na busy sa paglamon. Kaya pala hindi pamilyar ang mukha n'ya. Pero pogi talaga s'ya eh. Nakatitig ako sa kan'ya habang kumakain. Okay. Mas pogi na s'ya kay Kevin. Ajujuju denial lang ako kanina pero mas pogi talaga s'ya.
Hanggang sa nag-angat s'ya ng tingin. Umiwas agad ako at tumingin sa food. My heart skipped a beat. Pano kung nakita n'ya? Gaga ka kasi Zia hilig mong tumitig. Pero ang pogi n'ya talaga eh. Isa pa nga. Hehe nag-angat ako ng tingin at tumingin sa kan'ya. At nag-dugdug na naman si heart. Napaiwas tuloy ulit ako. Dafq PANO BA NAMAN KASIIII. Nakatingin s'ya sa'kin tapos nakangiti. Bruh ang pogi n'ya ngumiti. Natutunaw yung puso ko. Kalma ka lang d'yan Mr. Heart. Wag ka nga!
"Sis. Your reactions are interesting."
Holy kamote. Nag-eexist pa nga pala si Pia.
"Err.. Bakit?"
"Secret. Pero kanina ko pa kayo pinapanuod. And yeah. Nakaka-entertain kayo panuorin."Naramdaman kong umakyat ang dugo ko sa mukha ko kaya lalo akong napayuko. Buti na lang nag-uusap yung mga gurang na parang may sarili silang mundo. Waaaahhh nakakahiya. Nakita ako ng kapatid ko na nakatitig sa lalaki. I'm dead.
"Nga pala Zia, nakalimutan kong sabihin na kayo ni Pia ay mag-istay kila Kevin."
"What the hell?"
"Ano??!" nanlilisik ang mata na tanong ni inay.
"Joke lang 'nay. Pero bakiiiittt? Aabandunahin mo na ba kami? Inay bakit?"Napalo ako ng sandok sa kadramahan ko. Napanguso na lang ako. Leche baka may kanin pa 'to.
"Niyaya kami ni balae sa Hawaii ng itay mo. Matagal na naming alam kaso nakalimutan naming sabihin sa inyo."
"Naaaay kila Krista na lang ako makikitulog. Ajujujuju"
"Hindi. Doon ka kila Kevin para panatag ang loob ko madaming mga gago ngayon. At saka kung magpupumilit ka pa, wala kang allowance sa darating na pasukan."
"Nay kaya naman na namin ang sarili namin."
"NI HINDI NGA KAYO MARUNONG MAGLUTO??!!! SABI SAKIN NI BALAE MARUNONG DAW YANG DALAWANG YAN AT PUMAYAG NAM—"
"Nay bat dun pa magi-stay? ayaaawww," angal ko.
"Para na rin masanay kayo," double meaning na sagot ni inay.
"Nay.. Huway? Piaaaa umangal ka!"
"Okay lang sa'kin," sagot ni Pia saka nag-kibitbalikat.Wala na. Sira na ang mundo ko. Kung 'di lang kasi nakita ni Keanu ang bukas kong zipper edi sana nilalandi ko na s'ya ngayon. BWAHAHA
"Nay. Kelan ba kayo aalis?" pagsuko ko. Final na eh.
"Mamaya pagdating ng itay mo. Kaya hindi s'ya makaka-absent kasi nag-vacation leave na."
"Nay gaano katagal 'yun???"
"Hmm.. Dalawang linggo."
"DALAWANG LINGGO? KILA KRISTA NA LANG AKO NAY!"
"Sige buong semester kang walang allowance."
"Naaaayyy."
"Allowance o Krista?"
"Dagdagan mo ng kahit 500 per week allowance ko."
"Okay. Call!"YES! Buhay na ako! Napatingin ako sa dalawang dyos sa harapan ko.
Hindi ko alam kung pano nag-turn ng ganito ang mundo ko. The fuck.
Holy cow. Paano ako mabubuhay ng dalawang linggo????
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...