Twenty Two

1.7K 60 4
                                    

Neko's note: no April Fools thing. HAHAHA. Huli na ng marealize ko.

Chapter Twenty Two

Lumipas ang ilang araw.

Lumalayo sa'kin si Keanu. 'Di n'ya talaga ako kinakausap. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako o ano? Nakakainis. Miss ko na s'ya.

Lagi na lang s'yang napasok sa utak ko. Nakakaasar. Kingina lang. Tapos tuwing malapit s'ya gusto kong tumakbo para umiwas. Pero gusto ko ring tumakbo sa kan'ya at yakapin s'ya. Napaka-gulo ng utak ko. Tapos isama mo pa 'yang mga butterflies sa tyan ko na mahilig lumipad. Gusto ko nang putulan ng pakpak eh. Tapos minsan pa... sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero napaka-bagal ng paligid pag dumadaan s'ya. Nababaliw na ata ako kay Keanu.

Gabi-gabi na lang akong puyat kakaisip. Plus 'yung sinabi ni Sui. Posible bang mahal ko na s'ya? Kahit ako nabibilisan. Mahigit isang linggo pa lang kaming magkakilala. At sa isang linggo na 'yun. Ilang araw pa lang kami nag-uusap.

Hindi ko na alam. Ayokong ma-in love kung gan'to naman pala kasakit sa ulo 'to. Punyeta. Sabi pa naman sa wattpad masakit din sa puso.

Ibinagsak ko 'yung mukha ko sa kama. Hindi ko na alam. Miss ko na si Suiiii! S'ya 'yung makakausap ko pag tungkol dito.

Tinawagan ko s'ya. Hindi sinasagot. Nasa bahay 'yun malamang.. Imposibleng hindi n'ya hawak 'yung phone n'ya. Tinawagan ko ulit. Isang ring pa lang ay sinagot na n'ya.

"KINGINA ANO BANG PROBLEMA MO?" Bismod s'ya kaya natawa ako.
"YOU CALLED JUST TO LAUGH AT ME??? BITCH I'M WATCHING AN IMPORTANT SHOW RIGHT NOW. SO SPILL WHAT YOU WANT TO SAY!"
"Wait anong pinapanuod mo?" Baka kasi mahalaga talaga. Tapos magtatanong lang ako ng kalandian sa kan'ya.
"We Bare Bears. Ang cute cute ni Ice Bear. Gusto ko s'yang i-hug. Para s'yang si Ferb. WAIT. ANO BANG KELANGAN MO?" Okay. Her mood changed again. At hindi mahalaga ang pinapanuod n'ya.

"Well.. In love na yata ako kay Keanu."
"Yata? I-sure mo nga muna. Kingina naman eh," iritang sagot n'ya.
"'Di ko nga alam kaya magtatanong ako sa'yo."
"Anong tanong?" sabi n'ya.

Ano nga bang itatanong ko?

"Hehe," tawa ko.
"Wag mo kong i-hehe. Ano nga?" Feeling ko babatuhin na n'ya ako.
"Ehhh." Natatakot na naman ako kay Sui. Momma help meh. Sui's gonna eat meeee.

"Ehh pa. Ayusin mo o sasampalin kita ng napkin. 3rd day ko ngayon ah. Madugo 'to."
"Eew," sabi ko sabay tawa, "nakalimutan ko ehh."
"Leche ka."

Wala nga yata akong itatanong eh. Gusto ko lang na s'ya na mismo magsabi kung oo o hindi.

"Feeling ko alam mo na yung sagot eh."
"Panong alam?" nagtataka kong tanong.
"Aware ka nang mahal mo s'ya pero you keep on denying that you don't."
"Ewan?"

Bumuntong-hininga s'ya. Mukhang kukunin na n'ya ako mula sa telepono. Scaryyyy!

"Sagutin mo ako ng oo o hindi." Mabilis at pagalit n'yang sabi. Ajuju 'kala ko kakainin na n'ya ako.

"Nag-dodoki doki ba ang kokoro mo tuwing nakikita mo s'ya?"
"Wtf. Anong lenggwahe yan?"
"Sorry." She laughed. "Weeaboo kasi ako. Anyway. Nagpapump ba ng madaming blood yung heart mo—"
"Oo," derecho kong sagot.
"Edi pa-check up ka. Baka may rheumatic heart disease ka na," tumatawa n'yang sabi. Abnormal ba s'ya?

"Joke lang. Tumawa ka. Leche," dugtong n'ya.

Pero 'di ako tumawa.

"Tatawa ka o ibababa ko 'to?"

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon