Sixty Seven

1.2K 38 4
                                    

Sixty Seven

It's been two months simula nang gumala kami ni Keanu at hindi naman kami araw-araw nagkikita kasi pumapasok na ako and he started helping on their (family's) company na.

Ali went back to states to start therapy and I think she is getting better with the help of her psychiatrist. Krista is really happy with Eric. Hindi pa sila pero MU. They like taking baby steps and not rushing things.

Wala akong balita kay Kevin at Sui. Sui unfriended me on Facebook. Kevin deactivated his account. He didn't block me, he really deactivated. Nag-aalala na ako pero sabi ni Pia, alive and kicking naman daw si Kevin. Though kahit magkalapit lang kami ng school e hindi kami nagkikita. Siguro nga mahirap makita ang taong ayaw magpakita. Kasalanan ko naman kasi, e. Bakit ba hinahanap ko pa rin s'ya?

I kept on asking Keanu kung kumusta si Kevin pero madalas sinasabi n'ya na okay lang sila.

Break ko ngayon. 2 hours break at nagkita kami ni Keanu. Kumakain kami ngayon sa Jollibee at katulad ng dati ay head turner talaga s'ya. Dahil may nakakapasok na outsider sa school ay minsan ay hinahatid n'ya ako sa classroom kaya naman pinagtitinginan kami.

"Naalala ko nung nakatira pa ako sa inyo tapos nanggaling kami sa tree house ni Kevin tapos nakita mo kami, akala ko magsasapakan kayo nun, e."
"Hindi ko maalala 'yun."
"Bastaaa 'yung nagtampo ka ata sa akin tapos hindi mo na ako kinakausap kaya nagtaka ako."
"Ah. 'Yung bago mo nakawin brief ko babes?" nakangising tanong n'ya.
"Hayup ka Keanu Fuentes."
"Totoo naman, a."
"Whatever. Edi naalala mo na? Ayun! Akala ko talaga magsasapakan kayo ni Kevin nun, e. Tapos hindi mo na ako pinansin. Tapos naalala ko pa nung first night ko sa inyo, akala ko ansungit ni Kevin kasi hindi ako pinapansin tapos 'yun pala nahihiya lang sa akin." Tumawa pa ako. Ang sarap bumalik sa dati. 'Yung hindi pa complicated. 'Yung masaya pa kaming lahat tapos walang may gusto gusto.

Tumango lang si Keanu.

"Kumusta na pala si Kevin?" tanong ko. Naka-poker face lang si Keanu. Hindi ko mabasa ekspresyon ng mukha n'ya. Keanu talaga hindi mo matantya. May pagka-abnormal, e. Meron ka ba, koya?
"Okay lang."
"Paanong okay? Kumakain ba 'yun nang mabuti? Pumapasok? 'Di ba grade 12 na s'ya?" Tumango lang si Keanu. "Hayyyy. I kinda miss Kevin," I said. Which is true.

Hindi sumagot si Keanu. Pinaglalaruan n'ya lang 'yung plato n'ya. I just shrugged it off. Sabagay, ano nga namang isasagot sa akin ni Keanu?

"Zia, I gotta go," sabi ni Keanu matapos ang ilang minutong katahimikan. Agad din s'yang tumayo at umalis. Ni hindi nga nagpaalam sa akin nang maayos, e.

I just shrugged again.

At least madaming balat ng chicken joy for me.

But deep inside...

I know...

na kung si Kevin ang kasama ko... he won't leave me no matter what.

Kinukuha ko 'yung chicken joy ni Keanu nang bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Putang shet naman. Natatae ba ako? Sa dami ng nakain ko baka natatae nga lang ako.

Shet. Hindi talaga ako mapakali. Feeling ko tuloy hindi ako natatae. Inangat ko ang tingin ko...

Kunot noo kong tinitigan nang mabuti 'yung naglalakad papalapit sa akin. Bakit gano'n?? Parang tumigil 'yung paggalaw ng mundo? Bakit nagkaroon ng ray of sunlight sa kan'ya at bakit parang wala akong nakikita bukod sa kan'ya? Tangina. Tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang tanging nakikita ko lang ay ang paggalaw ni Kevin—ang paglalakad n'ya papalapit sa akin.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon