Sixty Five

991 43 11
                                    

Chapter Sixty Five

Binura ko ang kinompose kong text saka pinukpok ang ulo ko nang madaming beses.

Huminga ako nang malalim saka kinuha ulit ang cellphone ko. Nanginginig na naman ako habang nagta-type sa cellphone ko. Hindi ko kayang makipag-break kay Kevin nang harapan. Hindi ko kaya.

"Kevin... I'm sorry. Let's break up."

I hit send.

Binato ko ang cellphone ko palayo sa akin at wala akong pakialam kung masira 'yun. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko.

I ended it. Ako mismo nakipag-break bakit nasasaktan ako? Bakit ayaw tumigil ng mata ko sa kakaiyak???

"ZIA???! TANGINA ZIA BUKSAN MO NA 'TO."

Narinig ko ang sigaw ni Kevin sa pinto ko. Nagmamakaawa s'ya at lalo akong napahagulgol doon.

"Kevin? Ano ba 'yan?" Narinig ko ang tanong ni inay.
"Tita. Parang awa mo na... sisirain ko na 'tong pinto ni Zia tita. Kailangan ko s'yang makausap."
"Kev—teka... Kevin anak. Tumayo ka riyan. 'Wag kang lumuhod."

Lalo akong napahagulgol sa narinig ko sa kabilang side ng pinto.

"Tita... sige na babayaran ko na lang. Kailangan kong makausap si Zia." Halos hindi ko na marinig ang boses n'ya dahil nagsisimula na 'yong humina. Ramdam kong umiiyak s'ya.

What have I done?

"Zia? Anak. Buksan mo na 'tong pinto mo. Sige na." Katok nang katok si inay kaya napabangon na rin ako. Binuksan ko nang dahan dahan ang pinto. Agad na itinulak ni Kevin iyon at niyakap ako. Mahigpit. Sobrang higpit na parang ayaw n'ya akong pakawalan. Nakapatong ang ulo n'ya sa balikat ko at nararamdaman ko ang pagbasa nun dahil sa luha n'ya. Maging ako ay napaiyak na rin. Umalis din agad si inay para siguro bigyan kami ng privacy.

"Ano 'yun, mahal? Prank ba 'yun?" Nakayakap pa rin s'ya na parang bata sa akin at parang ayaw pa n'yang umalis sa tabi ko. "Mahal, 'wag gano'n. Sobrang sakit, e. 'Wag kang magbibiro ng gan'yan, okay?"

Masakit man ay itinulak ko s'ya nang bahagya sa dibdib. Ayaw pa n'yang kumawala at mas lalo n'yang hinigpitan ang kapit sa akin kaya mas lalo kong nilakasan ang pagtulak sa kan'ya.

Nakaawang ang bibig n'yang napatingin sa akin. Pawis na pawis s'ya at basang-basa ang mukha n'ya. Gusto ko na naman umiyak dahil sa nakita ko pero hindi pwede kasi kailangan kong gawin 'to. Ayaw kong ipagpatuloy 'to nang hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.

"Mahal, anong nangyari? Prank lang ba 'yun?" tanong n'ya ulit kaya agad akong umiling-iling.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan na hindi ko gustong basagin.

"Kevin... l-let's brea—" hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ay lumuhod si Kevin sa harap ko.
"Zia, don't continue that. Ayoko. Hindi. Hindi tayo maghihiwalay. Zia, ikaw ang buhay ko. Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin, mahal." Napayuko s'ya sa paanan ko kaya nararamdaman ko ang pagtulo ng luha n'ya sa paa ko. Humahagulgol s'ya at walang takot na ipakita sa akin ang nararamdaman n'ya "Zia, hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Akin ka 'di ba? Pakakasalan pa kita. Ano bang ayaw mo? Babaguhin ko para sa'yo. Clingy ba ako, mahal? Susubukan kong hindi. Z-Zia... gagawin ko ang lahat 'wag mo lang akong iwan."

Umupo rin ako para magkapantay kami saka hinawakan ang mukha n'ya. Sobrang sakit. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ayokong nakikitang nasasaktan si Kevin pero mas lalo s'yang masasaktan kung ipagpapatuloy namin 'to.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon