Chapter Fifty Seven
Thanks to Kevin kasi may musikero kami. Kahit na apat lang kami sobrang enjoy pa rin.
Oh. Yeah. After n'ya kumanta ng Thinking Out Loud pinatigil muna s'ya ni Sui kasi nagki-cringe na raw talaga s'ya kahit anong pigil n'ya. Hayup talaga 'to si Sui, e. 'Yung dalawa talaga anlakas manira ng mood. Aalalahanin kong sabuyan sila ng buhangin habang tulog. Hehe.
Nagpaalam si Kevin na aalis muna s'ya. Gusto ko sana samahan pero sabi n'ya 'wag daw muna kaya hinayaan namin. Kaya ang ginawa namin e nagchikkahan lang kami hanggang sa dumating si Kevin ng around 8 na. Ilang oras din s'yang nawala at na-miss ko s'ya dahil dun. Hehe.
"Okayyyy! Truth or dare!!!!" masiglang sigaw ni Sui habang nakataas ang kamay na parang nagre-recite.
"Ang boring naman n'yan," sagot ko sa kan'ya.
"Duh we're camping and you're not gonna do truth or dare??" Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi n'ya.Umalis s'ya sa inuupuan n'ya saka pumunta sa cottage saka bumalik na proud na proud habang binibida ang cards n'ya.
"Lucky 9!" masayang sabi ni Sui kaya napangiwi ako. Wala na bang ibo-boring 'to?? "Lowest will choose either truth or dare then 'yung winner 'yung mag-uutos or magtatanong. Kapag nag-tie, edi alam na," naka-evil smile pa si Sui which made me shiver.
Humangin nang malakas so I rubbed my palms on my arms para magkaron ng friction. Hindi sapat 'yung bonfire para magbigay ng init. 'Yung hangin kasi e sunod-sunod na malakas. Tolerable kanina pero kapag sumobra, hindi na.
"Nilalamig ka?" bulong ni Kevin kaya tumango ako. Hinubad ni Kevin 'yung hoodie n'ya tas binigay sa akin na sinuot ko naman. Medyo mahaba sa akin 'yung hoodie n'ya. Tumawa si Pia.
"Akala ko gagawa ka ng move, e." Napaangat ang tingin ko at napalingon kay Pia. Hindi ko gets, e. Anong move? Move sa chess, gano'n?
"Hindi pa kami, e. I don't want her to be uncomfortable," sagot n'ya kaya napakunot ang noo ko. Hindi naman ako magiging uncomfortable kapag si Kevin ang usapan, e.
"Huh???" sagot ko sa kanila kaya lalong tumawa si Pia.
"Wala, slow ka talaga."Napaturo pa ako sa sarili ko. Ako? Slow?! Putang shet hindi, a. Dakyu talaga 'tong mga 'to.
Kinuha ni Kevin 'yung kamay ko at hinawakan 'yun. I just let him be. Iba 'yung init na binibigay n'ya sa akin and I can't help but smile. I am now feeling giddy about it now that he's holding my hand and I'm wearing his hoody that smells a lot like him. It feels different with Keanu and it's much better when I'm with Kevin.
"Ang landi n'yo. Hindi ba move 'yan Kevin?" tanong ni Sui. Nag-shrug si Kevin saka tumingin sa akin.
"Okay lang naman mahal, 'di ba?" He winked kasabay ng pamumula ko.
"Yak. Mahal. Saan si mura? Corny ng tawagan n'yo. Generic!" asar ni Sui sa amin.
"Wala ka lang love life, e," bulong ko.
"BURN BITCH!!!" sigaw ni Pia saka humalakhak.
"May love life ka teh?" pagbabalik ni Sui. Nanahimik si Pia kaya lalo akong natawa.Sumandal ako kay Kevin. Hinayaan n'ya lang ako. Kevin is like my sun. He warms me up everytime I'm with him. He makes my day bright and he himself is sunny. I can't imagine my life now without Kevin. He does really make me feel giddy and I feel no discomfort or what.
Binalasa na ni Sui 'yung cards. Hindi n'ya tinanggal 'yung mga tao para more chances of losing daw. Hayup talaga 'tong Sui na 'to.
"Hoy Zia 'wag ka sumandal kay Kevin, makikita cards mo," puna sa akin ni Sui kaya umayos ako ng upo. Psh. KJ. Saya-saya na may sandalan, e.
Agad kong tiningnan ang cards ko at agad na napangiti.
"I'm good," sabay na sabi namin ni Pia kaya nanlaki ang mata ni Sui.
"Tangina! Isa pa!!!" Kumuha pa ng isang braha si Sui at agad na nanlumo nung nakita n'ya 'to.
"Tanginang buhay 'to," sabi n'ya saka inilapag nang marahas ang braha. Agad kaming nagtawanan nung nakita namin 'yun.
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
عاطفيةZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...