Chapter Fifty One
Napatigil ako nang may kumatok.
"ZIANDRINA ANONG ORAS NA BUMANGON KA NA D'YAN NAKAKAHIYA KAY KEVIN."
Kevin?????
Omg. Paano ko haharapin si Kevin? Paano ko sasabihing nagkakamabutihan na kami ni Keanu nang hindi ko siya nasasaktan?
"Uhm... o-opo Nay!"
"Bilisan mo nakakahiya naman."
Tumango ako kahit hindi niya naman kita.
Gooood. Paano ko haharapin si Kevin?
Tumalon-talon ako saka nakipag-apir sa sarili ko. Buti na lang walang nakakakita kaya hindi masyadong mukhang tanga. Hehehe.
Dumaan muna ako sa sala bago nag-signal ng "Wait lang" kasi alangan namang kausapin ko s'ya nang hindi nagtu-toothbrush? Yak 'yun 'di ba?
Pagtapos ko mag-ayos ng sarili sa banyo at mag-chant ng "Kaya ko 'to" sa salamin nang sampung beses to convince myself na kaya ko nga e lumabas na ako at hinarap s'ya.
"Kevs..."
Lumingon naman s'ya nang nakangiti. Damn. It's getting harder and harder to face you when you're like that, Kevin.
"Zia! Okay ka lang ba?" Tumango ako kahit na hindi ko alam ibig-sabihin n'ya. "I brought you chocolates," sabi n'ya nang nakangiti habang binibigay 'yung paperbag.
Paano ko s'ya haharapin? Ang hirap! Ngumiti lang ako.
"Salamat nag-abala ka pa," mahinang sabi ko.
"Para sa mahal ko naman, hindi abala 'yun 'no!"
Ducking shet!! Bakit feeling ko pinagtaksilan ko si Kevin?
Napatahimik ako kasi puta this guilt is eating me.
"Zia?"
"Hmmm?"
"Galit ka ba?" nakatungong tanong n'ya.
"Haaa?"
"Ang tahimik mo kasi, hindi ako sanay."
"Ang paranoid mo naman, hindi, a. Bakit ako magagalit sa'yo?"
"Kasi... baka masyado ka nang nao-OA-an sa akin. Tumatawag ako kahapon tapos hindi mo sinasagot. Pumunta ako rito pero sabi ni tita umalis ka raw. Sobrang nag-alala ako, Zia kaya tinadtad kita ng tawag pero hindi ka sumasagot. Nagsasawa ka na ba sa akin? OA na ba ako? Dapat na bang kumalma muna ako at hayaan ka?"
Hindi ako naka-imik agad kasi sobrang nagi-guilty na ako.
Pero hindi ko kayang sabihin ang totoo sa ngayon.
Pasensya na, ang selfish ko.
"Kevin... don't think like that. Wala kasi akong load kahapon tapos masyado akong natuwa kasama si Allison that's why hindi na ako nakasagot tapos nakatulog ako."
"Oh. That's why."
"Hmm??"
"Nagyayaya si Allison na mag-dinner tayong apat. Pwede naman ako gumawa ng reason para hindi tayo matuloy at hindi ka masaktan," sagot n'ya sa akin.
"No... that's okay. Sige. Tara."
"Are you sure?"
"Oo naman Kevin. Part of moving on na 'to."
But the truth is I want to see Keanu.
"Pero Zia..."
"Hmmm?"
"Okay lang ba talaga?"
"Na?"
"Na ganito ako sa'yo. Kung ayaw mo pwede naman akong tumigil sa pagiging ganito baka nasasakal ka na."
I pat his head. Napasimangot naman s'ya.
"Okay lang, Kevin. I don't want to change you," I said. Ngumiti naman s'ya agad.
"Okay Zia. Salamat." Tumayo na s'ya. "Binigay ko lang talaga 'yung chocolate sa'yo kasi I heard na gusto ng girls 'yun kapag may you-know-what sila." He smiled. Omg. Ang sweet ni Kevin!
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...
