Two

3.6K 131 11
                                    

Chapter Two

Forever akong lutang dahil sa nangyari kahapon. Ajujuju pero pano kung parang sa wattpad pala yung story namin? Tapos may sparks talaga? Tapos s'ya 'yung forever ko? Yieee. Kaso ikukwento ko sa mga anak ko na nagkakilala kami ng tatay nila dahil sa bukas na zipper? Eh pano kung sa tabing bahay pala s'ya nakatira? Wala pa namang nakatira sa kabila. Hala. Kailangan ko na atang magdasal nang mataimtim.

"Zia, anak. Bumili ka nga ng patis kina aling Nena." Narinig kong utos ni inay. Nakakatamad pa naman tumayo. Pshh bakasyon eh. Pero dahil mabait akong bata nagbingi-bingihan ako sa utos ni inay. Huehue

"JSKABDOQNALSNAIAKAKAK bumili ka ng patis!"

Akala ko may sumabog na granada sa ingay ni inay huhu.

Oo. Machine gun ni Inay yun. Naiintindihan n'yo naman ako 'di ba? Oo. Mahirap ang nanay na nagtataglay ng machine gun na bunganga. Hays

"Opo 'nay. Labyu. Hehe"

Edi pumunta na sa ako sa suking tindahan ni Aling Nena na nagbebenta ng sari-saring paninda para bumili ng patis~

Humingi na ako ng pera kay inay para makabili ng patis sa suking tindahan.

"Zia!!!! Mag-tsinelas ka!!!"
"Nakakatamad 'nay. Hehe," sabi ko saka ako tumakbo. Baka mabato ako ng sandok eh. Kaya tumakbo na ako papunta kila Aling Nena. Naka-boxer, hindi pa nagsusuklay, at naka-paa ang outfit ko ngayon. Lapakels. Cute ako.

"May bukas na zipper di ko sasabihin~"

Automatic na napatingin ako sa short ko kaso na-realize ko na boxer pala ang suot ko. #MedyoBobo

"May bukas na zipper di ko sasabihin~"

Napatingin ako sa kumanta at oo. Tama ang hula n'yo. Sino pa ba? Ang demonyong nagsabi sa'kin na bukas ang zipper ko. Tinitigan ko na lang s'ya ng masama. Pero ang totoo natutunaw ako sa mata n'ya. Hehehe eng lende ke telege.

Inirapan ko na lang s'ya at tumakbo papunta kila Aling Nena. Nang makabili ako ng patis, agad akong tumakbo ulit. Baka makita ko na naman si kuyang pogi.

Nang makadaan ako sa kanya,

"Zia!"

Tinawag n'ya ako pero di ko s'ya pinansin. Asa s'ya. Ungas s'ya. Pogi lang s'ya pero ungas s'ya. Pero pogi talaga s'ya. Ganda pa ng ilong. Ganda ng lips. TEKA! UNGAS SYA! OO! Hayaan n'yo ko!

Nagmadali ako sa pag-takbo at pumasok sa bahay. Si kuyang pogi kasi eh. Ibinigay ko na kay inay ang patis na kailangan n'ya. At agad akong tumakbo sa kwarto ko.

"Zia."

Naririnig ko pa sa utak ko ang boses n'ya. Pogi talaga eh. Boses pa lang ulam na. Tapos-TEKA. SANDALI! Paano n'ya nalaman ang pangalan ko eh Bey ang tawag sakin ni Krista. Wtf. Stalker! Pero teka ulit. Saan nga s'ya nakatambay kanina?

"Ahhhhhhhhh"

Tili ko.

"Zia! Wag kang sumigaw! Ano bang problema mo?"
"Nay! Wala po!"

Nagsisigawan lang talaga kami ni inay. Pero labs na labs ko 'yan. Pero balik tayo. Nasa kabilang bahay s'ya? Dyan lang s'ya nakatira? Magkapit-bahay kami? Kapit-bahay ko ang stranger na nagsabi na bukas ang zipper ko? Ajujujujuju

Pero teka. Baka naki-tambay lang s'ya. Hindi s'ya nakatira dun. Oo! Kahit alam kong wala nang nakatira sa kabilang bahay nakikitambay lang s'ya dun. Think positive!

"Zia! Labas ka nga muna sa kwarto mo!"

Katok ni inay sa pinto ko. Hays utos na naman.

"Wag ka ngang humilata d'yan maghapon. Tumulong ka sa akin na magluto at may bisita tayo."

Sht. Hindi siya ang bisita namin. Hindi s'ya. Hinding-hindi s'ya.

"Sino ba 'yung bisita natin 'nay?"
"Naalala mo 'yung si Kevin?"
"Kevin? Hmmm..."
"Basta 'yung kababata mo dati na tumira sa America?"
"Ahhh 'yung uhugin at iyakin na 'yun? Naalala ko na. Yung weak sa text. Laging talo. Tapos iiyak sa'kin," pagyayabang ko kahit na obvious na walang pake si inay. Humalakhak pa ako na parang proud na proud sa sarili ko.
"Basta siya. Dito na raw kasi ulit sila titira. 'Di ba dyan sila sa kabilang bahay? Akala ko nga binenta na nila 'yan eh."

WAIT. WTF? Hindi ma-absorb ng utak ko. Baka si Kevin yun? Pero hindi eh. Malayong-malayo. Ubod ng pogi si kuyang pogi eh. Pero si Kevin. Uhugin yun. Oo. Tama. Hindi s'ya 'yun.

"Ahh ganun ba 'nay? Tara na! Magluto na tayo!"

Tinulungan ko na si inay na magluto ng food. Wala naman akong magagawa eh. Sana lang talaga hindi s'ya si Kevin. Jusko. That's too impossible. Pero pogi rin si Kevin dati eh. PERO HINDI! Hindi s'ya si Kevi-

"Araaay!!!"
"Anak ng. Sino ba ang may sabi na hiwain mo ang daliri mo?!!! hsjsbsoabaoao"

*****

Tumunog na ang doorbell. Sht. Dito ko malalaman kung si Kevin ba s'ya o hindi. Pinagbuksan sila ni inay. Naghihintay kami ng kapatid kong si Pia sa sala. 'Di ko close si Pia eh. She's more like an acquaintance than my sister. We barely talk and she doesn't talk that much. Kaya everytime na kumakain kami ng sabay-sabay parang 'di s'ya nag-eexist. Sinabi pa niya na she hates me. Punyeta. Ewan. By the way. I'm eighteen she's fifteen.

Kinakabahan ako. 'Di ko alam ang gagawin ko. Paano kung s'ya? Tatakbo ako? Lilipad? Magtatago sa palda ni inay? Ewan!

Pumasok ang isang babaeng sa tingin ko'y late-forties na pero halata pa rin ang ganda n'ya. Kasunod ang isang lalaki na sa tingin ko naman ay mid-fifties na eto naman pogi at hot na hot pa rin. Tho may wrinkles na. Napatayo ako-kaming dalawa ni Pia.

"Eto na ba ang mga anak mo? Ang gaganda na nila ah. Zia's a matured woman now," sabi ni Mr. Fuentes.

Napangiti na lang ako. Compliment yun eh. Ay teka... baka isipin n'yong mukha akong bagong gahasa ng kama. Nagpalit ako. Girly-girl ako ngayon. Wag nga kayo! Halos itali na ako ni inay kasi ayaw ko magpalit. Peste.

"Etong anak ko si Zia. Kilala n'yo na s'ya 'di ba? Eto naman si Pia. Yung bunso kong babae," pagpapakilala samin ni Inay. Ngumiti ako... si Pia tumango lang. Ewan ko ba sa kapatid ko... aabno-abno.

Nagmano kaming dalawa kay Mr. and Mrs. Fuentes.

"So where's Vic now?" tanong ni Mrs. Fuentes kay inay.
"Nandun sa office. 'Di maka-absent eh."
"Ay nako mare. Okay lang yun. Ikaw Zia ay naku! Bagay na bagay kayo ni Kevin!" natutuwang sabi ni Mrs. Fuentes
"Err.. Hehe." Na lamang ang nasagot ko. Nasaan ang dila ngayong kelangan kita? Taksil ka!
"Oo nga mare. Sa tingin ko bagay talaga sila ng anak mo. Ay mag-balae na tayo."
"Inay! Staph!"

Pero parang wala silang narinig at pinag-desisyunan ang future naming dalawa. Nakakaawa ako.

"Siya nga pala... nasaan na si-"

Napatigil sa pagtatanong si inay nang matapunan ako ng juice. Dilaw pa naman yung juice at puti ang dress ko. Zia why so clumsyyyy? Kadiri ang lagkit.

"Sorry po. Excuse me."

Pumunta ako sa kwarto para magpalit. Dinig na dinig ko pa ang tawanan at kwentuhan ng mga gurang. Napaka-weird nila.

Pagkatapos ko mag-shower kasi malagkit ang juice, ay nagpalit na ako. Pero syempre hindi matagal kasi baka sabihin pachixx ako masyado.

Pumunta na ako sa hapag-kainan. Kumpleto na pala. Nung pagkaupo ko. Nakatingin lang ako sa baba. Kaya ko 'to! Atapang atao abawal aatras!

Nag-angat ako ng tingin at literal na nanlaki ang mata ko.

"What the fuck?"

————————

Neko's note: di pa rin ako makapag-post sa Facebook. Sad.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon