Twenty Five

1.5K 69 1
                                    

Chapter Twenty Five

Bumukas ang ilaw kaya nagitla ako. Muntik ko pang maibagsak 'yung hawak ko.

Shit. Sana si Manang. Sana si Manang.

"Kanina pa kita hinihintay." Gumuho ang aking pangarap at pag-asa nang marinig ko ang poging boses na galing sa mahal ko.

Agad na tumibok nang mabilis ang puso ko. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa kaba o dahil kay... dahil kay babes.

Unti-unti akong lumingon...

"May flying spag—"
"Laos na 'yan."

Ajujuju kanina ko lang ginamit laos agad. Grabe.

"Sinabi sa'kin ni Pia na..."

Tangina Pia. Ano bang plano mo sa'kin? Kung anu-anong pinagsasabi mo kay babes.

"Na?"
"Na... hindi mo kayang mabuhay ng walang pagkain. At sa case na 'to... I know that you'll sneak on midnight to get foods. So I've been waiting since 11pm here."

Hmp. Mas matagal naman akong naghintay kanina.

"Kakain muna ako."

Wala akong pake kung nahuli n'ya akong suot 'yung brief n'ya. Nakita na rin naman ako kaya kakain na ako. Gutom na talaga 'yung alaga ko. Ajujujuju.

Sorry baby, ha? Ginutom kita. Si Pia kasi ehh.

Kumuha na ako ng kanin saka ininit sa microwave 'yung ulam. Naglalaway na ako. Tanginaaaa.

Feel at home din ako rito e. Hahahha

Nung mainit na, kumain na agad ako. Sunod-sunod 'yung subo ko kasi gutom na talaga ako. Asar lang.

"Woah. Hinay-hinay," sabi ni Keanu sabay nag-abot ng tubig.
"Eh sa gutom ako eh. Imagine? Nagtago ako sa kwarto ko ng ilang oras at walang kain. Para akong drug pusher na wanted," sabi ko kahit may laman bibig ko. May tumatalsik pa nga na kanin eh.

Turn off na kung turn off. Wala nang mas nakakahiya sa ginawa ko kanina. Putangshet talaga.

"Sino ba kasing—" Binato ko s'ya ng kutsara sa mukha. Derecho sa noo n'ya.
"Ituloy mo 'yan at kutsilyo ang tatarak sa noo mo."

Tumawa s'ya nang tumawa.

"Okay I'll save it later. We'll talk."

Napa-lunok ako sa sinabi n'ya. Paano ako tatakaaaasss???

*****

"BUSOOOOOGGGGG!!!!" sabi ko sabay taas ng kamay.. Pero masakit tyan ko. Nalipasan kasi ng gutom ehh!!!

"Mag-uusap na ba tayo?" tanong ko. 'Di na ako tatakas. Ayoko nang matakot lumabas bukas eh. Bahala na.
"Yeah."
"Now na?"
"Uhh huh."
"Mamaya na. Maglalabas ako ng hangin. If you know what I mean," sabi ko sabay tinaas-baba ang kilay ko.

Tumawa naman s'ya.

"Okay. 'Yan kasi. Lamon nang lamon."
"Eh sa gutom ako eh!" sabi ko saka dumapa sa sofa.

"Layas dito. 'Di ko na kakayanin ang kahihiyan na nangyari at ayoko nang dagdagan."
"Nahh..."
"Layas. Shoo."
"Ayaw."
"Bahala ka d'yan," sabi ko saka nagpakawala ng hangin. 'Yung malakas at mahaba.

"Oops. I farted," natatawa kong sabi sa kan'ya.
"Ang baho Zia," sabi n'ya sabay takip ng ilong gamit ang index finger.
"Asa ka. Hangin lang 'yan. Walang amoy 'yan."

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon