Chapter Forty Eight
Shookt ako kasi hinila ako ni Kevin... though hindi sa pagmamaganda e baka galit s'ya sa kuya n'ya.
HALA. OO NGA 'NO??? WHAT IF I'VE CAUSED A FEUD BETWEEN THEM???
"Kevin?"
Naglalakad kami ngayon. Wandering aimlessly. Para siguro malayo lang kay Keanu at dun sa magandang babae na kasama n'ya.
"O?"
"Galit ka sa kuya mo?"Matagal bago s'ya sumagot.
"Nah. I shouldn't ruin our family because you fell in love with him and he rejected you. Call me selfish but I was happy when he did that to you. Ibig sabihin kasi e may chance ako sa'yo. 'Yun nga lang nasaktan ka, at ayokong mangyari 'yun."
S P E E C H L E S S na naman si ate mo girl. Huhu. Pag sinabi kaya 'yan ni Keanu ano gagawin ko? Shoot! Nooooo Zia. Dapat hindi mo na s'ya isipin.
"A-ah."
Naglalakad na lang kami. Hindi na nya ako hinihila na parang nagmamadali 'di tulad kanina.
"Kevin?"
"Hmmm?"
"Sino 'yung kasama ni Keanu?"My voice almost cracked. Dakyu Keanu!!! Huhu. Bakit pangalan mo pa lang ang babanggitin ko e naiiyak na ako? 'Di ba pwedeng maka-move on agad ako?
"She... she's not important don't mind her," mabilis n'yang sagot sa akin.
"Siya si Allison, 'no?" I asked. No. Hindi pala nagtatanong. More like nag-coconfirm.At parang alam ko na ang sagot bago pa man s'ya um-oo.
So ibig sabihin okay na sila? Nice.
I'm happy for them, really. Hehe.
He stopped midway. Hinarap ako at pinitik 'yung noo ko. Huhuhu. Aray ha??
"Para sa taong slow, ang sharp mo."
"Bad."
"Edi... para sa taong na-reject napaka-masokista mo." Nginitian n'ya ako "Don't worry, I'll try to heal your broken heart if you'd allow me."*****
Nandito kami sa kotse n'ya.
And I'm sure as hell na hindi eto ang daan pauwi.
Bakit?? Kasi dumaan kami ng SLEX.
HINDI KAILANGAN DUMAAN MG SLEX PARA MAKAUWI SA AMIN HUHUHU.
ITATANAN N'YA NA BA AKO?? HINDI PA KAMI AH? HUHU AT SAKA 'DI BA ANG PAGTATANAN GUSTO NG BOTH PARTIES??
EDI KIDNAPPING 'TO??????? HUHU KEVIN JUSQ TAKSIL KA. AKALA KO KAIBIGAN KITA PA-MAHAL KITA MAHAL KITA KA PA D'YAN TAPOS YUN PALA KAYA MAHAL AKO KASI LITERAL. IBEBENTA PALA ANG LAMAN LOOB KO HUHU INAAAAYYYYY!!!
At saka akala ko white na van 'yung nangunguha ng bata—teka di naman ako bata a???
Inaaaaayyy huhu.
"Zia," bigla n'yang tawag sa akin!! Homayghad.
"K-Kevin?"
"In case you're wondering, pupunta tayong Bicol."HAAAAAA???????
"Bicol?"
"Yep."
"Bakit??"Akala ko talaga kikidnapin n'ya ako e. Hehehe.
"Just because."
BAKIT ANG HILIG NILA MAG-JUST BECAUSE?
"Teka paano damit ko??? Naka-pajama pa rin ako till now tapos 'di pa ako naliligo huhu. Init-init kaya."
"Oo nga 'no? Mag-stop na lang tayo at some mall mamaya para makabili ng damit mo."
"Paano si inay??? Mahal ang damit sa SM huhu ukay-ukay na lang. Wala na ako pera, e."
"Ako na magpapaalam kay tita. Wag ka rin mag-alala kasi ako naman gagastos for this whole trip."
"Hala s'ya! Wag na. Ano... basta sa ukay-ukay tayo maliban sa undies kasi yak naman kung gagamitin ko 'yung undies na ginamit na ng iba."
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...