Thirty One

1.3K 60 6
                                    

Chapter Thirty One

Neko's note: told ya guys mahaba pa to. HAHAHAHA. still a long way to go :D

——————

I tried so hard to fall asleep but my mind is still awake.

Wondering why I did that? Last night na kasi. Naisip ko na mas okay na umamin ngayon kaysa patagalin pa kasi at least magmo-move on ako agad... 'di ba?

Kaya ko!

KAYA KO!

KAYA KO 'TO!!!

Pero agad akong napahagulgol. Hindi ko alam. Aware naman ako na ire-reject n'ya 'ko pero bakit ang sakit pa rin? Kahit na anong pilit ko sa sarili ko na 'wag umiyak e ganun pa rin.

Ang bigat sa dibdib. Gustuhin ko man na maging masaya. Hindi ko kaya.

Ganito pala 'yun. Gusto mo lang umiyak nang umiyak. Ang sakit ma-reject kahit ine-expect mo na.

Bat kasi ako na-fall? Bat kasi ako umasa na mala-wattpad ang storya ko? Bakit ba... bakit ba hindi sumagi sa isip ko na fiction 'yun at dapat ko nang tigilan ang pag-iisip na may pag-asa ako sa kan'ya.

Keanu... bakit ba kasi mahal kita? Ang hirap. Ang sakit. Gusto kong itigil 'tong nararamdaman ko sa'yo pero bakit hindi ko kaya? Bakit ikaw pa na nakakita na bukas 'yung zipper ko? Bakit ba kasi ako nagpadala sa'yo?

*****

Tinext ko na lang si Krista sa kung anong nangyari. Sinubukan kong matulog. Wala akong mapapala sa kakaiyak. Mas kelangan kong matulog! Si Keanu lang 'yan. Mapapalitan din 'yan. Maganda ako! Sexy! Matalino pero slow. Sabi ni inay 'yan.

Ilang oras na akong papalit-palit ng posisyon para subukang matulog pero walang effect. Alas-siete pa lang. No choice.

Tumayo na ako at kumuha ng damit. Naligo nang mabilis. Nagbihis. Inayos 'yung mga gamit ko para aalis na lang mamaya.

Iniwan ko 'yung cellphone ko, kinuha ko 'yung wallet ko. Shet buti na lang mahilig manlibre 'yung magkapatid kaya halos wala akong nagastos.

Isa sa good things kaya lab ko rin dito.

Binuksan ko nang unti-unti 'yung pinto. Lumingon-lingon sa paligid.

Clear.

Kaswal akong lumabas at naglakad pababa. Lumabas ng bahay at umalis..

Now what to do?

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naglakad na lang muna ako palabas ng village namin. Buti na lang talaga late sila nagigising pati si Krista..

Tulog na kaya si Keanu? Ano kayang iniisip n'ya? natulog na kaya s'ya pagkatapos 'nun'?

Agad akong napatigil sa paglalakad nang maalala ko na ginawa ko 'yun'.

SHET.

ZIANDRINA CORTEZ. MALANDI KA ANONG NANGYARI BA'T MO PALA HINALIKAN SI KEANU?!?! Ang kapal pa ng mukha mo na sabihin na 'at least nahalikan kita'. Jusko walang hiya ka Zia. Anong ginagawa mo sa buhay mo?!?!

Halos gumulong-gulong ako sa kalsada dahil sa hiya. Bakit ko ba ginawa yun?! Lalo tuloy akong nahiya. Zia ambubu mooooo!! Tinatakwil ko na ang sarili ko. Huhu.

Napasigaw ako sa hiya. Kaya nagtinginan yung mga passersby. Nahiya na naman ako kaya dali-dali na lang akong naglakad papuntang 711 para bumili ng kape kasi 'di pa ko natutulog.

Tumambay na lang muna ako dun habang iniisip kung saan ako magpapalipas ng oras.

Alam ko na. Agad kong inubos 'yung kape at agad na sumakay sa jeep papuntang terminal ng bus.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon