Chapter Sixty Three
09123456789
01:05
Zia, it's Ali. I want to talk to you. Pwede ka ba lumabas?
Zia:
Tawag ka na lang. Balance na lang 'to.
Nagtataka akong hinintay ang tawag n'ya. Bakit n'ya ako kakausapin? Anong meron?
Maya-maya ay may tumawag sa akin kaya sinagot ko 'yun.
Agad kong narinig na may humihikbi sa kabilang linya. It gave shivers down to my spine. Ang sakit pakinggan ng mga hikbi n'ya.
"Allison??!??!! Why are you crying??" nagpa-panic kong tanong sa kan'ya. Suminghot pa s'ya bago sumagot.
"I... I wanna talk to you in person, pwede ba?"
"Wait me sa labas," dali-dali kong sabi saka binaba ang tawag. Nagsuot ako ng jacket at dahan-dahang lumabas. Buti na lang tulog na ata sila inay at itay. Si Pia hindi ko alam. Sinubukan kong hindi makagawa ng tunog paglabas at mabuti na lang e nakisama ang katawan ko at iniwasan ang pagiging clumsy kaya naman nakalabas din ako agad.
Nang nakalabas ako e nakita ko si Allison na nakaupo sa gilid ng kalsada. Sa tapat ng gate nila Kevin. Nakadukmo 'yung mukha n'ya sa mga tuhod n'ya. Tumataas baba pa ang mga balikat n'ya kasabay ng paghikbi n'ya. Umupo ako sa harap n'ya kaya nag-angat s'ya ng tingin.
I swear to God. I saw a goddess. Yung mukha n'ya ang amo-amo. Basa pa ang mga pisngi at mga mata n'ya. Nakadagdag sa ganda n'ya ang mga luha na pinakawalan ng mga mata n'ya.
"Zia!!!!" sigaw n'ya saka niyakap ako. "It hurts. It fucking hurts, Zia. I want to kill myself. I hate my life. I fucking hate what's happening in my life. I wanna end it all. I don't wanna feel any pain anymore," humihikbi n'yang sabi sa akin. Sa bawat bitiw n'ya ng salita ay ramdam na ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan n'ya. Ramdam ko ang pagkadurog at pagkahulog ng puso ko sa bawat hikbing pinakakawalan n'ya.
Wala akong nagawa kundi yakapin at himasin ang likod n'ya while whispering 'Everything will be alright' though I don't know if it will ever be.
Niyaya n'ya ako pumunta sa 711. Hindi n'ya alintana ang kalaliman ng gabi. Ako rin, walang pake. I'll kick their balls once pakialaman nila si Allison.
Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi na s'ya umiiyak pero namumula pa rin ang mga mata n'ya.
"Zia..." pagbasag n'ya sa katahimikang namamayani sa aming dalawa. Ngumiti s'ya nung nilingon ko s'ya. Ngiting hindi ko alam kung may sinsiredad nga ba o tulad ko rin s'yang ngumingiti para itago na masakit na ang lahat. Tinitigan ko s'ya sa mata.
'Eyes are the window of the soul' indeed. Kahit na nakangiti s'ya e trinaydor s'ya ng mga mata n'ya na pinakikita na nasasaktan s'ya.
"Alam ko na. Una pa lang alam ko na." Nakatingin pa rin s'ya sa akin habang nakangiti kaya napaiwas ako ng tingin. Ang sakit tingnan ng mata n'ya. Hindi ko kayang tagalan.
"H-huh? Ang ano?"
"Hindi na ako mahal ni Keanu," diretso n'yang sagot sa akin kaya napahinto ako. Nakangiti pa rin s'ya na parang walang pinoproblema kung hindi lang dahil sa mata n'ya e maloloko ka n'ya.
Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang sumagot kasi baka mapalala ko ang sakit na nararamdaman n'ya kaya nanatili akong tahimik.
"Nung nakita n'ya ako, hinalikan n'ya ako pero iba na, e. Hindi na tulad ng dati. Nakatingin s'ya sa akin pero patay ang mga mata n'ya. Zia, kung paano s'ya tumitig sa'yo gano'n na gano'n s'ya tumingin sa akin dati."
"Baka mali ka lang," pagpupumilit ko kahit na alam ko na maaaring totoo 'yang sinasabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
Roman d'amourZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...
