Forty Seven

1.2K 49 8
                                    

Neko's note: Sa lahat ng feedback, salamat guys. Love you all whether you ship #Zianu or #KeRina 💕

Chapter Forty Seven

Nagising ako. Katabi ko si Krista sa kama. Natutulog din s'ya. Hindi ko na maalala kung anong oras na kami nakatulog kagabi. Hindi naman kami nagpakalasing kagabi kasi hindi naman nakakalasing 'yung beer kasi konti lang ininom namin hehe. Nagkwentuhan lang kami about random things. Pero bukod dun, wala na. Walang Keanu at Kevin. Saglit naming kinalimutan ang magkapatid na sumisira sa mundo namin.

Sumisira nga ba?

Napatitig ako sa kisame n'ya. Why don't I give Kevin a chance? Hindi ko kayang makasakit, e. Hindi ko kakayanin na masaktan si Krista dahil sa akin.

I know that Krista's hurting inside. Kailangan n'ya lang magpakatatag. Bakit hindi na lang kasi kami mahalin ng mga taong mahal namin? Ez diba? Tapos na sana diba?

Kaso dakyu tadhana. Bakit kailangan mo pa kaming pahirapan bago maging masaya? Bakit hindi na lang natin putulin at i-fast forward 'yung process sa okay na lang lahat. Happy ending na.

Sabagay, paano ko maa-appreciate ang happy things kung walang sad things? Kaso parang sobra naman ang sad things. Kasi sunod-sunod, e. Hahaha.

Tumunog ang cellphone ko... ingay naman. Baka si inay 'to. Wala namang tumatawag sakin bukod kay inay, e.

Without looking at the screen sinagot ko 'yun.

"Nay?" kaswal na tanong ko.
"Uhm... ano... Zia?"

Napatingin ako sa caller ID.

Pucha. Biglang may sumulpot na drums sa puso ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kaba at gulat!!!! Gago!!!!! Ambilis ko naman dapat harapin si Kevin?

Uhm hinaharap ko ba s'ya? Hehe. Magkatawagan lang kami, e.

Enough sa jokes!!

"Uhm... hehe. Uy. Kevin."

OBVIOUS BA NA AWKWARD? SYEMPRE AWKWARD. BOBO KA BA ZIA???!

BAKIT KO BA SINISIGAWAN UTAK KO???? AY EWAN KO BA. KINAKABAHAN AKO, E.

"Ano... nag-lunch ka na ba?"

"Kevin!! Let's go eat," I heard an unfamiliar voice.

Lunch na pala? Lol.

"Shit. Wait lang, Zia."

The line went silent. Then after 10 seconds narinig ko na ulit s'ya.

"Sino 'yun?" I asked. La lang curious ako. Ang ganda at sweet ng boses e parang ang ganda ng may-ari. Hehe.
"Nevermind that person, she's not important," sabi n'ya. "Anyway, nag-lunch ka na ba?"
"Hindi... kagigising ko lang. Ikaw?" Napadapa ako. Gumalaw si Krista. Akala ko nagising.
"Hindi pa. Sabay tayo?"

HAAAAAAAAA???????

"Ha?"
"Punta ako sa inyo."
"Wag! Ay... uhm."
"Ah? Sige." Dinig ko 'yung lungkot sa boses n'ya! Naiimagine kong nakatingin s'ya sa baba tapos sobrang lungkot ng mukha n'ya! Dak that's cute.
"I... what I mean is nakila Krista ako."
"Okay. On the way." Bigla n'yang binaba ang tawag.

WHAAAAAAAT?????

NAPATALON AKO SA KAMA BIGLA AT GINISING SI KRISTA. Kinusot n'ya pa ang mga mata n'ya.

"KRISTA??!!!!" sigaw ko.
"Bey? Bakit????"
"Tumawag si Kevin. Pupunta raw s'ya rito."

Kumunot ang noo n'ya saka tumawa. Bumalik s'ya sa pagkakahiga.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon