Neko's note: chapter 60 na tayo. Ano nang ganap? HAHAHAHA. La lang, hello senyo. Salamat sa support guys! Pasensya na sa hindi pag-ud. I don't really feel okay, e :(((
Chapter Sixty
Napabalikwas ako ng bangon at napasapo ng noo ko. Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Napapikit ako nang mariin.
Tangina.
Am I just dreaming?
Is that just a dream??
Walang fairy lights at mga pictures sa kwarto ko. Panaginip lang ata talaga 'yun. 'Yung akala ko may surprise sa akin si Kevin. Ang naaalala ko lang e nagpasalamat ako then blackout.
Mukhang panaginip nga lang talaga.
Napahiga na lang ulit ako. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ang sakit mag-expect, e. Lalo pa't napanaginipan ko. Ang detailed pa ng mga naaalala ko kaya parang totoo. Kaso wala namang fairylights at pictures sa kwarto ko so how come na totoo?
Hay nako Zia. Hindi ka na talaga natuto. Masama ngang mag-assume 'di ba?
Pero... masama nga ba lalo na at sobrang sweet ni Kevin kaya gumawa ang subconscious mind ko ng senaryo na gusto kong gawin n'ya?
Ang sagot?
Oo.
Masamang mag-assume.
Ganito nga pala kasakit mag-assume.
Dak myself.
Bakit ko ba 'to ginagawa kahit na alam kong masasaktan naman ako? Gano'n ba ako kasadista?
Putang shet na life 'to. Kailangan ba talagang masaktan after mo magsaya?
Kahit na sa panaginip lang 'yun?
Hindi ko na pinigilan ang mga luha at hikbi na gusto kong pakawalan. Mababaw na kung mababaw, kaso kasi ang sakit, e. Wala naman akong ibang masisi kung hindi ang sarili ko kasi assume din ako nang assume.
Naramdaman kong may umupo sa kama ko. Ni hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng pinto. Minumulto na ba ako? Wala man lang akong naramdaman na kahit na katiting na takot. Kunin na ako ni Shomba o ni Anabelle? Wala na akong pakialam.
"Tapos ka na mag-emote?" Narinig ko ang malamig na boses ni Sui kaya naman napalingon ako. Oo. Wala s'yang emosyon at nakatitig lang s'ya sa akin. Looking at her now? Pwede na s'yang pumasa as murderer dahil sa matalim n'yang tingin by default.
"Layas," mahina kong utos sa kan'ya pero hindi talaga s'ya nagpatinag. Nakita ko pa na nag-roll eyes s'ya. Gusto ko sanang tusukin ang singkit n'yang mata kaso baka tanggalan naman n'ya ako ng daliri. 'Wag na lang.
"Musta ka naman?" kaswal na tanong n'ya sa akin.
"K lang."
"Happy birthday."Tumango na lang ako bilang sagot sa kan'ya. Muli akong dumapa kasi ayokong makita ang mukha n'ya. Naaalala ko kasi 'yung paglagay n'ya sa akin ng whipped cream kahit na sa panaginip lang 'yun. Narinig ko ang mahinang tawa n'ya na nakapagpataas ng balahibo ko sa katawan ko. Alam n'yo 'yun? 'Yung biglang tumatawa kahit wala namang nakakatawa? Syempre, nakakatakot 'yun. Gusto ko sanang lumayo kasi baka bigla n'ya akong saksakin sa mismong birthday ko kaso baka lalo n'ya akong saktan. Si Sui pa naman ang lakas ng abnormality cells sa katawan.
Nakarinig ako ng tunog sa bintana ko na parang may bumabato rito. Humagikhik lang si Sui. Gusto ko man s'yang sapakin e hindi ko magawa.
"Tingnan mo na, baka delivery 'yan," utos n'ya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/138376227-288-k656663.jpg)
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomansaZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...