Neko's note: finally. Zia's point of view. Hahahaha feeling ko I'm back home hahaha 'di ko kinakaya 'yung pov ni Keanu feeling ko 'di ko mabigyan ng hustisya. Hahaha enjoy guys.
Chapter Fifty Four
Sinubukan kong pigilan at punasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko. 'Yun nga lang, traydor sila. Hindi marunong makinig sa akin. Kahit anong punas ko, ayun nag-uunahan pa rin sila sa paglabas. At ayoko nun.
Ako naka-realize na I have to let Keanu go, 'di ba? Kahit na... kahit na anlaki ng posibilidad na mahal na rin n'ya ako. Pero kahit ano'ng mangyari, mas mahalaga si Allison sa nararamdaman kong sakit. Nakaukit na sa pagkatao n'ya 'yung nangyari. Ako? Kaya ko namang kalimutan si Keanu nang basta.
Joke. Basta? Joke ka ba, Zia? Putang shet. Dakyu. Dak the world. Dakyu destiny.
I smiled bitterly.
Hindi pa nga tayo nag-uumpisa Keanu, natapos na kaagad.
Napaupo ako sa harap ng gate namin at dun umiyak nang umiyak. Hanggang sa akala ko wala nang mailuluha pa ang mga mata ko.
"Zia? Are you okay?"
That familiar voice. I heard that familiar voice. Pinunasan ko muna ang ilong ko bago tumingala sa taong pinanggagalingan ng boses na 'yun.
Allison.
Parang lumiliwanag ang mukha n'ya. Nakangiti s'ya sa akin na parang walang pasan na problema.
"Zia? Why are you crying???"
The moment I see her nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko.
Hahaha ay? Akala ko ubos na 'to? Hahahahahaha???
"Ah... hahahaha. Ano kasi Allison..."
Hindi ko kasi kayang magalit sa'yo. Sa halip, naaawa ako sa pinagdaanan mo.
"Hush Zia, I'm here," sabi n'ya saka umupo at niyakap ako. Tangina. Nagi-guilty ako! Kung alam ko lang na gano'n pala sana hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko kay Keanu. Kasi 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon? Sa puso lang 'to, e. Siya? Buong pagkatao ang natapakan at nasasaktan. Hindi lang pisikal kasi pati emosyonal at mental n'ya e binasag at dinurog.
"Hahaha... ano kasi Allison. May nakita akong nag-away na couple kanina... uhm... ayun nag-break sila. Naiyak ako sa eksena, e," pagsisinungaling ko kahit na wala namang sense 'yung sinasabi ko. Kapag ako sinabihan ng ganitong rason tatawanan ko, e. Hindi ko paniniwalaan.
Sa totoo lang, kapag may nag-away sa harap ko, tatawanan ko sila imbes na iyakan.
She just tapped my back na parang pinapatahan ako. Little did she know na isa s'ya sa rason kung bakit ako umiiyak, hindi dahil ipinilit ko si Keanu... kung hindi dahil sa naranasan n'ya. Pero siguro parte na rin ng sakit ng nararanasan ko 'yung panghihinayang sa'min ni Keanu... sana. Sana.
I admire her. I really do.
"Nagpaalam na ako kila tita. Dun tayo mag-girls' night out sa guest room sa kanila!" she enthusiastically said.
Kung alam n'ya kaya ang rason kung bakit ako umiiyak ngayon baka hindi s'ya gan'yan kasaya.
Pinakalma n'ya muna ako saka kami pumunta kila Keanu. Grabe tanggap na tanggap talaga s'ya. Ang easy lang na makipag-usap kila tita. Ako kaya? Kung naging kami?
Gusto ko tumawa nang mapakla kasi alam ko namang kahit na bali-baliktarin ang mundo e imposible 'tong hinahangad ko.
Kay Kevin... posible pa.
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...