Chapter Fifty Eight
I had urge to kiss him but I didn't. Instead, I smiled back and enjoyed the moment with him. Hindi naman palaging mangyayari na makakasayaw ka with fireflies around you 'di ba?
Eventually pinakawalan din namin sila through opening the windows and door kasi nga papatayin daw kami ni Sui once na may mamatay kahit na isa dun. Sui really cares for nature daw kasi sabi ni Kevin.
He held my pinky finger and I smiled. Niyaya n'ya ako na lumabas. Hindi bale nang madaling araw na. I'm with Kevin so I felt really safe. Full moon pala ngayon and andaming stars sa langit. Naglalakad kami sa dalampasigan nun. Walang katao-tao at parang sa amin lang ang mundo ngayon. Dinig mo ang mga alon na ansarap pakinggan. Walang nagsasalita sa amin pero ayos lang cause his presence is more than enough to fill this void.
Do we look like a couple? Maybe.
"'Yung girl kanina..."
"Hmm?" Napatingin s'ya sa akin nung binasag ko ang katahimikan.
"Ang ganda n'ya 'no?" I can't help but feel insecure. Kapag itinabi ako sa kan'ya walang-wala ako kasi ang ganda n'ya talaga. Pwede na s'yang pumasa as dyosa tapos isang hamak na mortal lang ako.I just heard him chuckle.
"Yeah she is," pag-agree n'ya kaya nanlumo ako. Bakit ba ganito reaction ko? Bakit... bakit gusto kong sabihin n'ya na mas ako? Ang arte ha?! Sabagay, ako naman nagsimula. Pero bakit ganun, gusto ko na naman i-kamehame si gorgeous girl? Naaasar ako! Gusto ko ako lang-ano ba 'yan! Napaka-arte ko naman. Wala naman akong karapatan 'di ba? "But you're prettiest, mahal ko. 'Wag ka mag-alala sa'yo lang ako titingin."
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi n'ya. Napangiti. Bakit kahit ang cheesy neto ni Kevin e kinikilig ako imbes na ibato ko s'ya sa dagat?
"Talaga?" parang bata kong sabi.
"Yep. Sa'yo nga lang ako 'di ba? Kahit gaano pa kadami 'yang magagandang babae na nasa paligid sa'yo at sa'yo lang ako titingin. Ikaw 'yung mahal ko, e. Saka na ako titingin kapag si Zia na sila."Napatungo ako. Lalong lumawak 'yung ngiti ko. Parang kapag kasama ko si Kevin hindi magiging normal ang pagtibok ng puso ko. Ih keshe nemen Kevin bakit ka gan'yan? Anlandi-landi mo!
"Kanina..." Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Gusto kong balatan ng buhay si gorgeous girl lalo na nung hinawakan ka n'ya."
Si Kevin naman ang napatigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. Napatungo ako pero inangat n'ya 'yung ulo ko.
TEKA NAKANGITI S'YA BAKIT S'YA NAKANGITI? Bakit ba ngiti nang ngiti 'to si Kevin?
"Really?"
"Bakit nakangiti ka? Bad nga 'yun 'di ba?"
"Just because," he said then naglakad ulit.
"Bakit nga?"Sapat na ang liwanag ng buwan at ng mga bituin para makita namin ang paligid at ang isa't isa.
Ngumiti ulit s'ya nang malapad. 'Yung liwanag ng buwan e nagre-reflect sa mata n'ya at sobrang ganda tingnan nun. I read that moonlight makes you look sad but from what I see, I can say that he is far from being sad. Gusto ko s'yang ipa-frame ngayon na para lang titigan s'ya nang buong araw.
"Kasi nagseselos ka."
"Haaaa? Ako nagseselos? Hindi, a," pagdedepensa ko. Pinisil n'ya 'yung ilong ko kaya tiningnan ko s'ya nang matalim.
"O sige, hindi na."Nagseselos nga ba talaga ako nun?
"You know Zia." Napalingon ako sa kan'ya nun. "I love you and all your insecurities. Kahit gaano pa kabrutal 'yang iniisip mo e ayos lang kasi alam kong hindi mo gagawin 'yun. You'll never hurt someone, right? Isa 'yan sa mga dahilan kaya minahal kita. All these years hindi ka pa rin nagbago."
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
Storie d'amoreZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...