Sixty Two

1K 38 1
                                        

Chapter Sixty Two

Palagi kaming magkasama ni Kevin at ni minsan ay hindi ako naumay sa kan'ya. Sa totoo lang, hindi ako sanay na wala 'yung presensya n'ya sa tabi ko, e. Pakiramdam ko kulang ako kapag wala s'ya.

Napailing ako dahil sa iniisip ko. Para naman akong head over heels kay Kevin.

'Hindi nga ba?'

Sumingit na naman 'yung isang parte sa isip ko. Tsk. Bakit ko pa nga ba ipagkakaila e totoo naman na mahal na mahal ko 'yung corny na 'yun. Buti nga na-realize kong mahal ko na pala s'ya, edi confused pa rin ako kay Keanu ngayon.

Nga pala, 'yung corny na sinasabi ko ay nasa harap ko ngayon.

Nasa cafe kami ngayon. 'Yung favorite n'ya. Remember Jennie? She's still working here. Tuwang-tuwa nga s'ya na naging kami na raw at last. Syempre ako rin. Hihi.

Ay nako Zia. Ang landi ha?

Never namin napag-usapan si Keanu at si Allison. Iniiwasan ko rin, mukha namang s'ya rin kaya hindi naging mahirap na hindi sila gawing topic.

Krista is really okay sa amin. Wala na raw talaga 'yung love kahit na anong gawin n'ya. Sabagay, si Eric din kasi and'yan para pasayahin s'ya. Masaya na ako sa kanilang dalawa, sobra. Hindi nga lang kami nagkakasama these days kasi nagta-travel goals silang dalawa. Ewan ko ba kung sila na wala namang sinasabi si Krista sa akin. Though, syempre I know na sasabihan naman n'ya ako kaagad kung ano na bang nangyayari sa kanila. All I know is in denial si Krista sa kung ano mang nararamdaman n'ya.

"Tulala ka mahal, ano ka na d'yan?" biglang sabi ni Kevin habang tinatapik-tapik pa ang mga pisngi ko.
"Dakyu," sagot ko na lang sa kan'ya.
"Pasukan n'yo na two weeks from now, mami-miss kita."
"Pwede ka naman pumunta sa school namin, a?" Napakunot tuloy ang noo ko. Abnormal ba s'ya?
"E baka sabihin na tirador ka ng grade 12, e." Napa-pout pa si Kevin dahil dun. Pinisil ko ang ilong n'ya. Ang cute n'ya kasi.
"Tange, pakialam ko sa kanila. Mainggit sila kasi jowa kita." Totoo naman, e. Isang taon lang naman tanda ko sa kan'ya 'di ba? At saka wala naman akong pakialam sa kanila. Hindi ko sila vibes, e.

Napaisip si Kevin dun saka tumango-tango.

"Babe tara sa amusement park," biglang sabi ni Kevin saka tumayo.
"Ah? Okay." Tumayo na rin ako. Inabot sa akin ni Kevin 'yung kamay n'ya kaya hinawakan ko 'yun.

Everything really feels natural. Hindi talaga ako nakakaramdam ng hiya or awkwardness kapag si Kevin kasama ko. Feels great, man. ;)

Nasanay na lang ako sa random na pagyaya sa akin ni Kevin sa kung saan-saan. He knows many places, e. Hindi naman kasi talaga s'ya nagpa-plano. Whatever comes to our mind, ginagawa namin.

Nagpaalam na kami kay Jennie saka lumabas. Nag-drive si Kevin as usual. Gusto n'ya nga ako turuan kaso sabi ko 'wag na. Baka magasgasan ko pa, wala akong maipampaayos.

Natulog lang ako habang nasa byahe at ginising na lang ako ni Kevin nung nandun na kami. I smiled. Tangina, kung s'ya ba naman bubungad sa akin sa tuwing gigising ako nang maaga, why not??

"Roller coaster mahal!" yaya ko pagtapos namin bumili ng ticket.
"D'yan agad?!"
"Ayyy chicken ang bebe ko. Takot ka pa rin?" pang-aasar ko sa kan'ya. Nung una kasi naming punta sumuka s'ya nang sumuka pagtapos namin sumakay.

Natawa ako nang hilahin n'ya ako papuntang roller coaster. Hahaha ayaw pa kasi aminin.

"Hindi ko kasalanan kapag nagsuka ka ulit, ha?" I said teasing him more.
"Susukahan kita," bawi n'ya sa akin. Tinaas ko ang hinlalato ko.
"Dakyu. Susukahan kita pabalik."

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon