Chapter Forty Three
Nakatitig lang ako sa kisame ko habang nakahiga sa kama. Wala pa akong nasasabihan. Iniisip ko pa nga lang namumula na ako, e. What more kung sinasabi ko na 'di ba? Baka mamaya palitan ko na ang kamatis sa sobrang pula. Baka mag-collapse ako sa kilig at akalain nilang sinapian na ako. O kaya baka dalhin na ako sa ospital sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Heart attack?! Noooooooo!! Hindi pa ako pwedeng mamatay kasi pakakasalan ko pa si Keanu babes tapos magha-honey—napatili ako sa pinag-iiisip ko! Jusko Ziandrina Cortez! Kung anu-ano pumapasok sa isipan mo! Nakilala mo lang si Keanu naging gan'yan ka na.
Niyakap ko 'yung unan ko saka impit na tumili.
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko at sa sobrang hyper ko e nalaglag ako sa kama.
"PUTANGSHET NAMAN!!!!" sigaw ko saka hinawakan 'yung likod ko kasi nga masakit.
Masakit 'yun ha? Pero parang walang makakapigil sa akin ngayon. Sobrang masaya ako!
Napasandal ako sa kama, napatingala sa kisame saka ngumiti.
Ihhh keshe nemen! Shi Keanu keshe e!
Parang kahit na anong mangyari sa akin ngayon okay lang basta hinalikan n'ya 'ko!!!!
Napatawa naman ako sa sarili ko.
Biglang bumukas 'yung pinto at ilaw.
"Should I call mental hospital? Mukhang dahil broken hearted ka e lumuwag lalo turnilyo mo."
Nginitian ko lang si Pia sa kabila ng mga sinabi n'ya.
Nag-thumbs up ako saka ngumiti nang malapad.
"I'm okaaaaayyy! Hihi."
Umiling s'ya saka pumasok sa kwarto ko.
"Hep! No trespassing."
Mukha naman s'yang walang pake saka s'ya umupo sa kama ko.
"Ang daya bakit mas malambot kama mo sa'kin?" naka-pout pa s'ya habang tumatalon nang mahina sa kama.
"Ako ate, e," sabi ko saka ngumiti nang napakalapad.Teka. Come to think of it.
"Ayieee. First time mo pumasok sa kwarto ko 'di ba? Yieee. Close na kami."
Agad na namula si Pia. HAHAHAHAHA. Cute.
"S-shut up." Ay wow. Hahaha acting like a tsundere. Wow naman.
"Tsundere ka pala, Pia?" patuloy na pang-aasar ko sa kan'ya. Hahaha. Minsan mo lang maaasar si Pia. Lubus-lubosin mo na."Fuck you. Anyway, okay ka lang?" Ang galing naman pala mag-change topic pero hinayaan ko na lang.
"Yup!" sabi ko saka ngumiti nang napakalapad sa kan'ya.
"Err... ang weird mo. Makalayas na nga. Baka kagatin mo pa ako tas mahawaan ako ng virus mo." Tumayo na s'ya tas naglakad papunta sa pinto pero bago s'ya lumabas ay huminto muna s'ya saka lumingon sa akin."I am always here, Zia. Katok ka lang okay?" pagkatapos n'ya sabihin 'yun ay dere-derecho na s'yang umalis. 'Di man lang ako nakasagot para asarin s'ya. Hahahaha.
Buti pinatay n'ya 'yung ilaw. Kung hindi s'ya papatayin ko. Hahaha.
Isa sa mga dahilan kaya masaya ako na tumira kami ng 2 weeks kila Keanu e dahil naging okay kami ni Pia. Parang in a snap e kinausap n'ya ako tas biglang boom! Close na kami. Para na kaming tunay na magkapatid unlike before na mas kapatid ko pa si Krista.
Napangiti ako. Sumandal ulit sa kama saka tumingala. Habit ko na 'to kasi may mga glow in the dark na stars sa kisame ko. Ang ganda lang nila tingnan.
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...