Chapter Fifty Six
May pasok bukas si itay at mag-iinuman sila ni Kevin?!?! Abnoy ba tatay ko? Pipigilan ko sana sila kaso naramdaman ko 'yung titig ni inay na sinasabi na 'Let them be'.
Baka mapaano pa si Kevin!!!
Huhu. Hinila naman ako ni Pia sa kwarto n'ya kasi sa sala iinom si itay at Kevin kasi bawal sa labas. Bawal uminom sa labas, e! #MabutingMamamayan
Nag-thumbs up pa si Pia kay Kevin bago pumasok. Mas gusto ko dun sa sala para mabantayan ko si Kevin kaso ayaw ni Pia.
"Bakit baaaa?!" asar na tanong ko. Mamaya kasi ibigti ni itay si Kevin dahil sa sinabi n'ya sa hapag kainan, e.
"Men's talk 'yun. 'Wag ka makiepal, may lawit ka ba, ha?!" sagot n'ya sa akin na may nanlilisik na mata.Inikot ko 'yung tingin ko sa kwarto n'ya. Actually first time kong makapasok dito kaya napangiti ako nang malapad. Hihi.
"Ano?!" asar na tanong n'ya sa akin
"Hindi ko ini-expect na makakapasok ako sa kwarto mo," nakangiti ko pang pang-aasar sa kan'ya. Nag-roll eyes lang s'ya saka nanahimik.Minsan talaga gusto ko malaman kung anong tumatakbo sa utak ng isang Sophia Cortez. Madalas kasi s'yang tahimik. Kung hindi lang naman dahil sa magkapatid at Sui e mukhang hindi talaga kami mag-uusap. Kahit na andaming masasakit na nangyari sa akin e ayos lang kasi there's always a good thing in a bad thing. Balanse. Kaya okay lang sa akin na masaktan ng ganito kung naging okay naman kami ni Pia.
Humiga ako sa kama n'ya. Hinayaan lang n'ya ako.
"So...?" tanong n'ya sa akin habang nakaupo sa kama n'ya. Hindi ko s'ya sinagot. Hindi ko naman alam ibig n'yang sabihin, e. "Anong nangyayari sa buhay mo ngayon?"
Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga. Ang lalim nun. Haha.
Hindi ko rin alam kung anong nangyayari. Andito lang naman ako. Sumasabay sa agos.
Nakarinig ako ng malakas na tawanan sa sala. Napatayo ako pero pinigilan ako ni Pia. E sa curious ako, e! Tinitigan lang n'ya ako, malamang hinihintay 'yung sagot ko. Bumuntong hininga ulit ako na parang hinugot ko pa sa impyerno saka humiga ulit.
"Hindi ko na alam, e. Sobrang gulo na."
"Go make chikka," sabi n'ya.
"Mahabang kwento," sagot ko na lang para matapos na saka dumapa ako at ibinuro ang mukha sa kama.
"Kuha lang ako ng popcorn para makapagsimula na si Lola Zia."
"Corny mo 'no?" asar na sagot ko sa kan'ya.
"Mana sa'yo, e. Go! Kwento na!" pagpipilit pa n'ya.Tsk. Wala nga ako sa mood, e. At saka sabi ko ayaw kong pag-usapan si Keanu pero wala, e. Nakita ko na lang ang sarili ko na nagku-kwento na ako kay Pia.
Ikinuwento ko sa kan'ya nang detalyado ang happenings. Mula sa pagyaya sa akin ni Allison, pagkita namin ni Keanu, paghalik n'ya sa akin, ang development namin overnight, ang dinner, pati na rin ang pag-usap namin ni Keanu. Hindi ko sinabi kung anong rason ni Allison kasi sobrang private at personal na nun at tingin ko naintindihan naman ni Pia. Nakikinig lang si Pia at ni minsan hindi in-interrupt 'yung pagkwento ko. Tumatango lang s'ya habang nagsasalita ako. Nanghingi rin ako ng sorry sa kan'ya kasi naglihim ako. Pakiramdam ko nalulunod ako sa dagat at may humihila sa akin pababa, pero nung sinabi ko kay Pia para akong unti-unting binibitawan ng bagay na 'yun. Sobrang saya sa pakiramdam na may masabihan ako nang hindi pinipigilan. Hindi rin ako inaway ni Pia tulad ng inaasahan ko.
"You're crying," ani Pia saka hinawakan ang pisngi ko. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko masabi kay Kevin kasi ayaw kong saktan s'ya dahil sa kagagahan ko.
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...