Fourteen

2.1K 88 6
                                    

Chapter Fourteen

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Iniisip yung napag-usapan namin ni Keanu. May first love na pala s'ya. Kaya pala ayaw n'ya umalis sa America.

Pero bakit parang ang sakit? Hindi parang... masakit talaga.

Dito sa dibdib ko. Bakit gan'to 'yung nararamdaman ko? Hindi ko dapat 'to maramdaman.

Napadapa ako. Kingina mo Keanu. Bakit nagiging gan'to ako?

Anong oras na pero parang sirang plaka na umuulit sa utak ko ang mga salitang binanggit n'ya.

Zia. Kumalma ka.

Hindi. Pinaasa n'ya ako eh. Tangina baka ganun kasi talaga s'ya? Pero tangna. Sino ba kasing hindi aasa sa mga pinapakita n'ya?

Pero tangina kasi eh. Isang araw pa lang Zia oh umaasa ka na dyan. Para kasing gago.

Umupo ako at inuntog ang ulo ko sa pader. Tanga ako. Tanga ako.

Humiga ulit ako. Tangina ano bang ginagawa ko sa utak ko? Bakit sinasaktan ko sarili ko physically??

Alas-dose na pero heto ako. 'Di makatulog. Dapat tulog na ako eh. Tuwing pinipikit ko ang mga mata ko nakikita ko ang mukha ni Keanu.

Gusto ko na ba s'ya?

Mukhang oo. Gusto ko na nga siguro s'ya.

Kahit pa na sobrang bilis ng nangyari. Alam ko sa sarili ko na gusto ko na s'ya.

Keanu. Bakit gan'yan? Tama na please.

Gusto na talaga kita.

*****

Pagbukas ko ng pinto ay nandun na agad si Keanu.

"Good morning Zia," bati n'ya sa akin nang nakangiti. Tumango lang ako at iniwas ang tingin.

Dumerecho agad ako sa banyo. At inuntog ulit 'yung ulo ko sa pader. Nababaliw na ako. Bakit ba ako nag-react ng ganun? OBVIOUS NA OBVIOUS, ZIA.

Naghilamos na ako at nag-toothbrush saka naligo. Baka umayos 'yung utak ko. Antok lang 'to. Kulang 'yung tulog ko eh.

Pagbukas ko ng pinto ng banyo nasa labas si Keanu. Tumibok agad ng mabilis 'yung puso ko. At may umiikot sa tyan ko. Napa-iling ako.

"Galit ka ba?"
"Huh? Baliw." sagot ko na lang saka bumalik sa kwarto ko.

Narealize ko na gusto ko pa lang naman s'ya. Mapipigilan ko pa 'to. At saka... ang plano ko naman talaga eh ang hindi sila kausapin sa buong pag-stay ko dito.

Kinuha ko na ang earphone kong sira para sa props pag nasa baba ako. Buti na lang talaga 'di ko 'to inalis sa bag ko. Buti na lang at etong bag 'yung dinala ko. Kung hindi ewan ko na.

Hindi na ako makatulog. Pero gusto kong matulog. Bababa na lang ako para kumain.

Isinaksak ko sa tenga ko 'yung earphone ko kahit walang tumutugtog saka ako lumabas ng pinto.

"Zia?"

Hindi ko s'ya naririnig.

May earphones ako.

La la la la la ~~

Nagpatuloy ako sa pagbaba kahit na nararamdaman ko na sumusunod sa akin si Keanu.

Pero wala akong pake.

Magpapanggap ako na wala akong pake.

Hanggang sa nakababa na ako. Wala pa si Krista. Anong oras pa lang ba? Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. Alas-otso pa lang. Maaga pa.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon