Thirty Four

1.3K 55 4
                                    

Neko's note: Dedicated to SikSy21 hehe if you'd notice she always comments "update na" 💕💕 thank you. ❤️

Chapter Thirty Four

Kevin's Point of View

"Ni-reject n'ya ako."

Nanahimik ako dahil sa narinig ko. Eto nga naman 'yung purpose ko rito 'di ba? Makinig sa kan'ya.

"'Di ko kasi napigilan Kevin, e. Dapat pinigilan ko na lang. Nagpabulag kasi ako, e. Dapat sinunod ko favor mo. Sana pinigil ko pa," she laughed, but not that happy of laugh... 'yung tawang pinipilit. Ganun, "sino ba naman kasing gagawa ng move nang 'di mo pa gaanong kilala 'yung tao? Tanga ka rin Zia, e."

Unti-unting tumulo 'yung luha n'ya.

"Ay. Akala ko ubos na to. Haha." Tumawa ulit sya. "Sorry. Hindi ko kasi mapigilan. Masakit pala talaga. haha." She keeps on trying to laugh even though her tears are falling down from her eyes. At masakit 'yun sa akin kasi nakikita ko mismo na nasasaktan s'ya. Kuya, bakit mo ba kasi sinaktan si Zia?

"Tangina naman kasi ni Keanu. Masyadong pa-fall. May kung anu-anong gimmick tapos may pers lab pala. hahaha. Baka tinatawanan ako nun, sinasabing 'Ay napaka-easy to get ni Zia. hahahaha'. Tangina Kevin 'pag sinabi n'ya 'yun 'wag mo na sabihin sakin? Baka mamatay ako sa hiya."

Nakatingin lang ako sa kan'ya. hindi sumasagot. Paano naman ako sasagot kung nasasaktan din akong nakikitang nasasaktan s'ya?

"Kaso Kevin kahit anong gawin ko mahal ko talaga sya e. Baka ginayuma ako nun." tumawa sya nang medyo awkward.. "mahal ko talaga, e. Kahit na ilang araw pa lang ang nakakalipas, mahal ko talaga 'yung kuya mo."

Haha. Tangina Zia. Nakakasakit ka na ha? Ilang beses mo bang papamukha sa akin na mahal mo si kuya?

Bakit ko ba kasi sya sinisisi e in the first place ako 'yung late... ako 'yung torpe. Ako 'yung nahiya. Dapat gumawa agad ako ng move.

"Sabagay, 'di nga naman kasi ako maganda." Hindi raw. Ganda mo nga e. "Iyakin pa ko, maingay, halos hindi kilos babae, ano nga namang pana!ma ko kay Allison? E malamang ang ganda ganda nun. Malamang kahit napaka-out of the blue n'ya e maganda s'ya at kakaiba. Ano nga namang panama ko?" sumisinghot pa na tanong n'ya.

"Maganda ka, Zia. Mas maganda ka kaysa kay Ali"

Natahimik s'ya kaya napatingin ako sa kanya. Gulat? Gulat ata.

Totoo naman e. Mas maganda s'ya kaysa kay Ali. Mas maganda pa attitude n'ya kaysa kay Ali kasi alam kong 'di n'ya sasaktan si kuya.

Nginitian ko s'ya.

"Maniwala ka sakin. Pihikan ako sa babae." Tumawa ako. Zia, hindi mo dapat sinasayang ang mga luha mo para sa ganung lalaki.

Pinunasan ko 'yung luha nya. Nagulat pa nga s'ya sa ginawa ko e kaya lalo akong natawa.

"Kantahan kita. Wait lang dala ko yung gitara e."
"'Wag na. Sayang energy."
"Nah. Wait mo lang ako."

Tumayo na ako saka tumakbo papuntang kotse. Putek, may hagdan nga pala.

"Para kay Zia!!" Sabi ko saka bumaba nang mabilis.

Pumunta na ako sa pinagpark-an ko saka kinuha ko 'yung gitara. Kumuha na rin ako ng tubig at saka chips.

Tumakbo ulit ako pabalik. Potek nakakapagod to. Pero para sa'yo Zia, gagawin ko 'to. Shet ang cheesy. Sa utak ka lang naman ganyan Kevin sa personal tameme ka. Psh.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon