Neko's note: Sobrang busy ni ate Neko nyo kaya pasensya na at ngayon lang huhuhu. Hope you enjoy this chapter.
Chapter Fifty Five
Napapikit ako at napatakip ng mga mata ko. Oh God. Ziandrina Cortez bakit pinapahiya mo nang bongga ang sarili mo?
Pinatay na ni Allison 'yung cellphone n'ya at ngumiti nang sobrang lapad na parang wala s'yang ginawang masama. Huhu. Bakit ba kasi mukha kang anghel?? Bakit ang pretty pretty mo at parang inosente ka?
Ramdam ko pa ring namumula ako dahil sa hiya at kilig na nagsabay. Dakshet. Huhu. Bakit naman kasi ganito ang buhay ko???
"U-uhm... I... I gotta go," sabi ko saka tumayo at nagmamadaling umalis pero bago ako makaalis nang tuluyan pinigilan ako ni Kevin sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.
Ducking tape, nakaramdam ako ng mahinang na boltahe na nanggagaling sa kan'ya at hindi ko maipagkakaila na gusto ko na ganito lang kami. Halos matampal ko 'yung sarili ko kasi feeling ko anlandi-landi ko kasi ganito nararamdaman ko.
"Gotta go!" narinig kong sabi ni Allison na hindi na namin pinansin ni Kevin.
"Zia..." mahinang tawag n'ya sa akin. Ramdam ko na may gusto s'yang sabihin. Siguro ako rin meron pero hindi ko alam. Baka kasi nabibigla lang ako sa sumisibol na nararamdaman ko kay Kevin.
Naramdaman ko na lang na ikinulong n'ya ako sa mga bisig n'ya. Tangina. Ramdam kong nag-alboroto 'yung puso ko na parang may sasabog dun. Ramdam ko pa rin ang comfort sa yakap n'ya. Kahit na mainit na ang mukha ko sa sobrang pamumula at nagwawala ang puso ko pati na rin ang mga paruparo sa tyan ko e komportable pa rin ako sa kan'ya.
Ramdam ko ang paghinga n'ya sa batok ko na nagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyon pero kahit na ano pang maramdaman ko, and'yan pa rin 'yung pakiramdam na komportable ako sa kan'ya.
Nakalapat ang dibdib n'ya sa likod ko kaya ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso n'ya at sumasabay ang akin dun. Buti na lang it's not the other way around kasi malalaman n'ya kung paano bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kan'ya.
Inabot n'ya ang mga kamay ko saka hinawakan at nilaro 'yun. Tangina Kevin bakit ibang-iba ka kaysa sa kuya mo? Kahit sa nararamdaman ko, iba. Ayoko namang ma-confuse sa inyong dalawa. Pero sa ginagawa mo... hindi malabong mangyari 'yun.
"Zia," bulong n'ya sa akin. Hindi gano'n kalakas. Malapit lang ang mga labi n'ya sa tenga ko pero ngayon ipinatong n'ya 'yung noo n'ya sa balikat ko. "Handa pa rin akong magpagamit sa'yo. Tanga na kung tanga, mahal kita, e," dugtong pa n'ya na lalong naging dahilan para ikapula ko.
Hindi ako makasagot dahil parang kinuha ni Kevin 'yung lakas ko na magsalita o kahit gumalaw man lang.
"'Wag mo sana ako itulak palayo kasi baka hindi ko kayanin, Zia. Ikaw lang talaga mahal ko, e."
Duckkkk!!! Gago feeling ko matutunaw ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa pinagsasasabi neto ni Kevin. Grabe s'ya magpakilig!
"Gusto kitang makuha kay kuya. Sana hayaan mo ako. Hayaan mo muna akong patunayan na mahal talaga kita. Panghahawakan kong komportable ka sa akin at may dug dug na rin d'yan sa puso mo." Tumawa pa s'ya nang konti kaya napangiti na rin ako.
"Alam kong hiyang-hiya ka sa nangyari kagabi pero 'wag kang mag-alala, kakalimutan ko 'yun kapag kaharap ka. Hindi nga lang magbabago na gusto kong gawin mo akong panakip butas. Kahit na gamitin mo ako nang paulit-ulit kapag nand'yan si kuya mawala lang 'yang sakit na nararamdaman mo ay ayos lang," sabi pa n'ya pero ako walang maisagot hanggang ngayon kasi tangina! Kinikilig talaga ako, e.
![](https://img.wattpad.com/cover/138376227-288-k656663.jpg)
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...