Twenty Four

1.6K 66 7
                                    

Chapter Twenty Four

Paggising ko bumaba na agad ako tapos nakita ko si Keanu at si Pia sa sala.

"Andito na pala si Zia e. May tatanong ako Pia," sabi ni Keanu.
"Ano 'yun?" nakakunot noo n'yang tanong.
"'Yung susi ng bahay n'yo?" tanong ni Keanu. Jusko. Jusko Pia. Sumakay ka! Para 'to sa labstori ng ate mo!!
"Huh?" sagot ni Pia.

Tumango-tango na lang ako kay Pia. Tangina Pia. Matalino ka.

"Ahh." Ngumiti s'ya ng nakakaloko. Pia. Umayos ka. "Bakit?"
"Yung boxer ni Zia. Kukunin namin."

Lalong ngumiti si Pia. Tumayo na ako. Kingina. Natatakot ako sa sasabihin ng gagong 'to.

"Nasa bag—"
"Ikaw talaga Pia. Nasa bag mo 'yung susi 'di ba? 'Di baaa? Kunin na natin sa taas." Pinanlakihan ko na s'ya ng mata saka lumapit sa kan'ya.

Tumawa si Pia.

"Oo. Tara na ate. Para makuha n'yo na 'yang BOXER mo." Binigyan n'ya pa ng emphasis ang boxer. Jusko. Gagong Pia.

Hinila ko na s'ya pataas.

"Anak ka naman ng tatay Pia eh."
"Ano 'yun? May move ka na agad? Ang bilis mo, Zia," natatawa n'yang sabi.

"Nasa brief ni Keanu 'yung susi," tumatawa n'ya pa ring sabi.
"ANO???"
"Nakalagay sa sulat na nasa brief n'ya 'di ba?"

Omerghed. Mahahawakan ko ang—ANG PERV KO.

"Namumula ka na naman Zia. Anong iniisip mo?" nakangisi n'yang sabi, "assumera. Nilagay ko sa damitan n'ya. Tanga."
"Paano mo nailagay??" nagtataka kong tanong.

"Who knows?" sabi n'ya.

"Psshh.. Sasabihin ko na lang kay Keanu na nandun."
"Hmmm," nakangiti n'yang sabi. "Ayaw mo bang makakuha ng souvenir na brief?"

Umakyat na naman 'yung dugo ko sa mukha. Putang sheeeeettttt.

"G-gustooooo," nakatungo kong sabi. Waaaah nagiging perv na ako. Ajujujuju.

"Pumasok ka na sa kwarto n'ya," sabi ni Pia. Jusko anak ng tatay. Alien na ako. Kelangan kong ibalik ang dating Zia.

"Pano pag bigla s'yang bumalik?" tanong ko. Na-eexcite ako na kinakabahan!
"Lilibangin ko s'ya. 'Pag hinanap ka n'ya sasabihin ko na tumatae ka."

Putspa. Bahala na.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto n'ya.

"Andy'an yung phone mo?"

Tumango ako.

"Tatawagan kita 'pag hindi ko na s'ya mapigilan. Buklatin mo lahat ng brief n'ya ha?"
"Bakit?"
"Eh sa nakatupi ko 'yun tinago eh. Sana nga 'di n'ya pa nasusuot," tumatawa n'yang sabi.

"Good luck." 'Di ko alam kung paranoid lang ako or what pero nanggagago 'yung ngiti ni Pia.

Sinara ko na 'yung pinto. Nagbubutil-butil 'yung pawis ko sa noo. Punyeta. Back-out na ako. Pero hindi! Para sa souvenir!

Winelcome ako ng amoy ni Keanu. Ang bango n'ya talaga.

Inilibot ko ang tingin ko. Andun 'yung walk-in-closet n'ya. Edi agad akong dumerecho doon.

Sa baba agad ako tumingin kasi baka nandun sa mga drawers. Nagbukas naman agad ako ng drawer n'ya.

Wala. Wala. Wala. Ayun. Haha

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon