Nineteen

1.7K 75 2
                                    

Chapter Nineteen

Shit. Naramdaman kong umaakyat ang dugo ko sa pisngi ko.

He complimented me. Pero paano kaya kung si—Staph! Zia lumalandi ka na naman!! Ilang araw pa lang, e.

Inikot ko ang tingin ko sa treehouse n'ya. Simple lang. May upuan at lamesa. May higaan dun sa tabi. Simple lang talaga.

"Edi maganda ako dati?" sabi ko. Ewan. Hindi awkward kay Kevin. Parang dati lang. Siguro dahil nga alam ko na alam nya ang kabataan ko kasi naging parte sya nun.
"Hmm yeah. You're pretty. Pero you're prettier now."

Natawa ako ulit.

"Kaso kilos lalaki ka eh."

Lalo akong natawa.

"Pag nagwa-war game tayo lagi mo kaming natatamaan ng pellet gun mo. Tapos 'pag niyayaya ka ng mga babae sa kanto na mag-piko tinatawanan mo sila."
"Gago. Eh kasi ayoko nun. Talon talon. Barilan mas maganda."
"Isa ka rin sa pinakamahirap hanapin sa bamsak. Bihira kang mataya."
"Yeah. Nakakamiss maging bata 'no?"
"Sobra. Ngayon ang daming problema. Noon ang poproblemahin mo lang eh ang dahilan mo sa mama mo para 'di ka paluin at ang pagtakas sa pagtulog tuwing tanghali."
"Uhh huh," pag-agree ko sa kan'ya.

Gusto kong maging bata ulit. 'Yung laro laro lang forever. Ganun.

Dati sobrang excited na akong lumaki pero ngayon gusto kong maging bata ulit.

Natahimik kami sandali.

"Kevin."
"Hmm?"
"Pa-connect sa wifi n'yo."

Natawa naman sya. Bakit ba? Haha

"Baliw. Akin na phone mo."

Binigay ko sa kan'ya. Isesearch ko yung banda na sinabi ni Sui mamaya.

Humangin ng malakas. Tangna inaantok na naman ako.

"Nakakaantok," sabi ko.
"Kantahan kita. Dali."
"Sigeeee." Nakakaadik kasi yung boses n'ya.

Umayos s'ya ng upo at ti-nap yung lap n'ya. Err..

"Higa ka dito. Walang unan eh. Ngayon lang kasi ulit ako pumunta dito."

Lagi na lang ako nakakakuha ng lap pillow ah.

"Dali na Zia. Wag nang choosy, aba."

Since inaantok talaga ako humiga na ako sa lap n'ya.

(Sui's note sa gitna ng chapter: Somewhere in Neverland by: All Time Low. This is my favorite song. It makes me fall in love when I hear it. Ugh.)

"Say goodbye to the halls and the classes
Say hello to a job and the taxes
And weekends with old friends spilling into nine to five routine."

Ang ganda ng kanta. Ang ganda pa nung boses n'ya. Inaantok ako lalo.

"Tell me how you feel over and done with
Like your life is a map with no compass to guide,
At the bar drinkin’ way too much
We sing along to 'Forever Young'."

Unti-unti na akong napapikit. Sobrang sarap kasi ng hangin plus ang ganda pa ng boses ni Kevin.

"So here we go again
Wishin’ we could start again

Wendy run away with me
I know I sound crazy
Don’t you see what you do to me?
I wanna be your lost boy
Your last chance, a better reality

Wendy we can get away
I promise if you’re with me, say the word and we’ll find a way
I can be your lost boy, your last chance
Your 'everything better' plan
Oh, somewhere in Neverland"

Antok na ako. Kapal ng mukha ko rito kay Kevin.

*****

Nagising ako. Shit. Nakatulog na naman ako. Anak ng tatay. Sarap matulog. Nag-angat ako ng tingin. Nakatulog din si Kevin.

Kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa mesa. Alas-4 pa lang.

Napatingala ako. Ang pogi rin ni Kevin. Hindi sila magkamukha ni Keanu. Pero gorg ang parents nila e.

Nakapatong 'yung kamay n'ya sa tyan ko. Hmm ays lang naman since nakakangalay.

Hinintay ko na magising s'ya para tumayo. Rude naman kasi kung tatayo ako bigla dibaaaa?

Nag-check ako sa youtube since abot yung wifi. Sinearch ko 'yung kinanta ni Kevin kagabi. A Daydream Away yun eh.

"I wish you could see your face right now
'Cause you're grinning like a fool
And we're sitting on your kitchen floor
On a Tuesday afternoon
It doesn't matter when we get back
To doing what we do
'Cause right now could last forever
Just as long as I'm with you"

Biglang nagising si Kevin.

"Shit. A Daydream Away?"

"You're just a daydream away
I wouldn't know what to say if I had you
And I'll keep you a daydream away
Just watch from a safe place
So I never have to lose"

"Uhh huh." Tango ko.
"That's my favorite song."
"Talaga? Sinearch ko 'to dahil kinanta mo eh."
"Narinig ko 'yan kay Sui eh."

Tumango ako. At narealize ko na nakahiga pa rin ako sa lap n'ya kaya agad akong tumayo.

"Ouch!" sabay naming sigaw. Saka ako napahawak sa noo ko. Anak ng tatay.

"Sorry!! Sorry talaga Kevin."
"Hindi! Ayos lang." Natawa s'ya. "Naging clumsy ka na pala?"
"Yeah. Kainis nga. Kung saan-saan ako nauuntog."

Natawa s'ya. Ang ganda ng tawa n'ya.

"Gutom ka na ba?" tanong n'ya.
"Yup. Ang sarap tumambay dito."
"Tambay ka na lang din dito. Gawin mong tambayan."
"Ayos lang sa'yo?"
"Yep. Pinagawa ko 'to nung maliit pa tayo. Tapos pina-maintain ko sa caretaker para maayos. Buti nga maganda pa rin dito eh."
"Maka-maliit ka naman. Haha"
"Baba na tayo?"
"Tara!"

At nakababa na kami. Saka nag-usap ulit. Masaya kausap si Kevin.. Tsaka mabait. 'Di nangangain katulad nung isang araw.

"Saan kayo galing?"

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon