Twenty One

1.9K 80 8
                                    

Neko's note: Dedicated to olanmanalo 💕💕 grabe yung support n'ya sa story guys. Comment kung comment. Vote kung vote. Thank you Alexandra. 😘😘 love youuuuu.

This is one of my favorite chapters kasi ang angas ni Sui. Hahaha. 💕

Chapter Twenty One

Paggising ko... walang Keanu na nakabungad sa pinto. Hays

Nag-eexpect kasi ako eh. Kingina naman.

'Yan kasi Zia, nasampolan lang ng isang beses akala mo talaga.

Naligo na ako. At dinala ang mga maruruming damit. Pinagalitan ako ni Pia kagabi kasi iniwan ko raw 'yung mga damit ko. Lecheng 'yan. S'ya yata 'yung ate sa'min, e.

Paglabas ko ng banyo, ineexpect ko na may Keanu na naka-bungad sa pinto at naka-sad face. Pero wala.

Bakit ba kasi ako nag-eexpect??

Nilagay ko na sa kwarto 'yung maduduming damit. Saka lumabas ulit.

Inaantok pa ako. Napatagal 'yung usapan namin ni Sui kagabi eh.

Alas-onse na pero inaantok pa rin ako. Bakit ganun? Hinang-hina ako.

Kumain na ulit ako ng brunch at napansin ko na walang tao... wala si Pia. Pero nasa harap ko si Krista na nakikikain.

Kapal din ng mukha neto e. Hahahaha.

"Asan sila?" tanong ko kay Krista. Bigla s'yang tumayo at umupo sa tabi ko.

"Sinong sila? Yieee. Hinahanap n'ya si Keanu," aniya saka sinundot-sundot yung tagiliran ko. Agad naman akong napa-kislot. Kingina malakas kiliti ko dun eh.

"Si Kevin?" sabi ko na lang. Pag si Keanu 'yung binanggit ko malamang may issue na naman.

Napatigil sandali si Krista at agad na bumalik ang ekspresyon n'ya kanina. Yung masaya.

Weird.

"Nandun sa kwarto n'ya. Guluhin natin bey, you want?"

"May problema ba Krista?"

"Problema? Anong problema bey? Ikaw talaga. Mga pinag-iisip mo. Kakaisip mo lang 'yan kay Keanu. Yieee." Ang galing neto mag-change topic pero pilitin natin!!

"Sure ka Krista? You know you can count on me."

"I'm okay. Thank you bey. Love na love mo talaga ako." Nakangiti n'yang sabi saka ako hinila paakyat.

Tekaaaa 'di pa ako tapos sa pagkain ko eh.

"Demonyitong Kevin! Buksan mo ang pinto. Napapaligiran ka namin," sigaw ni Krista habang naka-pormang check 'yung mga daliri n'ya. Yung pogi. Ganun. Pero 'yung pormang baril.

Napahagalpak ako ng tawa sa kan'ya. Baliw talaga.

"Wag ka nga bey. Baka marinig n'ya tayo "

"Maririnig ka n'ya kasi sumigaw ka. Abno!"

"Oo nga pala!" Natawa s'ya. Saka kumatok.

"Mr. Fuentes. Inuutusan kita na buksan mo ang pintong nakaharang sa pagitan ng dalawang mundo."

"Jusko. HAHAHAHAHA."

"Ano bang ingay 'yan?" Narinig kong sabi ni Kevin at binuksan ang pinto.

Niluwa si Kevin na nakaboxer at topless. Bagong gising. Hot. Napatitig ako sa abs n'ya.

"Such abs." 'Di ko namalayan na nasabi ko 'yun ng mahina.

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon