Chapter Fifteen
Nandito kami sa mall ngayon. At sinure ko nang hindi sira 'yung zipper ng short ko.
Past is past.
Nang makabili kami... sinaksak ko sa tenga ko 'yun pero hindi tumutunog. Wala lang. Gago lang. Hahaha.
"Mcdo tayo beyyy~"
"Tara," sabi ko sabay lakad papuntang Mcdo. Um-order na si Krista kasi hindi talaga ako nago-order.It is the same spot where I saw Keanu. Asar na asar pa ako sa kan'ya nun. Hanggang ngayon naman.
Napangiti ako. Kung makapag-salita ako parang ilang araw kaming hindi nag-usap ah.
"Bey!" tawag sa akin ni Krista habang hawak ang tray. Waaahhh
BFF fries. Saraaaap. Haha ayos na ako. Fries lang buhay na ako forever.
"Bey."
"Hmm?"
"Sorry," sabi n'ya sabay yuko.
"Bakit?"
"Wala." She smiled. May nagawa ba s'ya? Nabuntis ba s'ya? OMYGHAD!!
"Krista?"
"Wala talaga. Cr lang ako." Tapos umalis s'ya.Hehe false alarm. Iba pala.
Pero kung may problema sya...
Magsasabi naman s'ya kung may problema s'ya. Baka hindi n'ya lang kaya. Hintayin ko lang na mag-open s'ya sa'kin. Hindi dapat pilitin kahit na kating-kati na ako na magtanong.
Pero dahil wala s'ya. Uubusin ko 'tong fries. Hehehehehe
Hanggang sa naramdaman ko na may umupo. 'Di ko na lang s'ya pinansin.
"Bilis mo Krista ah. 'Di ka na natatae?"
Sabi ko habang nakatingin sa fries at iniisip kung pano ko pagkakasyahin sa bunganga ko yun. Hehe.
"Uubusin ko sana yung fries eh. Kaso dumating ka agad. Kakaalis mo pa lang eh."
Hindi pa rin s'ya sumasagot kaya tiningnan ko s'ya.
Nanlaki ang beautiful eyes ko. Shet!!
Kingina.
Andun si Keanu sa tabi ko. Nakangiti nang nakakaloko.
"Your sister and your bestfriend love me so much."
"Talaga?" sabi ko nang nakangiti. Pero ang totoo gusto ko s'yang ingudngod dito sa fries kaso naisip ko na sayang ang effort at fries.
"Uhh huh. So you're avoiding me, aren't you?"
"S-sinong nagsabi sa'yo na iniiwasan kita?" tanong ko sabay tumingin sa fries.At taenang dila 'to. Bakit 'pag kaharap si Keanu hindi ka nagfa-function nang matino?
Gagong Krista. Alam ko na kung ba't s'ya nagsosorry. Magpapalibre ako ng sampung BFF fries sa kan'ya 'pag nakita ko s'ya.
"Don't make me look stupid Zia." shit! Bakit ganun yung boses nya? Parang nagmamakaawa... nasasaktan.
"Sino bang nagsabing pinagmumukha kitang tanga?" naiinis na sabi ko. Kingina naiinis ako sa mukha n'ya. Ilaglag ko kaya s'ya sa dagat kasama ng first love n'ya?"Wala. Pero nararamdaman ko."
"Never assume unless otherwise it's stated."TAKE THAT!!!
Wow Zia. So hipokrita mo naman pala talga. Wow. Eh ikaw nga 'yung assuming dyan.
Pero badtrip kasi. Paparamdam ka sa'kin tapos may first love ka pala.
Joke. Sinisi natin s'ya e ako naman talaga nag-assume.
Teka tumigil ka nga Zia. Tatanga-tanga ka na naman eh.
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...