Chapter Five
Nilagay na namin sa kwarto namin 'yung mga gamit namin. And yeah.. unfortunately katapat ko si Keanu. Medyo gago talaga 'tong kapatid ko.
Bumalik na kami sa sofa. Nauna akong umupo. Dun ako sa pinakadulo. At gago talaga si Pia kasi sa kabilang dulo s'ya umupo. And it means pinag-gigitnaan namin si Keanu. Nung umupo si Keanu. Naamoy ko na sobrang bango n'ya. Masculine. Ang bango. Nakakadistract.
Nag-padeliver ng pizza si Keanu. Well. He's not that bad. At pagdating ng pizza. Halos maglaway na ako. Huehue pizzaaaaa~ come to mehhh.
Una naming pinanuod ay Maze Runner. Maganda. Pogi yung Asian. Huehue hilig ko sa singkit. Parang si Kean—staph.
"So... ano nang sunod?" tanong ni Keanu.
"Horror!" excited na sabi ni Pia.
Fuck. Fuck. Wag 'yan. 'Di ako tough cookie pagdating sa horror and shits. Wag n'yong ihaharap sakin 'yang pesteng horror.
"Okay. Conjuring or Coming Soon?"
WHAT THE FUCK???? WTF???? 'Wag sila. Umurong dila ko, kinain ko na yata. 'Di ako makapag-protesta! Ajujuju
"Conjuring muna bago 'yung Coming Soon."
AJUJUJUJU TAKOT AKO KAY ANNABELLE AJUJJJUJUJUJU
Halos tanggalin ko na ang eyeballs ko at pasakan nang madaming bulak ang eardrums ko para hindi ko makita si manika at marinig ang lecheng sound effects. Dafq.
Mukhang tyanak si Annabelle. Leche. Bakit ba ako nanunuod. Tinakip ko 'yung kamay ko sa mata ko pero may puwang para makanuod pa ako. #MedyoTanga
Natapos ko ang movie and luckily I survived. 'Di ko na ikukwento kasi wala na akong balak alalahanin ang mukha ng manika na 'yun.
Waaaaahh. Shit. Coming Soon. Si Shomba. Puta mukhang ewan pa naman yun. 'Di ko na talaga idedescribe kasi naiihi na ako sa takot.
Si Pia naririnig ko na tumatawa lang. Si Keanu parang wala lang. Pero nung nakita ko yung mukha ni Shomba putangshet yumakap na agad ako sa katabi ko. Wala akong pake kung sino 'to. Naluluha na ako. Ang panget ng mukha n'ya. Panot s'ya. 'Di ko alam pero sobrang takot talaga ako.
Pero hmm. Ang bango n'ya talaga. Shit. Naramdaman ko naman na niyakap n'ya ako. My heart skipped a beat. Shit. Baka mamatay ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Eto na naman yung feeling na gusto kong itigil yung oras para namnamin ang yakap n'ya.
AKALA KO TAKOT KA ZIANDRINA CORTEZ?! BAKIT NAGLALANDI KA DIYAN?!
Napatigil ako sa pag-iyak.. Pinapakiramdaman ko lang yung tibok ng puso ko. Natatakot ako. Baka marinig n'ya. Baka sabihin n'ya apektado ako sa kan'ya. Pero apektado naman talaga ako. Pero kasiiiiii.
"S-sorry," sabi ko at inangat ang ulo ko at tumingin sa t.v nila. Pero putangshet kasi naka-pause dun sa mukha ni Shomba. Waaahhh ampanget n'ya. Baka makita ko s'yang nakabigti sa C.R anak ng tatay.
Agad akong napapikit.. Pero nagulat ako ng niyakap ulit ako ni Keanu. Nasa mukha ko ang dibdib n'ya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig ako. Baka sumabog ang puso ko. Baka mangisay ako. Hindi ko na alam.
Pero may isang kakaiba. Mabilis din ang tibok ng puso n'ya. Kasing bilis ng tibok ng puso ko.
Bumalik ang utak ko dahil sa nakakabulag na flash na sinundan ng malakas na tawa ni Pia. Pumalakpak pa s'ya na parang seal.
Shit. Agad akong napabitaw sa pagkakayakap ko sa kan'ya.
"Sorry ulit!" sabi ko habang nakatalikod sa kan'ya. Shucksss namumula ako. Dama ko. Mainit mukha ko.
"Iba na lang 'yung panuorin natin," sabi ni Keanu.
Pwede namang ituloy ulit para maka-yakap ulit ako sa'yo. Malandi talaga utak ko. Jusko Zia. Kumalma ka!
Kinuha ko ang phone ko at chineck ang oras. Dafq. 12am na.
"Tulog na ako. Anong oras na eh," pagpapaalam ko. Pumunta na ako sa kwarto ko at natulog. Medyo antok na rin ako eh. Kahit na natatakot ako kailangan ko na matulog at magnilay-nilay. Iiwan ko na lang yung ilaw na bukas.
Ang lambot ng kama nila. Simple lang yung bahay nila. Hindi yung bongga. Yung kwarto.. May queen size na bed then blue ang paint ng walls. May cabinet. Tapos malawak din. Pang-guest lang talaga.
*****
"SHIIT!!!"
Nagising ako na pinapawisan kahit na aircon ang kwarto. Kingina. Iyak na ako nang iyak. Si Shombaaaaa kasama si Anabelle tapos hinahabol nila ako. Ayoko na!!
Pagtingin ko sa wall clock eh 2:30am na. Ang creepy pa ng tunog ng orasan
Pupunta na lang ako kay Pia. Leche kasi 'yun. Kahit 'di kami close, sa kanya ako pupunta. Wala naman si inay at si itay. Ajujujuju why?
Lumabas na ako ng kwarto ko. Imaginations. Wag kang mag-imagine. Wag!
Pumunta ako sa kwarto n'ya at kumatok. Kaso nonsense din kasi tulog mantika ata yun. Naririnig ko kasi na binibungangaan sya lagi ni inay. Triny kong buksan—naka-lock. Ajujujujuju
Paano yan??? Ayoko neto. Tawagan ko kaya si Krista? Kaso... kaso... naiwan ko 'yung phone ko sa kwarto. Babalik pa ba ako? Naluluha na naman ako. Leche kasing Shomba 'yun. Panot 'yun.
Ayokong pumikit. Natatakot ako. Ayokong dumilat baka may makita ako. Baka nasa harapan ko 'yung manika at si panot. Ajujujuju
Naghahanda na 'yung utak ko na tumakbo pabalik sa kwarto o kaya mag-camping sa labas ng kwarto ni Pia.
Para akong tanga na umiiyak sa harapan ng pinto ni Pia ng may humawak sa braso ko malamig na kamay.
Nagtaasan lahat ng balahibo ko at feeling ko namumutla na ako. Iba bes. Tangina. Halos maihi na ako sa pjs ko. Shit!
'Di ako makapag-react. 'Di ako makagalaw sa takot ko. Naiiyak ako. Si Shomba na ba 'to? Kukunin din ba n'ya ang beautiful eyes ko? Ajujuju
"Zia? Umiiyak ka?"
Napatigil ako sa paghikbi ng marinig ko ang boses ni Keanu.
BINABASA MO ANG
Zipper Mo Bukas (Completed)
RomanceZia Cortez is living her plain and simple life when she met Keanu Fuentes who unfortunately saw her underwear through her zipper. Little did she know that Keanu is her childhood friend-Kevin Fuentes' brother who resided in America. Everything seemed...